Anikka's POV
"Hey!! Lorence!! Kamusta ka na hijo. Namiss ka namin. Teka.. Binigay ba sayo ni Anikka yung pasalubong namin sayo??!!" Bati ni mama kay Lorence pagkadating na pagkadating pa lang namin. Nakipagbeso naman sa kanya si Lorence.
"Namiss ko din po kayo tita. Tsaka salamat din po dun sa mga pasalubong."
"Siya ba si Lorence?" Bigla namang sumulpot si tita Lucy. At sa likod niya si Kean.
"Opo. Hello po." Nakipag shake hands siya kay tita Lucy.
"Teka mama, nasan sina papa?" Umupo kami sa sofa, bale magkakatabi kami nina Lorence and Kean nasa harap naman namin sina mama at tita Lucy..
"Nabili sila ngayon ng kotse. Para kapag aalis tayo hindi na natin kailangan magcommute." tumango naman ako. Ok na rin yun para hindi hassle.
"Ahm tita. May sasabihin po kami sa inyo." Hinawakan namam ni Lorence yung kamay ko. "Kami na po ni Anikka!!" Mukhang gulat na gulat sila..
"Ahhhh!!!! Talaga??!!! Naku!!! Congrats!!! " bigla namang sumigaw at nagtatatalon si mama. Napatawa na lang kaming dalawa ni Lorence. Si tita Lucy naman nakangiti lang pero kita mo sa mata yung lungkot. Bakit kaya? Si Kean naman nagkahead set kaya siguro hindi niya kami naririnig.. "Naku kelangan natin magcelebrate... Sabi ko na nga ba eh, kayo yung magkakatuluyan!!!" Talon parin ng talon si mama.. At tawa parin kami ng tawa. Bigla naman nagring yung phone. Umalis muna si mama para sagutin yun.
"Congrats.. Pero akala ko pa naman si Kean yung makakatukuyan mo, Anikka." Halatang malungkot talaga si tita Lucy.. Kahit nakangiti siya ngayon kitang kita ko sa mga mata niya yung lungkot.
Bigla namang tumayo si Kean at nagsalita. "Mom, magkaibigan lang po kami ni Anikka." Sabay alis at akyat niya sa taas. Teka anu nangyari dun??
"Sige iwan ko muna kayo dyan ha." Paalam ni tita Lucy.. Tumango naman kami ni Lorence. Maya maya lang biglang dumating si mama na may dalang miryenda.
"Magmirienda muna kayo.. Teka dito ka ba talaga tutuloy Lorence??" Ako na lang yung sumagot ng tanong ni mama dahil alam kong nahihiya si Lorence.
"Opo, ma. Dito muna siya tutuloy ngayon. Namiss din daw po niya kayo eh. Tsaka niyaya ko rin po siya rito para mas mahaba yung celebration natin." Tumango naman si mama at umalis na rin. Magluluto na daw siya ng dinner namin.
"Thank you ah." Hinawakan niya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Thank you kasi hindi mo sinabi kay tita yung problema ko."
"Wala yun. Tsaka, ikaw lang naman ang may karapatan na magsabi ng sarili mong problema eh." Niyakap niya ako.. Ng mahigpit kaya niyakap ko rin siya.
"Sorry din ah. Kasi nakaka istorbo pa ata ako sa inyo dito." Bumitaw ako sa yakap namin at hinarap siya sakin. Hinawakan ko yung mukha niya gamit yung dalawa kong kamay.
"Anu kaba.. Kahit kailan hindi ka magiging istorbo samin. Parang pamilya na nga ang turing namin sayo eh." Niyakap niya ulit ako.
"I love you." Niyakap ko rin siya.
"I love you too."
----------------------------------
Kean's POV
Nandito ako sa kwarto, nakikinig lang ng music.... Mga pang broken hearted na music..
Kainis kasi eh... Bakit siya pa!! Bakit si Lorence pa.. Sh*t!! Ano ba yan napapamura na ako dahil sa lint*k na pag-ibig na yan.
BINABASA MO ANG
Falling In Love with My Childhood Friend
Teen FictionWhat if after 7 years magkita ulit kayo ng childhood friend mo.. What if ma fall ka sa kanya?? Will you say it to him/her or just hide you feelings?? What if mahal ka rin niya?? Will you take the risk??