"OMG!! Lorence!!" Tumakbo ako papunta sa kanya. Nakita ko kasi siyang natumba, nahimatay. Nilapitan ko siya. Inangat ko yung ulo niya at pinatong sa legs ko."Uy, Lorence, ok ka lang ba?? Gumising ka?" Tinatapik ko yung pisngi niya, pero ayaw niya paring gumising. Naku mukhang kelangan ko tong dalhin sa clinic. Binuhat ko siya, pero hindi ko siya kaya kaya natumba kami. Ang bigat naman nitong mokong na to.
Naghanap ako ng taong pwedeng tumulong samin kaso walang tao dito. May klase nga pala. At iisa na lang ang alam kong pwedeng makatulong samin.
I dialed his number.
Calling Kean...
[Hello?]
Uhm. Kean. Pwede pumunta ka dito sa may malapit sa comfort room?
[Huh? Bakit may problema ba?]
Ah, ano kasi... I need your help..
[Sige papunta na ko dyan!]
end call
In-end na niya yung call. Hindi nagtagal nakita ko na rin siyang tumatakbo papunta samin. At mukhang nagulat siya sa nakita niya. Kahit ako rin naman eh.
"What happened?" Tinayo niya si Lorence at tinulungan din niya akong tumayo.
"Eh kasi nakita ko siyang nahimatay, wala naman akong mahingan ng tulong kasi may class na. " hindi na siya sumagot nakaakbay sa kanya yung kanang kamay ni Lorence tapos sakin naman yung kaliwa. Dumiretso lang kami sa clinic. Pagpasok namin ng clinic inasikaso agad kami nung nurse dahil nakita niyang walang malay si Lorence.
"Anong nangyari. Teka ihiga niyo siya dito." Inihiga namin siya. May kinuha naman yung nurse na mga gamit sa lamesa niya. At inexamine si Lorence.
"Anong nangyari? Bakit nawalan siya ng malay?" Tapos na niyang ixaminin si Lorence, tumingin siya samin ni Kean, tumingin naman sakin si Kean.
"Hindi ko po alam eh. Nakita ko lang po siyang nahimatay kaya po tinulungan ko siya." Tumango naman yung nurse.
"Wala naman akong nakitang sugat sa kanya, so it means hindi siya naaksidente or any physical accident. Siguro dahil lang sa sobrang init. Heat stroke. Usong uso yan ngayon." Tumango na lang kami ni Kean. Siguro nga. Hindi pa kasi siya kumakain eh. Kawawa naman siya.... Naku anu ba pinagsasasabi ko. Hindi dapat ako naaawa sa kanya diba dapat galit kasa kanya dahil sinabihan ka niyang malandi. Pero hindi naman ako ganun kasama para hindi siya kaawaan.
"Sige labas lang ako. Dadalhin ko lang tong mga papeles sa principals office. Pakibantayan na lang siya hanggang sa magising. Tapos painumin niyo ng tubig." Tumango kami ni Kean. Umalis na rin yung nurse.
"Ahm Kean, dito ka muna ah bibili lang ako ng tubig at pagkain para sa kanya." Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.
"No. Ako na lang bibili. Ikaw nalang magbantay diyan." Hindi na ako nakapalag kasi lumabas na agad siya ng clinic. Ang bilis.
Napabaling naman yung tingin ko kay Lorence. Ngayon ko lang napansin ang pogi niya pala, cute nose, kissable lips..... Teka ano bang pinagsasasabi ko dito. Erase. Erase. Nawalan na nga ng malay yung tao pinagpapantasyahan mo pa.
Nagulat ako ng bigla siyang gumalaw. Unti unti niyang minulat yung mata niya. Inikot niya yung mga mata niya na parang nagtataka kung nasan siya. Nung nakita niya ako lalong kumunot yung noo niya.
"Nasaan ako? Bakit ako nandito? Ang alam ko naglalakad lang ako kanina ah.??" Sunod sunod niya tanong habang nakakunot parin ang noo niya.
"Nakita kasi kitang nahimatay, kaya dinala ka namin dito sa clinic."
"Namin??" Lumingon naman siya sa paligid pero nung wala siyang nakitang ibang tao tumingin ulit siya sakin.
"Oo, namin, kami ni Kean. Hindi kasi kita kayang dalhin dito mag isa kaya nagpatulong ako sa kanya." Tumango naman siya. Tatayo sana siya pero pinigilan ko siya.
"Saan ka pupunta? Dyan ka lang, hintayin natin si Kean." Umupo naman siya sa kama.
"Bakit? Okay na ko." Sakto namang dating ni Kean. May dala siyang isang bottled water at isang tinapay. Inabot niya sakin to ng hindi tumitingin kay Lorence.
"Oh kainin mo, alam kong hindi ka pa kumakain eh. Wag kang mag alala pagdating ng nurse pupunta tayong canteen para makakain ka ng kanin." Ngitian ko siya, inabot ko sa kanya yung tubig ay tinapay, kinuha niya naman. Uminom siya tapos kumain. Saktong pagkatapos niyang kumain dumating yung nurse.
"Oh gising ka na pala, ano ok ka na ba?" Lumapit yung nurse samin at tumingin kay Lorence
"Opo ok na ko. Konting gutom lang pero nakakakain na rin naman ako." Tiningnan nung nurse yung bote at yung balat ng tinapay.
"Oh i see, sige. Sa susunod wag nang magpapalipas ng gutom ah. Sa susunod kakain muna kayo bago magsuntukan.. Hehe.." Tumawa naman kami, joker din pala yung nurse eh. Pero hindi na ako magtataka mukhang bagets pa naman siya eh, mga 19 plus lang siya. Maganda din siya, cute.
Nagpaalam na kami sa nurse at lumabas din ng clinic, dumiretso naman kami sa canteen. Iniorder ko siya ng kanin, ulam at tubig. Umorder naman ako ng ice cream para saming dalawa ni Kean. Pero hindi ko pera yung pinambili ko, hindi naman ako rich kid, kay Lorence yung pera, pasasalamat daw niya sa pagtulong namin sa kanya. Sabi niya umorder daw ako ng marami pero ice cream lang binili ko kasi nakakahiya.
"Oh bakit ice cream lang yung inorder mo?" Naku sabi na nga ba eh magtatanong to.
"Hindi, ayos lang, busog pa naman kami. Kakakain lang namin" tumango naman siya at kumain na. Kinain na din namin ni Kean yung ice cream namin. Magkatabi kami ngayon ni Kean, nasa tapat namin si Lorence. Parang ang awkward nga eh, walang naimik samin, tahimik lang kaming kumakain, parang gusto ko ngang mag excuse at pumuntang comfort room para makaiwas sa awkwardness pero napansin ko tuwing mageexcuse ako para magcr, laging may nangyayaring hindi magamda. Nung una, nagsuntukan yung dalawa, tapos, nahimatay naman si Lorence.
Kaya hindi na lang ako umalis baka kasi kung ano na naman ang mangyari dito.
Saktong pagkatapos namin kumain, nagring yung bell, means lunch break na. Ang bilis naman. Kanina lang recess time eh. May 3 subject pala kaming namiss. Naku first time kong mag ditch ng class tapos 3 classes pa yung namiss ko. Naku panigurado ako ang dami kong lesson na hahabulin bukas. Tapos etong si Kean, bagong bago palang dito sa school napaaway na nagditch pa ng class. Si Lorence naman, normal na diyan yung nagdiditch ng class, pero yung nakikipagsuntukan?, ngayon ko lang siya nakitang nakipag suntukan. Halos one year na kaming magkakilala ni Lorence pero never ko pa siya nakitang makipagsuntukan, nakikipag away siya pero, hindi naman umaabot sa point na makikipag suntukan siya.
Unti unti nang dumadami yung tao sa canteen kaya umalis na kami dun.
BINABASA MO ANG
Falling In Love with My Childhood Friend
Teen FictionWhat if after 7 years magkita ulit kayo ng childhood friend mo.. What if ma fall ka sa kanya?? Will you say it to him/her or just hide you feelings?? What if mahal ka rin niya?? Will you take the risk??