CHAPTER ONE: Meet Mr. Coffee

2.4K 66 14
                                    

DAY 1 TUESDAY (AUGUST)

"Miss, nauna ako sayo sa pila." Hindi ko pa masyadong narinig sa lakas ng sounds at nakaheadset ako. Patalon-talon ako, pawisan sa layo ng tinakbo ko kaya hindi ko napansin ang mamang naka-americana sa likod ko. Lumingon lang ako nang may marahang tumapik sa balikat ko, sabay tanggal ng headset ko sa kaliwang tenga.

"HA?" Tanong ko. Napalakas yata kasi naglingunan lahat ng taong nasa loob ng coffee shop.

"Sige na nga mauna ka na. Gusto ko lang sana sabihin na nauna ako sa pila." Hindi ko pa rin naintindihan ang iniimik nya. Nasilaw kasi ako sa ganda ng ngiti nya, labas ang pantay patay na mapuputing ngipin at ang malalim na dimples sa kanyang right cheek. Hindi ko tuloy napansin, nakatanga pala akong nakangiti sa kanya.

"Ikaw na ata susunod?" Sabay turo sa likod ko, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi, his eyes reflects his amusement.

"Ooppsss sorry! Nasingitan ba kita? Sige una ka na." Habang tinatangka kong lumakad sa likod nya.

"No I'm fine. Kaya lang baka naiinip na yung cashier." Sabay turo ulit sa kahera.

"Are you sure?" Habang humahakbang ulit ako papunta sa harap ng cashier pero nakatitig naman sa kanyang dimples. Hindi ko tuloy napansing may maliit na stool pala malapit sa cashier, napansin ko na lang nung nasagi ko na ito.

"ARAY!" Next thing I know nasa braso na nya ako. Sa sobrang iwas ko sa stool napahiga na pala ako sa braso nya.

"S-sorry..."

Saglit lang ang pagdadampi ng basa pa sa pawis kong katawan sa kanya, ramdam ko na ang matipuno nyang katawan. Kaya't nang inangat ko ang aking mukha ramdam kong namumula ako sa hiya. Lalo pa ng nakita ko na muli na namang nakatingin sa akin ang lahat ng taong nasa loob ng coffee shop.

"Ok lang. Sige una ka na." Magiliw nyang turo ulit sa cashier.

Pag tingin ko sa cashier, nakangiti ito sa akin. Sa araw-araw kong bumibili ng kape dito kilala ko na ang mga nagtatrabaho. Si Trisha ang nakaduty at pasimple netong binulong, "galawang breezy?" Bago nilakasan uli ang boses, "same order po ba ma'am?" Sabay kindat sa akin.

"Oo. Loka ka. Marinig ka uy!" Bulong ko. Hindi ko maiwasang hindi ulit lingunin ang lalaking nasa likod ko. Mas mataas ito sa akin at gwapong-gwapo sa suit na suot nito.

"Sorry ulit." Bungad ko ng napansin kong nahuli nya akong sumusulyap sa kanya. "Kagagaling ko lang sa jogging kaya medyo clumsy pa ako." Try kong magpaliwanag. Isang matamis lang na ngiti ang sinagot nito. Lalong lumalim ang dimples tuloy.

"Treat na kita ng coffee." Sunod kong nasabi. "Peace offering sa pang-aabala ko."

"Next time na lang. Ok lang naman talaga eh." Sagot nya sa akin.

"Here you go, ma'am!" Inabot ko ang bayad at kinuha ko na ang coffee ko.

"Una na ko." Binigyan ko ng matamis na ngiti ang misteryosonglalaki at bago ako umalis, kinindatan ulit ako ni Trisha. Lagot sakin tong babaeng ito bukas! Lakas manglaglag!

Lutang pa rin ako sa nangyari kanina. Ang matipunong lalaking naka-americana pa din ang laman ng isip ko pagpasok sa loob ng condo unit ko.

Nabili ko ang condo ko from my savings at sa tulong ng parents ko. May dalawang kwarto ito, malaki naman ang sala na adjacent sa kusina na halos hindi ko naman magamit kasi bukod sa hindi ako marunong magluto, diet ako kaya usually salad lang at grilled meat lang kinakain ko.

"Sabi nya next time na lang. Hindi naman nya kinuha name ko or number ko."

Oo, madalas ko kausapin sarili ko. Kasi mag-isa lang akong nakatira dito, nasanay na akong nagsasalita mag-isa.

"Buti na lang binigyan ko sya ng killer smile ko. Sigurado kinilig yun!" Sabi ko pa confidently.

Sakto naman na napaharap ako sa salamin sa kwarto ko. God! Ako ba to?!

Maganda ang hubog ng katawan ko at alam ko attractive ang mauumbok kong "behind" medyo kayumanggi ako dahil na din parati ako sa kalye nagjojogging at hindi man ako kataasan, balingkinitan ako pero OMG! ang gulo gulo ng buhok ko! Nagtatayuan ang mga ito dahil marahil sa lakas ng hangin kaninang tumatakbo ako. Makinis ang balat ko sa mukha pero ang dugyot kong tingnan sa sangkaterbang pawis ko. May maitim pa kong mantsya sa leeg! SAN BA 'TO NANGGALING?!

Wala sa sariling dumampot ako ng tissue para tanggalin ang maitim na mantsya sa leeg ko. Pero ayaw nitong matanggal kahit anong diin ko. Padabog akong tumungo sa banyo para maligo. Kainis! Ang linis pa naman nyang tingnan tapos ikaw Jasmine, nanggigitata!

Medyo badtrip pa ako ng ipinark ko ang kotse kong mini cooper na white. Padabog dabog pa ako ng kinuha ko ang leather bag ko bago ko nilock ang kotse.

"Hi, Jasmine!" Bungad sa akin ni Frank. Ka officemate ko ito na parati kong nakakasabay dumating sa office. Minsan nga nagdududa na ako kung talagang nagkakataon lang na parati ko syang kasabay dumating.

"Oh, Frank. Kanina ka pa ata dyan ah!" Biro ko.

"I just got here." Imik nito habang sumasabay sa paglakad ko. "Mamya may meeting tayo ng 1pm. Pwede ba kitang..."

"Frank, let me stop you right there. Kasi parang alam ko na sasabihin mo. At alam ko, alam mo na kung anong ang isasagot ko. Tama ba ako?"

"Theres no harm in trying." Pabiro nitong sagot. "And you know I wont stop asking you out until you say yes." Hirit nito habang papasok kami ng elevator.

Gwapo naman tong si Frank. Maputi. Matangkad. Matalino at mayaman. Pero hindi ko alam kung bakit ba hindi ko sya type. Hindi naman ito presko, actually sobrang bait pa nga eh.

"Frank, i dont know how else to tell you. I prefer being friends with you." May hint of desperation na sa boses ko.

"Jasmine, you cant blame me if I keep trying. Hanggang single ka, mag-aabang ako sayo." Sabay smile nya sa akin ng pagkatamis-tamis.

Napatingin na lang ako sa salamin ng elevator. Hayan! Ganyan sana Jasmine, straight with volume ang buhok ko na hinayaan kong nakalugay ngayon. Manipis lang ang make up ko pero pula ang ginamit kong lipstick. Naka-white long sleeved blouse ako na medyo mababa ang v-neckline na nakatuck in sa dark blue kong mini skirt. Minatch ko ito sa black kong three-inch heels. I look professional and very slick. At higit sa lahat, wala na ang mantsyang itim sa leeg ko! Ganyan ka sana kanina para si Mr. Coffee kinilig nung nginitian mo!

"Whats so funny?" Tanong ni Frank habang tinitingnan ako sa salamin. Hindi ko napansin na napangiti pala ako habang iniisip ko si Mr. Coffee.

"Its nothing." Sagot ko, sakto sa pagbukas ng pinto. "O, pano? Mamya na lang ulit."

"Lunch?" Hirit ni Frank.

"Nope!" Bago ko sya tuluyang tinalikuran papunta sa direksyon ng aking upisina.

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon