CHAPTER ELEVEN: Nobody's Girl

751 43 13
                                    


"Jasmine," tawag nito sa akin. Naidlip pala ako sa kotse nya. Sa sobrang pagod at puyat. Sheeet! Nakakahiya naman. Wish ko lang di ako naghilik kanina.

"Y-yes?" Tanong ko.

"Bukas," simula nito, "susunduin kita ha? Eight am."

"Okay." Sagot ko.

"Would you be a good girl this time around?" Paniniguro nya.

"Yes." Nakatitig ako sa kanya para makita nyang sincere ako sa sinabi ko.

Siguro kasi bagong gising lang ako, o dahil ang gwapo lang nya talaga, pero hindi ko napigilan halikan sya sa pisngi. Malapit sa dimples nya. "Good night, Mr. Coffee," bulong ko. Bago ako bumaba ng kotse nya.

Hawak pa nya ang pisngi nya kung saan ako humalik. Tuwang-tuwa ang mga mata nito at nakangiti habang kumakaway ako. Tumalikod na ako bago pa nya ako habulin.

"Omg ka, Jasmine! Bat mo ginawa yun?" Tanong ko sa sarili ko habang nagpapalit ng pajama. "baka isipin nya patay na patay ka sa kanya!"

Pero yung totoo hindi mabura sa isip ko yung ngiti nya nung iniwan ko sya sa kotse nya. Nakayakap pa ako sa unan ng tumunog telepono ko. Pasado a las dose na, sino tatawag sa akin? Tapos hindi kilala ng cellphone ko ang tumatawag.

"Hello?"

"Gising ka pa?" Tanong ni Mr. Coffee! Wow! Bedroom voice pa more! Yung mga butterflies ko sa stomach, nagising na naman tuloy. Napayakap pa tuloy ako ng mas mahigpit sa unan ko.

"Nagising ako sa tawag mo." Pagmamaang maangan ko. Buti na lang hindi nya nakikita ang pamumula ng pisngi ko.

"Thank you sa kiss ha?" Hindi na ako nakakibo. sobrang pula na ng pisngi ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko. Yan! Change topic na lang.

"Nakahiga na sa kama. Nakapikit. Hawak ko pa yung pisngi na kiniss mo. Iniimagine kung gaano kapula ng pisngi mo ngayon." Narinig ko pa ang mahina nitong tawa.

"Bat ka napatawag?" Tanong ko. Change topic na kasi!

"Namiss na kita eh." Walang pagdadalawang isip nitong sagot.

"Magkasama lang tayo kanina." Pero may point ka, miss na rin kita!

"I cant get enough of you, Jasmine." Haaaay! Wag ka nga ganyan, Mr. Coffee! Lakas magpafall, marupok ako sayo uy!

"Good night na nga!" Sabi ko. Sabi ko lang yun. Ayoko pa sana pero gabi na.

"Good night, Ms. Coffee!" Narinig ko pa bago ko putulin ang tawag nya.

Saglit ko sinave ang number nya, siempre Mr. Coffee nilagay kong name nya, bago ko hinalikan ang screen ng phone ko at tinapat ito sa dibdib ko saka ko pinikit ang mga mata ko.



DAY FOUR: FRIDAY



Kinabukasan, ang aga-aga kong nasa lobby ng building namin. May ten minutes pa bago mag-eight, pero excited na kasi ako sa sundo ko. Nakatitig ako sa cellphone ko ng may bahagyang tumapik sa balikat ko. Bat ganun. Pareho naman kaming napuyat pero sya fresh na fresh sya sa suot nyang yellow long sleeves and black slacks.

"Good morning, Ms. Coffee!"

"Wag mong ipush." Puna ko sa biro nya. Habang humahalik ito sa pisngi ko. Ang lakas makagirl friend ng peg!

"Cute nga eh." Bulong nito sa tenga ko habang inaabot ang kape na hawak nya. "Lets go?" Tanong nito.

"Dito ko na lang kaya inumin tong kape? Baka matapon ko sa loob ng kotse mo to?"

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon