CHAPTER FOUR: Lunch Date

945 49 11
                                    

Muntik pa akong mapasubsob sa likod nya ng bigla itong huminto.

"Well?" Tanong nito. Ako naman si tange nakatanga lang sa kanya. Inuugali mo ng tumitig sa dimples nya ha?

"Dadalhin mo ba yang mga reports mo sa restaurant?" Tanong nitong may kapilyuhan ang ngiti. Saka ko lang narealize na huminto pala sya sa tapat ng office ko.

"Ay! Oo nga. Let me just grab my wallet and leave these on my desk." Imik kong nagmamadaling binuksan ang pinto.

Oh, Jasmine relax ka nga. Oo anak ng boss mo yang si Mr. Coffee at totoo namang super gwapo nya pero wag ka namang magpahalata na kinikilig ka. Besides di ka naman nya nakilala diba? Kaya dapat poker face ka!

Kaya ng lumabas ako ng office ko, medyo compose na ako. "Lets go sir?"

"Lead the way."

Madami kaming kasabay sa elevator, nauna akong pumasok kaya nakatalikod ito sa akin. Amoy na amoy ko ang aftershave nya. Naks! Matatapos na ang araw, amoy after shave ka pa din! At ang sexy ng back nya infairness. Sobrang tangkad nya, halos hanggang balikat nya lang ako. Kung tutuusin nakaamericana sya pero kita mo pa rin ang biceps nya. Kaya pala kahit halos mahulog na ko sa braso nya kanina, hindi pa ito natinag.

Ding!

Paglabas namin ng elevator, nakaalalay ito pero pinauna ako. May restaurant sa tapat ng building, dun kami madalas mag lunch kasi affordable naman ng meal. At mas gusto ko talaga naglalate lunch (as in super late na today kasi four pm na pala!) dahil wala nang masyadong tao.

Wala kaming kibuan ni Mr. Coffee hanggang makapili kami ng table. Inalalayan ako nitong umupo, (naks ha? Ang gentleman!) bago sya umupo sa harap ko. Nung dumating ang waiter alam ko na ang oorderin ko, "lasagna please saka iced tea."

"Yun na din ako." Sabi ni Mr. Coffee sa waiter.

"Ngayon mo na ba ko lilibre ng kape?" Hirit nya sa akin pagkaalis ng waiter.

He was smiling lazily. Pero may pagkapilyo ang mga mata, at lumalim ng mga five inches ang dimples sa kanang pisngi.

"So you... Remember me?!" Halos pasigaw kong nasabi. Pulang-pula ang mga pisngi sa kahihiyan!

"Hindi madaling kalimutan ang mukha mo, Jasmine." Napayuko na lang ako kasi nakatitig sya sa akin at alam kong agaw eksena ang mga pisngi ko. Grrrr!

"Pasensya na talaga sir kanina ha?" Yun na lang nasabi ko. Ungusan ko ba naman ang anak ng Boss ko sa pila.

"Pag tayong dalawa lang, wag mo na kong sini-sir please. Nakakatanda eh. Halos magkasing edad lang naman tayo."

"Naku sir! Hindi pwede yun. Boss ko kayo eh." Pagpupumilit ko kaya napaangat na ako ng mukha. Nandun pa din ang pilyong ngiti nito. Nakatitig sa mga mata ko.

"Well technically hindi pa. Trainee pa lang ako remember?" Magiliw nitong sagot sa akin. Bat ba ang gwapo mo pag nakangiti ka Mr. Coffee?

Nang dumating ang order namin, tahimik na lang ako kumain. Nakakailang. Ganito ba makipagdate? O mas nakakailang lang talaga pag ganito kagwapo ang kasabay mo kumain?

"Ang tahimik mo naman. Samantalang kanina panay bulungan nyo ni Johnny." May inis talaga sa dulo?

"Johnny? Ah si Frank po yun, sir. Head ng accounting." Paglilinaw ko.

"Boyfriend mo?" Bigla ang pagseryoso ng mukha nito.

"Bawal po sa office ang ganung relationship."

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon