Anikka's POV
Kumakain kami ngayon ni Kean ng almusal.
"Anikka alam mo ba kung anong oras yung simula ng party?" Oo nga pala. Nakalimutan kong itanong kay Lorence.
"Ahm hindi eh. Nakalimutan ko kasing itanong.."
"Eh alam mo ba kung saan yung venue?"
"Hindi rin eh. Sorry."
"Ok.sige. tawagan mo na kaya?"
"Ok." Dinial ko yung number niya. Nagriring pero hindi niya sinasagot.
"Hindi sinasagot eh."
"Text mo kaya."
"Ok"
To: Lorence
Lorence, anong oras at saan yung venue ng kasal ng ate mo?
"Tawagan mo ulit. Testing mo." Dinial ko ulit. At nagring. Tapos sa wakas sinagot din niya.
"Hello?"
[Hello. Sino to?] Teka bakit boses babae. Ah baka si Nathalie lang.
"Ahm, si Anikka to. Yung friend ni Lorence. Nandyan ba siya?"
[Sorry, he's not here.]
"Eh nasan siya?"
[Naliligo siya. Bakit ba, what do you need?]
"Ahm itatanong ko lang sana kung anong oras at kung saan yung venue ng kasal ng ate niya."
[Oh. So ikaw pala yung bisita niya..... You know what, if i were you, hindi na ako pupunta, kasi hindi ka naman part ng family. Hindi ka naman Santos diba? Nakakahiya naman kung pupunta ka dun tapos ikaw lang yung hindi part ng family.....]
"Ah.. Eh... Ok. Bye.." Inend ko na yung call.
"Anong sabi?"
"Si Nathalie yung sumagot ng call, kasi naliligo daw si Lorence."
"Ah ok. Sinabi ba kung kailan at saan yung venue?"
"Hindi eh. Hindi daw kasi siya sure."
"Eh di tawagan na lang ulit natin si Lorence mamaya.."
"Ahm. Wag na.. Sumama yung pakiramdam ko eh. "
"Ah ok sige. Sabihin na lang natin na hindi tayo makakapunta."
"Sige. Akyat na muna ako sa kwarto ha."
Tama si Nathalie. Hindi na dapat ako pumunta dun kasi hindi naman kami part ng family nila. Siguro dapat ko nang itigil tong nararamdaman ko para kay Lorence. Siguro dapat iwasan ko na siya habang maaga pa, para hindi na ako masyadong masaktan.
-----------------------
Lorence's POV
"Nath, sino yung kausap mo kanina sa phone?" Kakalabas ko lang galing ng banyo, naligo kasi ako. Nagre ready na ako para sa kasal nina ate mamaya.
"Ahm, wala. Si tita lang. Tinatanong kung ready ka na daw." Tumango naman ako. Lumabas narin siya ng kwarto ko at nagbihis na ako. Tapos lumabas ako ng bahay at sumakay sa kotse.
"Hey!! Saan ka pupunta?!" Sigaw ni Nath habang tumatakbo papalapit sa kotse ko.
"Susunduin ko lang yung bisita ko." Lumapit siya sakin.
BINABASA MO ANG
Falling In Love with My Childhood Friend
Fiksi RemajaWhat if after 7 years magkita ulit kayo ng childhood friend mo.. What if ma fall ka sa kanya?? Will you say it to him/her or just hide you feelings?? What if mahal ka rin niya?? Will you take the risk??