CHAPTER NINE: Meet Frank

749 43 18
                                    

DAY THREE: THURSDAY

Five am pa lang nasa labas na ako nagjojogging. Madilim pa actually. Nakakatakot pala magjogging ng ganitong oras. Usually six am ako nagjojogging. Marami ng tao nun. Kadalasan kasabay ko mga papasok na sa work, siempre mga athlete na nagtetraining. Ngayon iilan lang ang kasabay kong tumatakbo. Kaya after ten minutes tinahak ko na ang condo ko. Nakakapraning lang mabuti pang wag ko ng ipush.

Six thirty am, nasa tapat na ako ng coffee shop para bumili ng coffee.

"Ma'am sabi ko agahan mo, pero hindi naman ganito kaaga. Mamya pa dating ni Mr. Dimples." Bungad sa akin ni Trisha.

"Nagpalit na ako ng sched. Eight am dapat nasa work na ako."

"Ah ganun ba ma'am? Have a nice day na lang po." Sabi nya after iabot ang kape ko.


Iniinom ko pa ang kape ko ng dumating ako sa office. Nagulat ang guard kasi sa lobby ako dumaan.

"Ma'am sira po ba car nyo? Nakita ko sa baba eh."

"Hindi. May nilakad lang ako kahapon kaya iniwan ko dito."

"Ok po. Have a nice day ma'am!" Sumaludo pa ito.

Wala pa halos tao sa office, ang aga ko naman kasi. 7:30 nandito na ako. Agad akong pumasok sa office ko. Binuksan ang computer. Kagaya ng nakaugalian ko, nagbasa ako ng mga emails. Pagkatapos ay muling hinarap ang mga drafts na naiwan ko kagabi. Ewan ko kung bakit sobrang kinakabahan ako. Deny pa more, Jasmine? Dalawang lalaki lang naman ang paghihintayin mo.

Eight am, ang lakas ng kaba ko. Sigurado nasa baba na ng condo si Mr. Coffee. Pagdating dito nun siguradong beast mode na naman yun pero kebs mo na yan, Jaz.

Quarter to eight, nagdadalawang isip ako kung tama ba ginawa ko. Hindi ko man lang naabisuhan si Mr. Coffee kasi naman hindi ko alam kung anong number nya. Montik ko pang makalimutan, si Frank sigurado naghihintay sa baba. Patayo na ako para puntahan sya dun ng nagulat pa ako at nasa harap ko na si Frank.

"Oh Frank! Ginulat mo naman ako." Bungad ko sa kanya.

"Ako ginulat mo. Buti nagroronda si manong guard kundi di ko malalamang nandito ka na. Bat ang aga mo?" May pagtatampo sa boses neto.

"Nagkausap na kami ni Tere. I change my office hours to eight am. Madami na kasi akong work load." Paliwanag ko. Nine am na. Ang kabog ng dibdib ko parang kakawala na ang puso ko sa ribs ko.

"Di ka man lang nagpasabi." Tugon ni Frank.

"Nawala lang sa isip ko."  Kunwari inaayos ko ang mga papers sa desk ko. "O, pano Frank. Mya na lang tayo mag-usap. Busy ako eh."

"Okay." May lungkot sa tono ni Frank. Pero pinilit kong wag syang habulin para magsorry. Mas takot pati ako kay Mr. Coffee na padating na any moment.

Halos mapatalon ako ng tumunog ang landline ko. Si sir Albert ang tumatawag.

"Sir, good morning po."

"Jaz, remind ko lang sayo na ngayon yung meeting natin ten am with the boss and Richard. Dalhin mo yung ginawa nating advertising proposal?" 

Sipag talaga ni sir Albert, pumayag pa syang mag-stay ng konti sa office para i-tie yung mga loose ends bago magretire ng tuluyan. Iba naman kasi talaga friendship nila ni Boss, at baby project nila tong company kaya siguro hindi rin nga basta mabitawan.

"Yes sir! Prepare ko na po."

"Ok."

Habang inaayos ko ang mga reports at proposal, nanginginig pa rin ang kamay ko. Nine fifteen na. Bat ang tagal nya? Natraffic kaya sya?

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon