CHAPTER SEVEN: Peace Offering

790 50 14
                                    

Four thirty na ako nakarating ng office. Binungad sa akin ni Sheryl yung minutes of the meeting kanina pati na rin yung mga drafts ng marketing strategies na sya namang binabasa ko kaya hindi ko namalayang nakatayo na pala si Mr. Coffee sa pinto ko. Mga isang minuto na siguro syang nakatayo dun at hindi ko pa rin napupuna dahil panay ang lagay ko ng revisions sa drafts. Napaigtad pa ako ng narinig ko ang tahimik nyang "ehem!"

Maamo ang mukha nito. May dalang dalawang mug ng coffee. Kaya pala nangamoy coffee sa room ko, sya ang may dala. Ngayon ko lang napansin na naka-powder blue itong long sleeves na ngayon ay nakaroll up na sa magkabilang braso. May dark blue din itong tie na halos kakulay ng pants nya. Brown ang boots na terno sa belt nya.

Nakatayo pa rin ito sa may pinto, nakalabas ang dimples kahit na bahagya lang ang ngiti.

"Sir, come in! Sorry I didnt noticed you there," dali-dali kong sabi habang inaayos ang messy kong table.

"Past six pm na. Hindi mo na ko boss." Ngiti nito. "Peace offering ko sa inasal ko sayo kanina." Sabay nguso sa coffee na dala nya. Napatawa na lang ako ng mahina.

"Boss pa rin kita kahit past six pm na. Kaya pumasok ka na dito sir!"

"Pagpumasok ako ibig bang sabihin nito pinapatawad mo na ko?" Maamo nitong tanong. Hayun na naman yung dimples, naghehello. Kelan kaya ako masasanay dito?

"Sige na sir. Pumasok ka na."

"Tawagin mo muna akong Richard." Giit nitong parang bata. "Dalian mo at lalamig na tong kape."

"Fine, Richard, I forgive you. Pasok ka na kasi!" Sinakyan ko na drama nya. Nakakaawa na eh. Saka yung totoo hindi ko rin naman matitiis ang dimples nya.

"Heres your coffee, Jasmine!" Magiliw nyang nilagay ang kape sa lamesa ko. "Kanina mainit pa yan eh. Kaso sobrang busy mo di mo ko pinapansin sa labas, kaya di ako sure kung mainit pa." Nakakatawa sya oh! Kanina beastmode, ngayon parang bata.

"Mainit pa." Sabi ko after kong tikman yung kape. "Sino nagtimpla nito? Galing ba to sa pantry? Ang sarap ha?"

"Ako. Alam mo ba na dyan ako expert? Sa coffee. Sarili kong stash yan. Hahaha!"

"Wow!" My kinda guy! Montik ko ng nasabi.

"Sorry kanina ha?" Seryoso nitong imik after higupin ang kape nya.

"Ano ba kasing nangyari kanina? Bat ka nagalit?" Tanong ko.

"Di ko rin alam eh. Good vibes pa naman ako pumasok. Tapos bumungad sa akin yung tungkol sa inyo ni Tony. Tapos sakto pa pagdaan ko sa elevator, sabay kayo dumating. Nagpantig talaga tenga ko. Sorry."

"Tony? Si Frank yun! Sir Accounting head mo sya!" Natatawa kong sagot.

"Whatever."  Bulong nito na parang nagtatampo. "Bakit ba wala ka sa coffee shop kanina?" Tanong nito.

"Dumaan ka dun?" So, totoo nga ang sabi ni Trisha.

"Hinanap kita. Actually hinintay pa nga kita." Parang nagmamaktol nitong kwento.

Hindi na ako nakasagot dahil bumungad sa may pinto ko si Frank. May dala itong mug ng kape. Ang ganda pa naman ng ngiti nya sa akin hanggang marealize nya kung sino yung nasa upuan sa harap ko.

"Jaaaaaa...ay sir! Nandito po pala kayo." Hindi pa nililingon ni Mr. Coffee si Frank halata na ang pagkairita nito.

"I thought you left already?" Matipid na tanong nito kay Frank habang humihigop ng kape.

"Ihahatid ko lang po sana tong coffee kay Jasmine kasi alam ko mamaya pa uwi nya." Iaabot na sana ni Frank ang kape sa akin pero sumagot na si Mr. Coffee, "no need. Di mo ba nakikita? May kape na sya."

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon