Chapter 21

90 7 0
                                    


"Okay class dismissed." Nagsitayuan na yung mga kaklase ko pagkaalis ni sir. Uwian na pala hindi ko manlang napansin. Lutang kasi yung utak ko dahil sa mga nangyari kanina.
"Tara na." Yaya sakin ni Kean, hinila niya ako palabas ng room. Hinila ko naman si Lorence.

"Teka, diba may punishment pa kayong gagawin? Tara sa principals office itanong natin kung ano yung punishment niyo." Hinila ko sila pareho, hindi naman sila tumutol. Nagpahila lang sila sakin. Nasa thirdfloor na kami ng biglang nakasalubong namin yung teacher ko sa Science, si Maam. Gaspar, isa siya sa mga terror teacher dito sa school. Lahat ng students dito takot sa kanya, parang mas mahigpit pa nga siya kesa sa principal eh. Teka, hindi pala PARANG, Mas mahigpit TALAGA siya kesa sa principal.

"Oh mr. Padua & mr. Santos, i'm glad you're here. Buti nalang nakasalubong ko kayo, ang hassle kasi kung pupunta pa ako sa room niyo." Huh? Bakit kaya? Ano kayang kailangan ni maam sa dalawang to. Ah baka naman tungkol sa punishment nila.

"Bakit po? Ano pong kelangan niyo samin.??" Si Kean lang ang naglakas loob na tanungin si maam, saming tatlo. Malamang bago pa lang siya dito kaya hindi niya kilala ang ugali ni maam. Hindi kami umiimik ni Lorence dahil takot kami sa kanya.

"Ahm, its about your punishment. Mr. Santos(the principal) instructed me na dalhin kayo sa guidance office para kunin dun yung mga papeles na ipapaphoto copy niyo. And then dalhin niyo sa principals office and after that you can go home." Tumango lang kaming tatlo at naglakad na papuntang guidance office, ibinigay samin ni maam yung mga papeles at iniwan na kami. Nagpunta naman kami dun sa isang room na may photo copy machine, medyo madami rin yung mga papel kaya natagalan kami. Si Kean yung naglalagay sa machine ng papel, kami naman ni Lorence yung nagi-istapeler.

Nung natapos kami, dinala na namin sa principals office yung mga papeles, wala dun si sir kaya hinintay pa namin siya. Mga 10 minutes din kaming naghintay dun. At nung dumating siya umalis na rin kami.

"Hay! Pagod na ako!. Nagutom ako dun ah." Nag inat ako habang sinasabi yun.

"Oo nga kakagutom." Sumang ayon naman sakin si Kean.

"Sakit ng kamay ko kakaistapeler.!!" Minamasahe naman ni Lorence yung kamay niya.

"Guys!!" Napalingon kami sa nagsalita, si Sir. Santos, yung principal.!! Tinawag kaming GUYS, ???

"Oh uncle,, bakit po??" Naku wala talagang galang tong si Lorence, principal kaya siya ng school. Oo tito niya siya, pero nasa school parin naman kami. Siniko ko si Lorence

"Hi sir. Good afternoon po. Ano po kailangan niyo?" Tumawa naman si Lorence at si Sir. Santos.

"Naku hija, wala akong kelangan sa inyo. Nandito lang ako para magpasalamat sa inyo dahil inayos niyo yung mga papeles dun, oo considered yun as punishment niyo, pero thank you parin. And you don't need to be formal to me kapag tapos na yung school hours or kapag wala tayo sa school. And you can call me tito na lang." tumango naman kami ni Kean, nakangiti lang siya samin. Pogi siya, katulad ni Lorence. Atsaka mukha siyang bata pa.

"So let's have dinner, my treat!" Ano daw? Ililibre kami ng principal ng dinner???

"Naku sir wag na po. Nakakahiya na--- hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi he cut me off.

"I insist." Wala na kaming nagawa ni Kean kundi um-oo na lang.

Dun ako sumakay sa kotse ni Kean, si Lorence naman sa kotse niya, pati si Sir-- tito may kotse ding kanya. Sinundan lang namin yung car ni Sir-- tito, hanggang sa makarating kami sa isang restaurant..

"Table for four please." Sabi ni tito dun sa waiter, inasist naman kami nung waiter papunta dun sa table.

"Order na kayo." Ngumiti samin si tito. Tinignan naman ni Lorence at ni Kean yung mga papel na may nakalagay na mga tinda nila. Umorder na si tito, pati si Lorence,

"Anong sayo??" Tanong sakin ni Kean.

"Ahm katulad na lang ng sayo." Tumango naman si Kean at umorder na rin.

"Hija, nanliligaw ba sayo tong pamangkin ko??" Nakangiting tanong ni tito sakin, tumingin naman ako kay Lorence nakangiti lang din siya sakin. Naku nakakahiya naman.

"Ahm, hindi po. Hehe." Anu bayan nakakahiya naman.

"Talaga? Naku napaka torpe talaga nitong pamangkin ko, manang mana sa tatay niya eh. Hahaha." Natawa naman kami dun..

"Uncle!!" Ang sama ng tingin ni Lorence kay tito. Lalo kaming natawa. Ang cute nilang magtito, parang magkapatid lang eh.

"Eh si, Kean nanliligaw sayo?" Naku pati ba naman yan itatanong niya?? Tumingin naman ako kay Kean, nakatingin lang siya kay tito. Magkatabi kasi kami ni Kean, nasa tapat namin sina tito at Lorence.

"Ah, hindi din po. Hehe." Sobrang nakakahiya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Eh, kung sakaling manligaw sila sayo, may pag-asa ba?? Or sino ang mas may pag-asa sa puso mo?" Nagulat naman ako sa tanong ni tito. Boy abunda lang ang peg?? Feeling ko para akong isang artista na iniinterview dahil may tsismis na kumakalat tungkol sakin.

"Uncle naman!! Anu ba yang mga tinatanong niyo kay Anikka!! Nakakahiya kayo!!" Naku thank you Lorence niligtas mo ako sa hot seat..

"Bakit?? Masama bang magtanong?? Natatakot kang si Kean ang piliin niya no??" Nagulat ako sa sinabi ni tito, totoo kaya yun?? Na natatakot siyang si Kean ang piliin ko,?? Wala naman siyang gusto sakin diba??

"Of course not!!, hindi siya threat sakin. Kaya kong mapanalunan ang puso ni Anikka laban kay Kean." Nagulat kaming lahat sa sagot ni Lorence.. Nakasmirk lang siya kay Kean. Totoo ba yung sinabi niya?? Tama ba yung narinig ko??

"Hahaha.. Sobrang confident ka naman ata na mananalo ka. " nakasmirk na din si Kean kay Lorence. Ang sama ng tingin nila sa isa't isa, parang may kuryente sa pagitan ng mga tingin nila.

"Oo naman ako pa!!" Nag cross arms si Lorence at tinaas niya yung paa niya, yung parang pamboss..

"May the best man win!!" Inabot ni Kean yung kamay niya kay Lorence, yung parang makikipagshake hand siya.

"May the best man win." Inabot naman ni Lorence yung kamay ni Kean at nag shake hands sila, .. Tumingin naman sakin si Lorence sabay kindat, napa iwas naman ako ng tingin sa kanya.

Ano ba naman to.. Akala ko wala silang gusto sakin.. Diba magkakaibigan lang naman kami?? Bakit ganito?? At ang haba naman masyado ng hair ko, dalwang poging lalaki, magkakagusto sakin??.. Pero hindi dapat ako mag assume baka masaktan lang ako sa huli. Malay mo, trip trip lang nila yang sinasabi nila, malay mo pinagtitripan ka lang nila.. Oo tama, hindi totoo yung mga sinasabi nila, pinagtitripan ka lang nila.. Imposible naman kasing magkagusto sila sakin ..

Falling In Love with My Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon