CHAPTER FIVE: The Elevator

878 48 10
                                    

Konti na lang hihingalin na ako makasabay lang sa kanya sa elevator. Punuan ulit ang elevator, this time ako naman ang nasa harap nya. Nang may pumasok na naman sa elevator, hindi ko na maiwasang hindi dumikit sa kanya. Ramdam ko ang balikat nya sa likod ko. Kahit hindi ko lingunin alam kong tinatry na kong protektuhan mula sa mga nagsisiksikan sa elevator.

Nang bumukas na ang elevator sa floor namin, naramdaman ko ang kamay nya sa braso ko, naks inaalalayan talaga ako! Pero isang tango lang ang ginawa nya bago tuluyan na akong tinalikuran patungo sa office nya.

Nasa harapan na ako ng computer ko ng finally nahimasmasan ako. What the heck happened?! Did I expect him to kiss me right there sa restaurant? Nakita mo na ba ang sarili mo?

Para namang automatic akong napatingin sa bintana ko. Gabi na at nagrereflect ang image ko sa salamin. Maganda ang frame ng buhok ko sa mukha kong bilugan, inborn na talaga sa akin ang hubog ng kilay ko. Mapungay ang mga mata ko sa pagod, at mahahaba ang pilikmata kong madalas kainggitan ng mga pinsan ko. Hindi nga lang katangusan ang ilong ko. Pero ang sigurong totoong tumatawag ng attention sa mukha ko ay ang full lips ko.

Dito nya ako hinawakan kanina. Wala rin sa sarili ko na dimpi ko ang daliri ko dito. Reality check! Wag ka nga, Jasmine! Tapusin mo na yang drafts sa lamesa mo at gabi na nga diba? At binuhos ko na ang inis ko sa sarili sa walang kamalay-malay na keyboard.



Si manong Jules na lang ang tao sa office ng matapos ako sa trabaho ko. Kanina pa nakapagpaalam ang mga staff ko sa akin. At pagod na rin ang mga mata ko katititig sa monitor ng computer ko.

Kumakaway pa ako kay manong Jules para magpaalam, napalunok na lang ako ng makita ko si Mr. Coffee nakatayo sa harapan ng elevator door.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabay ako sa kanya sa elevator. Sya lang kasi ang sakay nito.  Blank ang expression ng mukha nito pero parang nag-aapoy sa galit ang mga mata. Pero bago pa nagsara ang pinto ng elevator, hinawakan nya ito, hindi man nya sabihin parang inuutusan akong sumakay. No choice. Nakita na nya ako, kaya sumakay na rin ako.

Pagkasarang-pagkasara ng elevator hindi ko na alam kung anong nangyari. Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa corner ng elevator. Hawak nya ang bewang ko with his left hand at hawak naman nya ang pisngi ko with his right. Magkadikit ang bewang namin at nakasandal na ako sa wall. Maamo ang mga mata nito. Pilit hinuhuli ang mga mata ko. Parang may hinanahap hanggang hindi ko na mapigilang hindi tumitig sa kanya. Airconditioned ang elevator sa pagkatanda ko. Pero nag iinit ang buo kong katawan.

"Please..." Ungol nya. Bakit sya nagpeplease?

Bago ko pa namalayan naramdaman ko na lang ang malalambot nyang labi sa labi ko. Dahan dahan, parang nagmamakawa gumagalaw ito at unti unti, napapasunod ang labi ko. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa aking pisngi. Ramdam ko ang unti unting pagpasok ng kanyang dila sa labi ko. Tila ninanamnam ang bawat sulok, tinutukso ang dila ko sumunod sa galaw nito.

Narinig ko bumukas ang elevator pero maagap ang kanang kamay nya, muli itong sinara paakyat sa pinakamataas na floor. Ng ibinalik nya ang kanang kamay sa likod ko ng bewang ko na ito humawak. Idinidikit pilit ang katawan ko sa kanya. Hindi ko na namalayang ang mga kamay ko ay nagawi na pala sa kanyang batok. Pilit hinahagilap ang mga maiigsing buhok nito. Dalang dala ako ng halik nya. Ganito ba ang first kiss? Masarap pala.

Hindi ko na namalayang napaungol ako. Pero alam ko narinig nya dahil nagbago ang ritmo ng mga halik nya. Mas agresibo ito. Pilit tinuturo sa baguhan kong mga labi kung paano lalong painitin ang mga halik. Para naman akong lumulutang sa ere sunod sunuran sa bawat galaw nya, tumitingkayad ako para suklian ang apoy na pinararamdam nya sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari at kung bakit ito nangyayari pero heto ako ayaw bumitaw. Handang ibigay ang lahat ng hinihingi ng lalaking ito na kaninang umaga ko lang nakilala.

Tumunog ulit ang elevator. Para kaming binuhusan ng malamig na tubig ng may bahagyang ingay kaming narinig sa kabila ng pinto ng elevator. May sasakay na dito. Dagli kaming naghiwalay, magkabilang sulok ng elevator bago nagbukas ito. Pumasok ang guard. Papito-pito pa, halatang napansin kung anong posisyon namin bago nagbukas ang pinto. Pumindot ito, dalawang palapag pababa mula sa atico. Panandaliang katahimikan hanggang bumaba ito ng elevator, walang imik ang lahat.

Nung nagsara ulit ang pinto, nagdadalawang isip akong lumingon sa kanya. Nagulat ako at medyo nahurt kasi nakangisi ito. Hanggang napatawa na rin ako. Ayoko na rin kasi magpahalata na maraming tanong ang nasa isip ko. Galing sa america ito, malamang sanay sa casual sex.

Teka! Sex na ba talaga inisip ko? Nag-init uli ang buo kong katawan at nahalata siguro nya ang pamumula ng pisngi ko. Agad itong lumapit at marahang hinaplos ang aking mukha pagkatapos pindutin ang ground floor.

"Youre like an angel when you blush."

"Curse ko nga yan. Sabi ng tatay ko nung pinalo daw ako ng doctor when I was born, di daw ako umiyak, nagblush daw ako! Hahaha!" Casual kong sagot, pero napalakas ata ang tawa ko, kahit ramdam kong gusto ng kumawala ng mga butterflies sa stomach ko.

"Youre amazing..." Naputol ang kanyang sinasabi ng magbukas ulit ang elevator. Nasa parking lot na kami ng building, at bago pa nya naituloy ang sasabihin nya, halos talunin ko palabas ng elevator.

"Pano sir? Bukas na lang po ulit! Good night!"





Maghahating-gabi na gising pa ako. Pabaling baling sa kama ko. Hindi ako dalawin ng antok dahil si Mr. Coffee pa rin ang laman ng isip ko.

"Bakit nya ko hinalikan? Bakit sobrang interesado nya sa akin? At bakit ko sya pinayagan?" Malakas kong sabi.

"Ang dami ng nangligaw sa akin. Sya pa lang ang nakakiss sa akin! Sa lips pa! Jasmine! Ano bang nangyayari sayo???? Kakikilala mo pa lang sa kanya kaninang umaga nagpahalik ka na. Sa elevator pa!"

Pilit kong inaanalyze ang bawat minuto since nung umaga na nakita ko sa sya coffee shop. Pero wala akong makitang clue, at ayoko rin namang maging assumera!

"Tama! Wag assumera!"

Galing lang sya sa america at sanay sa casual sex. At kung yun nga ang dahilan nya kaya nya ako hinalikan, nakahanda na ba ako sa mga ganitong ganap?

"Virgin pa to uy!"

At gusto ko manatiling malinis hanggang ihatid ako ng parents ko sa altar, sa kasal ko. At Jasmine, si Mr. Coffee sanay yun sa magaganda at liberated na babae.

Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko bago ko pinilit matulog. Pilit inaalis sa isip ko ang alaala ng labi nya sa labi ko. Pilit inaalis sa isip ko ang dimples na syang ayaw magpatulog sa akin.


DAY 2 WEDNESDAY



Hindi na ako nakajogging ngayong araw na ito. Tinanghali na ako ng gising kaya dinaanan ko na lang ang coffee ko. Si Trisha ulit ang kahera at magiliw naman akong binati nito.

"Good morning, ma'am! Same order po ba?"

"Oo. Ikaw Trisha ha? Kahapon nilaglag mo ko. Kala mo nakalimutan ko na yun ha?" May pagtatampo sa boses ko.

"Naku ma'am! Nandito kanina si mister dimples. Parang hinihintay ka dumating, yung take out nyang coffee, naubos na nya. Late ka ata ngayon ma'am?" Sabi nito habang hinahanda ang coffee ko.

"Si Richard nandito ngayon umaga?"

"Uy! Alam nyo na name nya?"

"Ha? Ahh oo. Anak pala sya ng boss ko."

"Wow! Coincidence ba yan ma'am o tadhana moves?" Tukso nito sabay kindat.

"Akin na nga yang coffee ko! Inaasar mo na naman ako eh." Habang inaabot ko bayad sa kanya. Natawa lang si Trisha dahil kahit medyo maangas ang binigkas ko, halata sa mukha kong kinikilig ako sa natuklasan.

"Agahan mo bukas ma'am. Maghihintay na naman yung dito bukas."




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

AUTHORS NOTE: naiinis ako kasi hindi ko mailagay yung pic nila na nagkikiss kasi spoiler! Haha!

I had to edit this chapter a bit kasi supposedly after nila maglunch, yung "lis tu lis" kaso hindi ko maconvince yung sarili ko na walang sumabay sa kanila sa elevator eh rush hour yun. Kaya si Jasmine naglamay pa sa work nya para late na sila umuwi.

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon