CHAPTER TEN: The Consequence

757 45 21
                                    

Pagbukas ko ng pinto may kamay na humila sa akin pa loob. Kaagad nitong sinara ang pinto at tinulak ako dito. Nasukol na naman ako ni Mr. Coffee. Galit ang mga mata nito, at walang pakundangang hinalikan ako.

Iba itong halik na ito. Mapagparusa. May diin ang bawat hagod, ang bawat galaw may pwersa. Dalawang kamay nya ang mahigpit ang hawak sa mukha ko. Hindi ako lumaban. Siguro kasi alam ko may kasalanan din ako. Siguro kasi kahit galit sya, gusto ko ang ginagawa nya. Sumabay ang mga labi ko. Tila Nagmamakaawa sa kanyang hindi na nya kailangang pwersahin ako. Gusto ko na hinahalikan nya ako. Binuka ko ang bibig ko at buong buong tinanggap ang panggigigil nya.

"God damn it, Jasmine!" Ungol nya.

Finally, naging marahan ang bawat dampi ng labi nya. Ang mga hagod ng kanyang dila tila ninanamnam ang bawat sandali na nasa loob ito ng aking labi. Yung pareho kong kamay nakahawak sa bewang nya, yumayakap, pilit kong pinararamdam sa kanya, "sorry na. Bati na tayo." Hindi ko na rin marahil napansin ang mga luhang pumapatak sa nakapikit kong mga mata. Hanggang kusang bumitiw ang mga labi nya.

"Dont cry," bulong nya habang hinahalikan ang pinagdadaluyan ng mga luha ko. "Im sorry!" Sambit nya habang niyayakap nya ako.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganun. Basta ang alam ko hindi nya ako binitawan hanggat hindi humuhupa ang iyak ko. Hinugot nya ang puting panyo mula sa bulsa nya. At marahan, dinampi sa mukha ko. Tinutuyo ang mga luha na pumatak duon.

Wala kaming imikan. Umupo ako. Sya nanatiling nakatayo sa likod ng pinto.

"Why didnt you wait for me? Sabi ko diba susunduin kita?" Panunumbat nya sa akin. "Buti na lang una akong dumaan sa coffee shop. Yung cashier lang nagsabi sa akin na pumasok ka na."

"May kotse ako sir. I have manage to go to work and go home for these past five years by my own."

Tinitigan nya ako. May galit sa mga mata nya pero for a fleeting moment I saw pain there too. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"God, Jasmine! Youd be the death of me!" May pagtitimpi nitong sagot. Hiniwakan nya ang sentido nya, bahagyang minasahe ito.

"Totoo naman eh." Giit ko.

"So basta ka na lang pumasok ng hindi nagpapasabi?" Tahimik nyang sagot.

"Hindi mo naman binigay number mo sa akin pano kita aabisuhan?"

"You could have asked me that today, kung hinintay mo akong sunduin ka. May usapan na tayo diba? Di mo ba naisip na magmumukha akong tanga kahihintay sayo yun pala nandito ka na sa office?" Ramdam ko yung pain nya this time around.

Ano bang isasagot ko dun? May point sya.

"Im sorry." Mahina kong tugon.

"So kayo na na Alvin?" Tanong nito. Hindi na nya tinago ang lungkot sa mga mata nya ng tumitig sa akin.

"His name is Frank!" Kelan mo ba matatandaan name nya?

"Kaya mo ba sya pinagtatanggol dahil kayo na?" Tanong nito. Titig na titig sa mga mata ko na parang dun nya makukuha ang sagot na hinahanap nya.

"Nagdate na kayo ngayon diba?" May kurot sa puso ko ang sinabi nya. Ramdam ko na inaakusahan nya ako.

"No harm done. Im single, as well as he is. Parang kayo ni Patricia. You can date her if you want. Mas bagay nga kayo eh!" I cant help it. Madami pa sana akong gustong sabihin pero wala naman talaga kasi akong karapatang magtanong hindi ba?

"Pero iba ang gusto ko." Sagot nya. Napaguko na lang sya kaya hindi ko makita ang expression ng mukha nya.

"Baka marami ka lang gusto." Finally nasabi ko na kung ano talaga yung masakit.

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon