"Sir, maam, here's your order." Inilapag na nung waiter yung mga order namin. Buti naman dumating na yung waiter hindi ko na kaya ang pressence dito eh.."Anikka, tikman mo to oh, masarap yan!! ^_^" may isinubong pagkain sakin si Lorence, tama siya masarap nga.
"Gusto mo pa??"tumango naman ako.. "Oh eto pa." Sinubuan ulit niya ako, naku akala ko ilalagay niya sa plato ko kaya humingi pa ako.. isusubo pala ulit niya..-_- pero masarap talaga siya..
"Anikka kainin mo na yang nasa plato mo baka hindi mo maubos dahil yung pagkain ni Lorence ang kinakain mo." -_- ang epal naman neto, eh sa nasasarapan ako dun sa food ni Lorence eh. Masarap din naman yung akin, pero mas masarap yung kay Lorence ^_^..
"Anikka gusto mo pa??" I shook my head means ayoko na, baka magalit pa tong lalaki na to eh, baka magbuga pa ng apoy. "Wag kang matakot dyan kay Kean, akong bahala sayo.(wink)" bakit parang may ibang ibig sabihin yung sinabi niya "akong bahala sayo" ??? Ala ewan..
"No. Ok lang, sayo na lang yan, may food pa naman ako dito eh." Tumango naman siya. Ano ba yan ang awkward..
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Kean yung labi ko.
"Ang clumsy mo naman kumain, may dumi ka sa labi oh." Namula naman ako sa sinabi at ginawa niya. Nakakahiya naman.. >.
"Ahem!!!" Sabay pa talaga sina Lorence at si tito ha.. Mukhang boto si tito kay Lorence ah, malamang mag tito eh..
Kumain na lang kami ng tahimik, pero hindi parin nawawala yung awkwardness.. Kahit sa pagkain nagpapagalingan at nagpapapansin parin yung dalawa sakin. Minsan hahawakan ni Kean yung kamay ko, minsan susubuan ako ni Lorence, minsan aakbayan ako ni Kean, tapos minsan tinititigan nila akong dalawa, tapos si tito nahuhuli ko pang natawa, naku nakakahiya talaga. Hindi tuloy ako nakakain ng maayos. Kainis. Balit ba kasi ayaw na lang tumigil ng dalawang to sa pag aasaran at pagpapagalingan, wala naman silang mapapala eh, dinamay pa nila ako. Ginawa pa nila akong dahilan. Tsk.
"Anikka, may pupuntahan kaba this saturday??" Tanong ni Lorence, bakit kaya? Tumingin ako kay Kean binigyan niya ako ng sabihin-mo-meron-look.
"Ahm, wala naman. Bakit?" Tumingin ako kay Kean, mukhang dissapointed siya sa sagot ko,binigyan ko naman siya ng -bakit?-Nagsabi-lang-naman-ako-ng-totoo-ah-look.
"Good!! Ah kasi yayayain sana kitang lumabas.. Pwede ba??" Lumabas? Date ba yan??
"Hindi siya pwedeng makipag date kung kani kanino lang.!" Bigla namang sabi ni Kean. Sabay akbay sakin.
"At sino ka naman para diktahan si Anikka ng mga dapat at hindi dapat gawin?" Naku mukhang away na naman to ah. Sabi ko na nga ba hindi talaga sila pwedeng pagsamahin eh.. Tsk.
"Ako lang naman ang future boyfriend & husband niya." Ngumiti ng nakakaloko si Kean kay Lorence, nainis naman si Lorence. Nagform na ng fist yung mga kamay niya. Naku anong gagawin ko?? Tumingin ako kay tito, nakangiti lang siya habang pinagmamasdan yung dalawa, naku ano ba yan parang gusto pa ni tito na mag away yung dalawa ah.. Anong gagawin ko???
"Ahem,, napatingin sakin yung tatlo,tumingin naman ako kay Lorence, ah Lorence hindi kasi ako sure kung papayagan ako nina mama, don't worry magpapaalam ako." Nginitian ko siya. Tumango naman siya.
"Sige, pupunta narin ako sa inyo mamaya para ipagpaalam ka." Tumango naman ako. Pero biglang hinawakan ni Kean yung kamay ko ng mahigpit. Napatingin naman ako sa kanya. Ang sama lang ng tingin niya kay Lorence. Naka smirk na naman kasi si Lorence sa kanya. Anu ba naman yan..!!
BINABASA MO ANG
Falling In Love with My Childhood Friend
Teen FictionWhat if after 7 years magkita ulit kayo ng childhood friend mo.. What if ma fall ka sa kanya?? Will you say it to him/her or just hide you feelings?? What if mahal ka rin niya?? Will you take the risk??