CHAPTER SIX: The Day After

768 46 15
                                    


Muntik ng matapon sa akin ang kapeng iniinom ko ng biglang bumungad sa bintana ko si Frank. As usual, kasabay ko na naman sya dumating kahit pa considering na mas maaga ako ng ten minutes ngayon kaya napagdesisyunan kong dito na sa car ubusin ang kape ko habang nakapark sa parking lot ng office building namin.

"Hi Jaz!" Bungad nito. Hindi na nito hinintay ang inbitasyon ko at pumasok na ito sa kotse ko.

"Takte ka Frank! Montik na ko masamid."

"Lalim naman kasi ng iniisip mo kanina pa ko nagpapacute!"  Biro nito. "Maaga ka ngayon." Tanong nito.

"Yung totoo? Nalate ako ng gising. Hindi na ko nakapagjogging. Tapos heto napaaga naman sa pagpasok."

"Hindi ka siguro nakatulog kakaisip sa bago mong job description."

"Ha?....Ahhh!..... Oo, yun na nga." Sabay ubos ko ng kapeng hawak ko. "Tara na nga. Baka malate pa tayo nito eh."

Nakakunot noo si Frank hanggang makasakay kami ng elevator. Nagdududa ito marahil sa totoong dahilan ng pagkapuyat ko. At bago pa nya ako nausisa, nagbukas na ulit ang pinto ng elevator.

"Oh pano, mamya na lang ulit Frank." Sabi ko sabay biglang liko padereksyon ng office ko. Pero mag malaking pader ng mga braso ang humarang sa akin. Si Mr. Coffee biglang nag appear out of my mind into reality?

"Ay sir! Sorry! Di ko po kayo nakita." Nang sipatin ko ang mukha nito, halatang wala ito sa mood.

"I'll expect you in my dad's office in five." At bigla na itong umalis.

Pag lingon ko kay Frank, "sungit!" Ang binulong nito palihim na nginunguso ang direksyon ni Mr. Coffee. Sabay, "lagot ka!"

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Binaba ko lang ang bag ko at dumampot ng scratch paper at ballpen at tinahak ko na ang office ni boss pero wala naman ito sa loob. Wish ko pa naman sanang nandun si Boss at ninenerbyos ako kay Mr. Coffee. Wala akong swerte, ang tanging nandun lang ay si Mr. Coffee, nakatindig sa may bintana, tinantanaw ang mga tao sa baba. Marahan akong kumatok sa pintong bukas.

"Sit and close that door!" Bulyaw nito sa akin. Aso lang, Mr. Coffee? Mainit ang ulo kadadating ko lang? O nakalimutan na nito yung nangyari sa elevator kagabi?

"Is there a reason for this meeting to be this urgent sir?" Hirit ko, trying to get some control sa sitwasyon.

"Bakit sabay kayo dumating ni Frank? Sinusundo ka ba nya sa condo mo?" Tanong nito, hindi pa rin ito umaalis sa tapat ng bintana. Try ko kausapin likod mo, Mr. Coffee!

"Sir?" Heto talaga topic namin? Kala ko work relates ang pag-uusapan namin.

"Just answer my question, Jasmine," mahinahon nitong imik na napayuko pa ng nakapikit.

"Sir, I arrive everyday on my own car. Nakakasabay ko lang si Frank umakyat." Paliwanag ko.

"Araw. Araw. Kayong. Nagkakasabay?" Rinig ko ang pagtitimpi nya sa bawat salitang binigkas nya. Bat nya alam na araw-araw kaming sabay umaakyat ni Frank?

"Hindi ko rin po alam sir. I mean sabay po kasi ang oras namin, 9am. Kaya siguro ganun."

"Araw-araw. Walang patid. Sabay kayo dumarating sa office?!" Giit nya. Hindi na nya kailangang lumingon para malaman kong beast mode sya.

"I really dont know, sir. Basta pagpark ko po nandun na sya."

Katahimikan. Parang ayoko huminga ng malalim at baka mabeast mode pa lalo ito. Bat ka ba kasi galit? Ako nga dapat galit sayo sa nangyari sa elevator eh!

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon