CHAPTER FIFTEEN: Cindy

694 41 4
                                    

DAY SEVEN: MONDAY

Ang bango-bango tingnan ni Mr. Coffee. Nakashades pa ito habang nakasandal sa kotse nya. May bitbit na dalawang kape. Naka-americana ito, at halatang mamahalin dahil sakto ito sa kanya parang customized for him. Black ito na may mga pinong linyang puti. Nakawhite itong polo sa loob. Elegant din ang black leather shoes nya.

Nakangiti ito ng papalapit ako sa kanya pero hindi umaalis sa pagkasandal sa kotse nya. Inabot nito ang kape bago hinalikan ako sa namumula ko na namang pisngi.

"I miss you." Bulong nya. Napainom na lang ako ng kape.

Mas miss ko kaya sya.

"Tara na?" Aya ko sa kanya.

Sa loob ng kotse, tinulungan pa akong isuot ang seatbelt ko kasi hawak ko ang hand bag ko sa isang kamay, at kape sa kabila.

"Mabuti na ba pakiramdam mo?"

Kailangan ba talaga ganito kalapit ang mukha nya sa mukha ko? Ang aga namang kiligan to!

"Oo. Hindi ko na kinailangang uminom ng gamot." Sagot ko.

"I miss you." Ulit nya.

Bago ako hinalikan sa labi. Lasang kape ang labi nya. Pero may hint pa rin ng peppermint flavor ng toothpaste nya.

Wag mo ko sanayin ng ganito Mr. Coffee. Baka hanapin ko to araw-araw!

Nang nasa parking lot na kami ng office building, nakaramdam ako ng lungkot. Alam ko namang hindi na naghihintay si Frank sa akin ngayon, pero out of habit, sinulyapan ko pa din kung saan nakapark ang kotse nya.

Wala na sya dyan, Jasmine. Hindi ka na nya hihintayin at sasabayang umakyat sa office. At kahit sobrang nakakamiss si Frank, hindi ako pwedeng magtampo dahil he needed this time to move on from me.


Alam ko tinititigan ako ni Mr. Coffee. Hinawakan nito ang kamay ko. Mahigpit. Habang inaalalayan ako papasok sa elevator. Alam ko kahit hindi nya sabihin, alam nyang hinahanap ko si Frank.


Binitiwan lang ni Mr. Coffee ang kamay ko bago nagbukas ang elevator.

"Have a nice day," kumindat pa ito bago kami maghiwalay ng direksyon papasok sa office.

Halos malapit na ako sa pinto ng office ko ng mapalingon ako sa lobby ng office namin.

"There you are," malakas na sabi ni Boss.

Akala ko ako kausap nya. Kaya lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses nya. Pero si Mr. Coffee ang tinawag nito.

Babaling na sana ulit ako papasok sa office ko kasi ayoko namang mag-eavesdrop sa conversation nila, when the woman next to Boss called my attention.

This woman is probably the same height as Mr. Coffee thanks to her 5 inches stilletos. Blonde ang makapal at mahabang buhok nya na sinasadya nitong i-sway habang papalapit kay Mr. Coffee. May mapang-akit na mga mata, matangos na ilong at mahabang baba. (Ay sorry po Lord. Totoo naman eh!)

Ang nakakawindang sa kanya, yung halos lumuwa na sa skimpy dress nya ang mga boobs nito. At wag lang syang yuyuko, lalabas na talaga ang kuyukot nya sa igsi nito.

Pero ang dahilan kung bakit parang napako ako sa kinatatayuan ko ng biglang yumakap sa braso ni Mr. Coffee ang babaeng ito!

Nakatalikod sa akin si Mr. Coffee kaya hindi ko nakikita ang reaction nya. Ang pansin ko lang, hindi naman nya inalis ang pagkakayakap ng babaeng ito sa braso nya!

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon