Chapter 27

62 5 0
                                    

Anikka's POV

"Bakit ka absent kahapon?" Tanong ko kay Lorence, nandito lang kami sa room nakaupo, maaga pa kasi.

"Ahm wala, tinanghali lang ako ng gising." Tumango na lang ako.

Pero pakiramdam ko may problema si Lorence kanina pa kasi siyang hindi mapakali at parang ang tahimik niya ngayon, parang malalim yung iniisip niya.

"May problema ka ba?" Hindi ko na talaga kasi mapigilang hindi magtanong. Curiosity kills.

"Ha? Ahm wala. Wala." Umiwas siya ng tingin sakin,

"Sure?" Tumango naman siya.

"Basta pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako." Tumingin siya sakin at ngumiti. Nginitian ko rin siya.

Bigla namang dumating yung teacher namin sa Science. OMG ngayon nga pala yung submmission ng research paper. Sana tama yung ginawa namin. Pinasa na ni Kean yung research paper namin. May pinabasa lang samin si maam habang chinecheck yung papers namin. Tapos bago magtime sabi ni maam tama naman daw lahat ng ginawa namin and then magkakaquiz daw kami about dun sa binasa namin ngayon next meeting.

Tapos nung nag math na. Natuwa naman si Maam kasi halos lahat naman na daw ay nakapasa pero may ilan paring nahulog. Pero Ok lng. Pero ang pinagtataka ko bakit may 5 na mali si Kean sa test.

"Kean bakit may mali kang 5. Eh diba nung una perfect naman lahat?" Nakatingin lang ako sa papel.

"Sinadya ko talagang malian yung lima para ikaw yung highest."

"Eh bakit 5 pa. Pwede namang isa lang."

"Basta." Tumango na lang ako.

Naalala ko may 5 mali nga rin pala si Lorence sa quiz. Parehas sila.

Tapos nung time na ni Maam. Almarez pinagpractice lang kami para sa performance namin sa christmas party. May aasikasuhin daw kasi siya. Lumabas siya ng room.

"Ano yun?" Ay hindi pa nga pala alam yun ni Lorence kasi absent siya kahapon.

Pinaliwanag ko naman lahat sa kanya.

"Samin ka na lang sumama, sasayaw tayo." Tumango naman siya.

"Ok, anong sasayawin natin?"

"Hindi ko pa alam eh." Bigla namang pumasok si maam at nagsalita.

"Class, may bago kayong classmate. She is from Canada. Miss please come in and introduce your self". Nagbulungan naman yung mga kaklase ko. Nung pumasok na siya nastar struck ako. Sobrang ganda niya. Para siyang artista. Mukha siyang anghel. Pero parang mataray.

"Hello everyone. I'm Nathalie Angel De Villa. I'm from Canada. And i'm here for my engagement party, with my fiancè, Lorence." Lahat kami nagulat. Pero nagsitilian at sigawan naman yung mga kaklase ko. Tinignan ko si Lorence nakatingin lang siya sa bintana, walang emosyon yung mukha niya.

Kaya siguro absent siya kahapon ay dahil sa kanya. Kaya siguro malalim yung iniisip niya.

Umupo naman si Nathalie sa tabi ni Lorence. Nakatingin lang ng diretso si Lorence sa unahan. Wala paring emosyon yung mukha niya.

Nagsilapitan naman yung mga classmate kong girls na maarte kay Nathalie. Yung mga boys naman nakatingin lang sa kanya at hindi makalapit dahil kay Lorence.

Hindi ako makapaniwala na may fiancè na siya. Pero bagay sila kasi maganda si Nathalie at pogi si Lorence. Pero bakit parang may kirot akong naramdaman sa puso ko. Bakit parang hindi ako masaya na may fiancè na si Lorence. And maybe one of this days ikakasal na sila. Hay ewan. Hindi ko na maintindihan tong nararamdaman ko!!

Falling In Love with My Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon