CHAPTER FOURTEEN: My Busy Phone

745 48 16
                                    


DAY SIX: SUNDAY


Mabilis lumipas ang mga oras. Parang lumipad lang sa paningin ko ang Saturday na ito. Nagdinner kami together. Hinintay muna nya akong magpalit ng pagtulog, magtoothbrush, uminom ng gamot at humiga sa kama ko.

"Promise mo matutulog ka na ha? And if you feel your temperature rising, kahit isang grado lang, tawagan mo ako. Babalik ako dito."

"Okay na naman ako eh. Dont worry."

"Magpromise ka muna."

"Oo na nga po. Salamat ha?"

"Ill do anything and everything for you, Jasmine," at hindi ko alam kung bakit pero naniniwala ako sa sinabi nya.

"Naks! May nurse na ako may cook pa." Biro ko.

"Sana soon hindi lang yan."

Hindi ko na naitanong kung ano ibig nyang sabihin kasi hinalikan na ako nito sa noo at tumayo na palabas ng kwarto ko.

Nagpabebe wave pa sa may pinto bago ito tuluyang nawala na sa view ko. Narinig ko na lang na nilock nya ang pinto ng condo ko.

Masyado pa akong hyper para makatulog kaya niyakap ko ang unan ko at masayang inalala ang mga ganap today. Isnt this happening way to fast?

Bago ko pa nasagot ang sarili kong tanong nagring ang telepono ko. Si Nanay at Tatay tumatawag.

"Nay! Kumusta po kayo dyan?"

"Mabuti kami ng Tatay mo dito. Ikaw dyan?"

"Nagkasinat ako, Nay."

"Uminom ka na ba ng gamot? Jaja, anak, hindi ka namin maaalagaan kaya sana naman youre taking good care of yourself."

"Okay na ko, Nay. Lagnat laki lang."

"Sus! Lambing lang kulang dyan," narinig kong hirit ng tatay ko sa kabilang linya.

"Miss na miss ko na po kayo!"

"Kami din, anak! Kumusta pala yung promotion mo? Alam mo ba ang tatay mo dito naghanda pa ng palabok dito sa bahay. Proud na proud kami sayo."

"Nakita ko nga po sa mga sinend na pictures ni Tatay. It went well naman po. Magreresign na rin pala si Boss soon. His son is taking over eventually."

"May bago kang magiging boss?" May pag-aalala sa boses ni Tatay.

"Okay naman sya, Tay. You should meet him. Mabait, gwapo, masipag sa work. He used to work in one of those prestigious law firm sa New York."

"Gwapo?" Nagmana talaga ako dito sa Tatay ko. Hindi yan makakamove on hanggat hindi ko nasasagot tanong nya.

"Malay mo Tay, ligawan ako. Maganda naman anak mo diba?"

"Jasmine!" May pagbabanta ang boses ni Tatay.

Natawa na lang ako ng malakas.

"Tigilan mo nga anak mo. Matanda na sya. Sabias que si se enamora tu hija, es porque el hombre vale la pena! (Alam mo namang kung maiinlove ang anak mo ay dahil deserving yung lalaki!)" Pagtatanggol ni Nanay sa akin. "Bueno, anak! Get well soon ha? Napatawag lang kami para mangamusta. Magsisimba pa kami ng Tatay mo."

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon