CHAPTER TWENTY SIX: First Real Kiss

685 46 7
                                    

Later on after naming magkape, niyaya ako ni tita Rose sa sala.

"Ive been dying to show this pictures with you, Jasmine since Ive found out my son had a huge crush on you. Kaso pinagbawalan ako netong mag-ama na to." Bungad ni tita Rose sa akin habang inaabot ang isang makapal na lumang album.

Kami magkatabi sa sofa, si Mr. Coffee sa right ko, tapos sa left ko naman si tita Rose. Si Boss naman nasa sarili nyang chair. May duda akong tumabi lang si Mr. Coffee sa amin para macheck yung mga photos na pinapakita ni tita Rose.

Dun na pinakita ni tita Rose ang not so glamorous photos ni Mr. Coffee. Nung hindi pa sya ganyan ka-hot!

Nung baby pa sya pinapaliguan pa si Mr. Coffee ng mama nya sa bathtub; yung cute na cute na nakabalot sya ng white towels; nung one year old sya na umiiyak katabi ng clown; yung umiiyak ulit sya sa first day nya sa school; yung may kinikiss syang girl kaso umiwas bigla yung girl nung nagclick ang camera (bata pa lang mahilig ng manghalik yan! Sabi ni tita Rose, nagblush tuloy ako!); yung graduation picture nya nung elementary proudly showing off his medals; yung family picture nila one christmas.

"Naku, Jasmine, next time kailangan marami tayong time para I can show you more pictures. Alam mo naman nag-iisa lang yang si Richard, kaya madami talaga kaming pictures nya."

Mr. Coffee rolled his eyes on us. Dami kasing panlalaglag ng Mom nya sa akin.

"Did you know, nung maliit pa lang yang si Richard, Tisoy  tawag namin sa kanya. Kita mo naman kasi kami ng Dad nya, pareho kaming moreno, kaya parati naming sinasabi na baka napalitan sya sa hospital."

"Thats not true, Jasmine! Dad said he saw me at the hospital while mom was giving birth to me. Diba Dad?"

Tumango lang si Boss na halatang amuse na amuse sa aming tatlo.

"Alam mo ba dati nung nagbibinata yang si Tisoy eh, gusto pa nya kumuha kami ng DNA test? Hahaha!" Ang lakas lang ng tawa ni tita Rose.

"Totoo ba?" Natanong ko na lang kay Mr. Coffee.

"Well, try growing up with this crazy parents! Parati kasi nila akong inaasar. Kaya when I went to New York and I found out about DNA, I cant help it." Kakamot-kamot pa sa ulong paliwanag ni Mr. Coffee.

Ang lakas tuloy ng tawanan namin.

It was interesting to learn that insecure part of him. Halata sa facial expression nya na kahit nagbibiruan lang kami, there had been a time that he felt an outsider sa mismong family nya.

"Well, youll never know. Hindi pa din natin ginagawa yung DNA testing." Palihim akong kinindatan ni tita Rose.

"See! See what I had to suffer growing up?" Kunwaring umiiyak pa si Mr. Coffee at yumakap sa akin. At tinago ang mukha nya sa balikat ko. Tinatapik ko naman sya sa braso para kunwari kino-comfort ko sya kahit ang luwang ng ngiti ko sa kadramahan nya.

Lalo tuloy natawa ang mag-asawa sa anak nila. Pero ng tiningnan ko si tita Rose, humawak ito sa kamay ni Boss at may kakaibang ningning ng mga matang tinitigan ang asawa nya bago tumingin ulit sa amin.

"You look good together," malamlam ang mga mata ni tita Rose ng sinasabi ito. Punong-puno ng pagmamahal at pride.

Nginitian ako ni Mr. Coffee, hindi pa din ito bumibitiw sa pagkakayakap sa akin. And hes eyes mirrored his parents'.


MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon