CHAPTER TWO: Meet Me

1.1K 56 11
                                    



Head ako ng advertising sa company na pinapasukan ko. Nagsimula ako dito as payroll clerk. Pero dahil pabibo ako, agad akong napansin ng may ari ng company. Hanggang one day pinatawag ako sa opisina nya. Akala ko pa nga nun pagagalitan ako dahil parati akong nakatambay sa Marketing Department.

"Jasmine, come in." Seryosong sambit ng boss ko nang sumungaw ang ulo ko sa pinto nyang kanina ay nakasara. Nanginginig akong umupo sa silyang malapit sa desk nya.

"Sir, I can explain. Nawiwili po kasi ako sa marketing department pero I never neglect my obligation. Number one po sa priority ko ang payroll natin kaya everyday ako mag-encode. Sabi po ni sir Marc first time na walang complaints sa accounting about payroll. Gusto ko lang po kasing nakikita kung paano sila nagfoformulate ng marketing strategies at paano nila binebenta ang mga products natin..." Halos hindi ako huminga habang nagpapaliwanag.

"Enough." Matipid pero forceful nitong sabi. Naluluha akong yumuko. Tatanggalin na ko sa trabaho hindi pa nga ko regular. Ang saklap!

"I understand sir. I just want to tell you that it was my pleasure to have worked with your company. I will never forget..." Tumulo na nga po ang luha ko. Hindi ko na namalayang umuuga ang balikat ng boss ko. Hanggang narinig ko na lang na tumatawa ito ng malakas.

"Jasmine, what the heck are you talking about?" Sabay sabi nito habang tumawa.

"Eh sir iteterminate nyo na po probationary contract ko diba?" Humihikbi kong sagot kahit nagtataka ako na tinatawanan nya pa ako.

"Who told you that?" Pambibitin nitong sagot sa akin. Sino nga ba? Pilit kong iniisip kung ano yung una nyang sinabi sa akin.

"Definitely not me." Sabi nito habang pinupunasan pa ang gilid ng mata sa katatawa, naluha pa talaga sya.

"You know what, since the day I saw you, I knew youre going to make a difference in this company. Masipag ka. Medyo hindi ka lang naglalagi sa desk mo pero in your five months with us, you never asked for overtime but you have always done your job on time. And like you said, we never heard any complaints from our employees since you took over. How did you do that?" Tanong nya sa akin. Medyo seryoso na sya this time. Curious na naghintay ng sagot ko.

"I dont know sir. I guess I just love what Im doing." Paliwanag ko.

"And this is your first job after graduating right?"

"Yes sir."

Boss examined the content of a brown folder on his desk, palagay ko employee file ko yun.

"Youre Accounting graduate. I heard youre taking review classes to take the board exam?"

"Yes sir." Matipid kong sagot habang pinupunasan ko luha ko. Mahirap na baka maging muta pa.

"Can I offer you a different career path?"  Seryoso nitong tanong.

"What do you mean sir?"

"As you already know our small business is slowly growing in sales. We need to expand our business. And we need to put more people to focus on important aspect of our business." Habang pinakikinggan ko sya iniisip ko what does this has to do with me.

"Albert, our Marketing Head recommended you to handle a new team, under his deparment. But this has nothing to do with accounting though." Tuloy ni Boss.

"Ako po?" Nagulat kong sagot.

"Albert thinks you have potentials in advertising." Ngiti nito sa akin. "And I agree with him. Now, the question is, would you accept it?"

Blurred na sa akin ang mga sumunod naming conversation. Iniisip ko nga ngayon, napa-oo na lang siguro ako dahil sa saya ko na hindi ako naterminate.

After five years though, ang saya ko lang na I made the right decision. Hinayaan nila muna akong makapasa sa board exam ko sa accounting bago binigay sa akin ang assignment as Advertising Head. Medyo disappointed ang parents ko, pero nung pinaliwanag ko kung gaano ko kagusto ang trabaho ko, naintindihan na rin nila.

Mahirap nung una. Head ako ng advertising pero ako lang mag-isa hanggang after a few months nakakuha rin kami ng dalawang staff na makakatulong ko. Focus kami sa pag-iisip ng mga designs and gimik na gagamitin ng company para humatak ng new clients.  At dahil kulang ako sa knowledge sa advertising, hindi naging madamot sina Boss na pa-attend-in ako sa mga seminars at training. Hindi ko naman sila binigo at successful ang mga campaign na nila-launch namin.

Minsan masarap balikan ang mga pinagdaanan ko working here, lalo na ngayong araw na ito.

May mahihinang katok sa pinto ng kwarto ko na syang nagpabalik sa akin sa present. Nang iangat ko ng ulo ko, nagulat ako na si Boss ito. Galing mo Boss ha? Narinig mo ba ang iniisip ko?

"You busy, Jasmine?" Tanong nito pero tuloy-tuloy na itong umupo sa silya sa harap ng lamesa ko.

"Medyo lang, Boss. Finafinalize ko na po yung banner natin. Kailangan na kasi ito iprint next week." Habang pinapakita ko sa kanya yung monitor ng computer ko. "What do you think? Too colorful?"

" I always like youre design Jasmine. Im sure i-aapprove yan ni Albert." Tatango-tango nitong sambit pagkatapos tingnan ang monitor ko. "I came here to personally check up on you. We are officially announcing your promotion after all and the retirement of Albert."

"Nakakanerbyos nga, Boss. I dont want to sound too confident, but Im ready for this. I wont fail you and sir Albert." Seryoso kong sagot kay Boss.

"You have my full confidence, Jasmine." At kita naman sa mata ni Boss ang katotohanan sa sinabi nya. "You are one of those I am so proud to have in my team."

"Thank you sa tiwala, Boss."

"Kayo pa lang ni Albert ang may alam nito. My son is coming over also for our meeting." Sambit ni Boss. "He finally agreed to take over. He will be training for a few months then Im off to where retired people go." Biro pa nito.

"Thats great news, Boss! You will be retiring soon. I bet tita Rose is so happy."

"Were looking for yacht to buy. Matagal na rin nyang hinintay ito." Nakangiting sabi ni Boss. "Theres a huge changes for the company these coming months. I hope you work well with my son and you both can keep our legacy and make this company flourish in the industry."

"I cant wait to meet your son, Boss. Im happy you finally convinced him to take over."

"My son is finally coming home." Lagpas tenga na ang ngiti ni Boss.


12:30pm pa lang nasa conference room na ako. Dala dala ang mga samples ng marketing materials pati mga datas na irereport ko sa meeting. Hawak ko na rin ang tasa ko ng kape habang kausap ng supplier ng banners sa phone ko. Mamya na ako magla-lunch. Hindi rin naman ako makakakain.

"Yes, we need it by monday, tita! And before you complain, after 5pm itetext ko kung final na yung in-email kong draft sayo. I know, medyo rush nga kasi may biglaang request si Mayor. Hindi na kami makatanggi." Tatawa-tawa kong sabi sa kausap ko. "Ikaw naman hindi ka na nasanay sa amin. So pano Tita? Bukas ng hapon patingin ng mga samples ha?" Huling hirit kong sinabi bago ako nagpaalam.

Nakakakaba naman pala tong meeting na ito naisip ko nang nagsimula ng magsidatingan ang mga heads ng ibat-ibang department. Si Frank na ang Accounting Head after nagresign si sir Marc para magmigrate sa US, dire-diretso itong umupo sa tabi ko. "Naglunch ka na?" Tanong nito kahit alam naman nyang hindi pa.

"Mamaya na. Dami ko pang ginawa eh." Sabay dila ko sa kanya nung nalinga ko na walang nakatingin. Ganyan ako kakomportable kay Frank. Pag may ganitong meeting, kami parati ang magkatabi sa upuan dahil hindi nalalayo ang edad namin. Bukod sa nung payroll clerk pa ako nagkasama na kami sa Accounting Department, sya ang humahawak noon sa Receivables.

"Wag kang magpacute dyan baka lalo akong mainlove sayo!" Bulong nito sa tenga ko.

Namula na naman ang pisngi ko sa sinabi nya. Pero wala yun sa reaksyon ko ng makita ko kung sino ang pumasok sa loob ng conference room kasama ni boss. Nakangiti ito ng pumasok pero bahagyang sumungit ang mukha ng napatingin sa akin. Nakita kaya nya ang kulitan namin ni Frank?

Si Mr. Coffee in the flesh!

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon