Someone's POV
"So congrats to us.." Umupo siya sa tapat ko habang inaalog ang hawak niyang glass of wine.. "Napasakin na si Lorence and makukuha mo na rin ang gusto mo.. Thanks sa paglapit mo kay Anikka, at sa pang-aakit ko kay Lorence, naghiwalay na rin sila.. And another good thing is nagkabalikan na kami ni Lorence and tuloy na ang engagement namin.."
Napangisi ako sa sinabi niya.. Yeah, masaya ka.. Pero ako nasasaktan.. Nasasaktan ako na lahat ng sakripiyong ginagawa ko para sa kanya ay ginagawa niya rin sa iba.. Pero anong magagawa ko?? Mahal ko siya at lahat gagawin ko para sa ikasasaya niya..
At ang kapalit ng pagtulong ko sa kanya?? Ay magiging kami ng isang araw.. At ang araw na yun ay ngayon.. mamaya kasi aalis na sila papuntang Canada.. And dun sila mamumuhay ng masaya..
Naguguilty nga ako kasi para lang sa panadaliang kasiyahan ko, sinira ko ang relationship nilang dalawa.. Mahal na mahal talaga nila ang isa't isa.. At napalapit na rin sakin si Anikka.. Pero nagmamahal lang rin naman ako eh.. Kaya sorry...
-------------------------------------------
Lorence's POV
"All flight no. 332, Philippines to Canada, please ........"
"Let's go." Tumango ako at binitbit yung maleta ko. Dala dala naman ng tatlong body guards yung gamit nina mama.
Lumingon ako at iniikot ang mata ko baka sakaling makita siya. Baka sakaling sinundan niya ako... ..
Pero wala..
____________________________
Anikka's POV
Agad akong sumakay ng taxi. Wala na akong oras kung magpapahatid pa ako kay Kean, baka nagshoshower pa yun eh..
At kung minamalas ka nga naman traffic pa.. Sh*t.. Naiiyak na ako.. May nakikita na akong mga eroplano sa langit na lumilipad. Naiiyak na talaga ako. Kahit malayo pa yung airport bumaba na ako, tumakbo ako sa pinakamabilis na kaya ko.
Ang dami ko na ngang nabanggang mga tao eh, pero wala akong pakialam. Kailangan ko siyang habulin, kailangan maabutan ko siya. Kailangang malaman niya na mahal ko pa rin siya, na walang nagbago. Kailangan ko siyang pigilang umalis...
Madilim na nung dumating ako sa airport. Agad ko siyang hinanap. Nilibot ko yung buong airport. Halos isang oras na akong naghahanap dito, at naiiyak na talaga ako. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito dahil sa itsura ko. Gulo-gulo na kasi yung buhok at naiyak pa ako...
"Anikka??!!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Kilala ko kung kaninong boses yun. Nung nakita ko siya, hindi nga ako nagkakamali. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila. Kasama niya yung asawa niya. "Anong ginagawa mo dito??"
"Ate Serena, nasaan po si Lorene??" Nakita ko yung lungkot sa mga mata niya.
"Sorry Anikka....... Pero... Kakaalis lang nila.. Kakalipad lang ng eroolanong sinasakyan nila.." Parang huminto ang mundo ko ng marinig ang sinabi ni ate Serena.. Napaupo na lang ako sa sahig at dun humagugol ng iyak. Niyakap naman ako ni ate Serena..
Wala na.. Nahuli ako.. Hindi ko na siya naabutan... Kasalanan ko to eh. Kung sana hinayaan ko siyang magexplain. Kung sana pinakinggan ko siya. Siguro hindi na niya kailangan umalis ngayon. Siguro kami pa rin.. Siguro masaya pa kami.. Naiinis ako sa sarili ko!!! Naiinis ako sa hindi pakikinig ng explanation niya.. Napaka selfish ko.. Sarili ko lang ang iniisip ko.. Hindi ko man lang inisip kung anong nararamdaman niya. Hindi ko manlang naisip na baka nasasaktan ko na siya..
Sana panaginip lang lahat ng ito.. Sana magising na ako dahil ayoko ng bangungot na to.. At kung totoo man to, parang ayoko ng mabuhay.. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa buhay ko..
Hindi ko na alam kung kaya ko pang mabuhay.. Sobrang sakit.. Ang sakit sakit.
Mahal na mahal kita Lorence. Sorry kung hindi kita hinayaang magexplain. Sorry kung napakaselfish ko. Sorry kung naging duwag ako at hindi ko hinarap yung problema natin.. Sorry kung hinayaan kitang lumaban mag-isa.. Sorry kung pinalayo kita. Sorry dahil gumawa ako ng dahilan para lumayo ka. Sorry kung hinayaan kitang umalis..
I will wait for you. Kahit gaano katagal.. Hihintayin kita.. Sana hindi mo ako makalimutan.. Sana hindi mawala yung pagmamahal mo sakin..
Sana pigilan mo ulit ang kasal niyo ni Nathalie..
Please forgive me.. Kahit hindi kita napatawad noon...Please come back to me... Kahit ako mismo ang nagpalayo sayo..
Please let me explain... Kahit hindi kita hinayaang magexplain..
Please love me... Dahil mahal na mahal kita...
BINABASA MO ANG
Falling In Love with My Childhood Friend
Teen FictionWhat if after 7 years magkita ulit kayo ng childhood friend mo.. What if ma fall ka sa kanya?? Will you say it to him/her or just hide you feelings?? What if mahal ka rin niya?? Will you take the risk??