Chapter 24

91 6 0
                                    


After ng class dumiretso na kami sa bahay.

"Ahm, Lorence, dyan ka lang ah, magbibihis lang ako.!" Binuhay ko yung tv sa sala para naman makapanood siya habang naghihintay.

Si Kean? Ayun pagkapasok namin dumiretso na siya sa kwarto niya. Hindi naman siya rude sa bisita noh?

Binilisan kong magbihis, bago ako bumaba, kinuha ko muna yung mga gagamitin namin mamaya.

Pagkababa ko nandun na si Kean, nakaharap sa laptop niya, si Lorence naman nanonood lang. Umupo ako sa tapat ni Kean .

               |tv|
|me| |lamesa| |Kean|
          |Lorence|

"Pinapadala ko na sa katulong namin yung laptop ko." Tumango naman ako. Sinabi ko na sa kanila yung mga gagawin nila. Maya maya lang dumating nayung katulong nina Lorence na dala yung laptop niya at... pagkain?

"Nagpadala narin ako ng pangmirienda natin." Kokontra pa sana ako, pero naisip ko wala na rin naman akong magagawa nandiyan na yung pagkain eh. Nakakahiya naman, siya yung bisita eh kaya dapat kami yung nagpapamirienda sa kanya.

"Thank you."

"Kain muna tayo. Gutom na ko eh. Atsaka hindi kayo makakapagisip pag gutom kayo." Oo nga naman. Kumain na rin ako kasi gutom na rin ako. Pati si Kean kumain na rin.

After namin kumain, kinuha ko na yung mga pinagkainan namin para linisin.

"Anikka, ako na dyan." Kinuha ni Kean yung hawak kong mga plastic.

"Huh? Hindi ako na. Kaya ko naman eh." Wala na rin akong nagawa kasi nakuha na niya at nakaalis na siya.

"Kayong dalawa lang talaga dito?" Nagulat naman ako dun. Bigla bigla na lang nagsasalita eh..

"Ahm, oo eh. Pati kasi parents niya sumama sa Albay, tutulungan daw kasi nila sina mama dun." Tumango siya, Nakatingin lang siya sa laptop niya.

"Hindi ka natatakot?" Huh? Saan? Sa multo?

"Huh? Saan?" Bigla siyang tumingin sakin

"Kay Kean, na baka may gawin siyang masama sayo. Kayong dalawa lang dito. At diba may gusto siya sayo."

"Ahm, hindi naman niya siguro ako sasaktan. May tiwala naman ako sa kanya."

"Kahit na, lalaki pa rin siya at babae ka. We have our needs.!!" Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Tama nga siya. Lalaki parin si Kean at babae ako. At wala rin kaming kasama dito. Kaming dalawa lang.

Bigla namang dumating si Kean.

"Anong pinag uusapan niyo? Mukhang seryoso ah.?!" Umupo siya sa upuan niya, pero nakatingin parin siya sakin.

"Ah.. Eh.. W-wala.. Wala yun." Parang hindi pa siya naniwala nung una pero tumango na lang siya.

Umupo na nalang ako sa upuan ko. Ano ba yan kinabahan naman ako sa sinabi ni Lorence. Hindi tuloy ako nakapag isip ng ayos dahil sa sinabi ni Lorence.

Mga 6:00 pm na kami natapos. Kasi ipinrint pa namin. Atsaka tinignan muna namin isa isa kung tama at maayos yung gawa namin.

"Lorence dito ka na mag dinner ah." Sabi ko kay Lorence habang nililigpit yung mga gamit namin.

"Oh sige ba." Sabay sara naman niya ng laptop niya.

"Ahm dito ka lang ah, tutulungan ko lang si Kean dun sa kusina." Sabay turo ko ng kusina.

"Bakit? Si Kean ba yung nagluluto?"

"Ah.. Eh... O-oo eh.. Hindi kasi ako marunong magluto." Napayuko ako. Naku nakakahiya naman, kababae kong tao tapos hindi ako marunong magluto. Promise mag aaral na talaga akong magluto.!!

Falling In Love with My Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon