CHAPTER TWENTY TWO: First Real Date

730 41 1
                                    

Pagkapark nya ng kotse, matagal akong tinitigan ni Mr. Coffee.

"Ngiti ka naman." Pagmamakaawa nito. "Worrying about it wont get you anywhere," sabi nito.

"I cant help it. Ano kayang pinag-uusapan nila?"

"Sigurado ako na pinag-uusapan nila kung gaano kita sobrang mahal."

Kung hindi lang ako sobrang nag-aalala kikiligin talaga ako eh.

"Or kaya ako napromote dahil sayo." Malungkot ko pa ding sagot.

"I highly doubt that. Alam ng mga ka-officemate mo kung gaano ka kasipag. Baka nga ang iniisip nila eh sasaktan mo lang ako."

Alam ko, hes just trying to cheer me up. Pero hindi pa ko makamove on.

"Omg! Si Frank! Sigurado inulan na ng mga tanong yun!"

"Sya na naman iniisip mo." May tono na ng pagtatampo sa boses nya.

Kinuha nito ang kamay ko at mahigpit nya itong hinawakan.

"Can we just enjoy this moment, please?"

"Nakakatakot kasi maging sobrang masaya. Baka masaktan lang ako. Ikaw ba di natatakot masaktan?"

"Sobra! Nung nasa airplane ako pabalik ng pinas, sobrang kaba ko. Pano kung huli na ako at may mahal ka ng iba? Nagresign na ako sa work ko. San ako pupulutin kung hindi mo ako mamahalin?"

Tinitigan ko ang mga mata nya. I feel his fears with every word he spoke. Isipin mo, isang hunk na tulad nya, isang normal na babae lang na tulad ko ang guguho ng buhay nya?

"Mahal naman kita eh."

"Hindi ko mapapromise na it would be easy. Pero ang mapopromise ko sayo hinding-hindi ako bibitaw sayo." Pangako nito.

"Sige. Sayo na ko kukuha ng tapang harapin lahat. Basta promise mo yan ha? Di mo ko iiwan?"

"Promise!" Bigla nitong tinaas ang pinky finger nya. "Pinky swear!"

Natatawa na lang ako na sinakyan ang trip nya at nakipinky swear na rin ako. Ang weird siguro naming tingnan, parehong naka-office attire parang mga bata na nagpipinky swear.



I had to retouch inside his car. Nabura na naman ang make up na nilagay ko kanina sa dami ng iniyak ko.

He waited patiently. He gave me my privacy and got off his car, while he busy himself with his phone.

Yung maliliit na detalyeng ganito kaya lalong napapamahal si Mr. Coffee sa akin. Because although nothing can stop him from trying to kiss me....

(Yung tipong lahat na nga ata ginamit nyang excuse to kiss me diba? Paggalit, kiss. Pagnamiss ako, kiss. Pagpagod, kiss. Pagsobrang saya, kiss. Pagnanggigil, kiss pa din!)

.... He knows I needed time like this for myself. He knew I would prefer to fix myself before entering the restaurant looking like a normal woman and not some ridiculous racoon because my mascara already smugged all over my eyes.

After a few minutes, I started getting out of the car. And there he was, with flowers at his hands.

San galing yun? Baka yun yung kinuha nya sa likod kanina.

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon