Chapter 31

65 4 0
                                    

Lorence's POV

Nandito kami ngayon nina Anikka sa videoke room. Lahat kami nakakanta na. At lagi lang akong nakatitig sa kanya. Ang ganda niya talaga. Pero naiinis ako dito sa katabi ko, si Nathalie. Kanina pa ako kinukulit!! Pero may part na masaya ako sa pagkulit sakin ni Nathalie, kasi nagseselos si Anikka. Sigurado ako hindi niya naaalala yung nangyari kagabi dahil lasing siya, hindi niya naaalala na umamin na siya sakin ng tunay niyang nararamdaman.....

Bigla namang may tumawag kay Anikka sa phone kaya lumabas siya at dun niya kinausap. Si Nathalie naman kumanta na naman. Pinapanood ko lang si Anikka sa labas.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang sundutin sa tagiliran nung lalaki. Mukhang kakilala naman niya yun kaya hinayaan ko na lang silang naguusap, kahit nagseselos na talaga ako.

Nung pumasok sila, mukhang gulat na gulat pa yung dalawa, si Nathalie at si Kean. Bakit kaya? Ano kayang meron dito sa lalaking to.

"Ahm guys, Meet Gian my friend. Gian meet Kean my bestfriend, Lorence my friend and Nathalie Lorence's fiancè." Nakapoker face lang kami ni Kean, si Nathalie naman mukhang di makapaniwala. Nagulat na lang ako nung bigla siyang sumigaw.

"OMG!!! What are you doing here!!" Tumakbo siya papalapit kay Gian at yumakap dito.

"Ahm, i'm planning to live here for good cause now i have a beautiful reason to stay." Tumingin siya kay Anikka habang sinasabi yun. Inirapan lang naman ni Nathalie si Anikka. Sarap dukutin ng mata ni Nathalie, kanina pa niya tinatarayan si Anikka ko..

"Ahm, by the way. Kelan ka pa dito?"

"Last week."

"Awww, last week pa. Di mo manlang sinabi sakin." Nagpout si Nathalie. Kinurot naman ni Gian yung pisngi ni Nathalie.

"Cause i want to suprise you." Ngumiti naman si Nathalie, ganun din si Gian.

"Oh wait. Hinila niya ako papalapit kay Gian. I'd like you to meet my fiancè, Lorence."

"Hi dude." Inabot niya sakin yung kamay niya. Pero hindi ko yun pinansin, bumalik na lang ako sa upuan ko. Tumabi ako kay Anikka.

Nag usap pa dun yung dalawa pero hindi na ako nakinig sa kanila. Nag uusap lang din si Anikka at si Kean. Anu ba yan OP (out of place) ako..

Nag excuse naman akong lalabas lang ako. Sumunod naman sakin si Kean.

"Umamin na siya sayo?" Naglalakad lang kami habang naguusap.

"Oo. Kaso lasing siya nun kaya sigurado ako hindi na niya yun natatandaan."

"Alam mo maswerte ka dahil ikaw yung pinili niya, dahil ikaw yung minahal niya. Hahayaan ko siya sayo, Hindi ako magiging hadlang sa love story niyo basta ipangako mong hinding hindi mo siya sasaktan, dahil kung hindi. Baka kung ano ang magawa ko sayo."

"Alam mo, iba ka rin noh. Hahayaan mo na lang yung taong mahal mo sa piling ng iba."

"Kung saan siya masaya dun ako. Ayos lang na ako ang masaktan wag lang siya. At bakit ko ipipilit yung sarili ko sa kanya kung alam ko namang hindi siya sasaya sakin."

"Tama ka nga. Kung ako rin siguro yung nasa posisyon mo, ganyan rin yung gagawin ko. Pero sorry ka ako yung pinili niya. Ako yung mahal niya!!"

"Hahaha. Loko ka talaga. Pero seryoso wag mo siya sasaktan dahil first time nun magmahal."

"Yes sir!!" Masaya ako dahil nabawasan na ng isa yung karibal ko kay Anikka. At hindi ko akalain na magiging kaibigan ko pa yung dati kong karibal.

------------------------------------------

Nandito kami ngayon sa Army Navy.. Treat daw kasi ni Gian yung dinner namin ngayon.

Tsaka nga pala pinsan pala ni Nathalie yung bago kong karibal kay Anikka. Anu ba yan, nawala nga si Kean, dumating naman si Gian. Hay, kelan kaya matutuloy yung love story namin ni Anikka. Ang daming hadlang. Pero hindi ako susuko, at sana hindi ka rin sumuko Anikka.

Buti naman hindi na ako masyadong kinukulit ni Nathalie ngayon, busy kasi siya sa pakikipagkuwentuhan kay Gian. Kuwentuhan lang sila ng kuwentuhan na parang wala silang kasama.

Pinaggigitnaan namin ni Kean si Anikka, nasa tapat naman namin nakaupo sina Nathalie at Gian.

Tapos na kami kumain at nagexcuse naman si Anikka na magccr lang.

"Ang tagal naman ni Anikka, kanina pa yun ah." Oo nga, 10 minutes na wala parin siya.

Lumingon si Kean at nagiba yung itsura ng mukha niya. Nilingon ko naman yung tinitignan niya. Shit!! Tumayo ako at lumapit kay Anikka, may kasama kasi siyang isang lalaki. Nakikipagtawanan pa. Lumapit ako at inakbayan siya.

"Hey babe, bakit ang tagal mo? Kanina pa kita iniintay eh." Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko. Binigyan niya ako ng ano-yang-pinagsasabi-mo-look. Binigyan ko naman siya ng makisakay-ka-na-lang-look. Tumango naman siya.

"Ahm Dylan, una na ako ha."

"Sige bye Anikka. Tawagan kita mamaya." Nagwink pa sa kanya yung lalaki. Kainis. Sinabi nang kasama niya yung bf eh. Tatawagan pa daw mamaya.

"Psh." Yan na lang ang nasabi ko. Nagchuckle naman silang dalawa. Aish!!!

Hinila ko na lang si Anikka palayo dun sa lalaki.

"Hi. Sorry natagalan ako." Sabi niya kay Kean.

"Mukhang masaya ka ah." Medyo nagblush naman siya.

"Ano kasi.... Eh.... Nakausap ko kasi yung crush ko.." Naibuga ko naman yung iniinom ko. Nagulat naman sina Nathalie at Gian kaya napatingin sila sakin. Pati yung ibang nakain dito napatingin sa akin. Shit nakakahiya. Tumayo lang ako at paalis na sana.

"Hey!! Where are you going?!" Sigaw sakin ni Nathalie. Hindi ko siya pinansin at tumuloy lang sa paglalakad.

Napansin ko sa cr pala ako dumiretso at kung sineswerte ka nga naman, makikita ko pa dito yung bwisit na lalaking crush ni Anikka.

"Hey dude!!!" Bati niya sakin, pero di ko siya pinansin. Nagchuckle siya.

"I know you're jealous.." Napatingin naman ako sa kanya, nakakunot yung noo ko. "Do you like Anikka too?" No. Hindi ko siya gusto, mahal ko siya.

"Psh!!" Tumalikod na ako, lalakad na sana ako papalayo pero napatigil ako sa sinabi niya.

"I like Anikka, and she likes me too. And i will do anything just to get her. So back off." Tinuloy ko na lang ang paglalakad ko.

Oo gusto ka niya at gusto mo siya. Pero mahal niya ako at mahal ko siya.

Falling In Love with My Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon