CHAPTER EIGHT: My Chauffeur

828 52 8
                                    

Pagbuhay nya ng makina ng kotse, napuno ng kotse ng musika. Wow! Di nga? Nakikinig sya ng song ni Mandi Moore?

"Wag kang tatawa! Favorite song ko yan!" Pagsasaway nya sa namumuong ngiti sa labi ko. "Safety first, seat belt please!"

"Seriously? Mandi Moore?" Tanong ko habang sinusuot ang seatbelt ko.

Ngiti lang sinagot nya sa akin at tinanong na nya kung saan ang address ko. Tumango lang ito na parang alam na nya kung saan.

Nang nakaalis na kami sa parking lot, hindi ko talaga maiwasang hindi itanong, "favorite mo talaga itong song na to?"

"Oo nga. Pati yung song ni Gweneth Paltrow," Proud pa talaga nyang sagot. "Maganda naman background song while driving. Nakakakalma. Lalo na ang traffic dito sa Manila."

Napatango na lang ako. You never fail to amaze me Mr. Coffee.

"Ikaw naman magkwento sa akin Richard. Dami mo ng alam tungkol sa akin eh, samantalang ako zero!" Mafeeling close kong tanong sa kanya.

"Hmmmm... I think you already know that I used to work in one of the prestigious law firm in New York diba?"

"Oo. Madalas ka kasing ipagyabang ng Dad mo sa amin ni sir Albert."

"Ano pa ba?... Uhmmm... Well mahilig ako sa chicken wings at sa ice cream at marami akong nakafling sa New York." Casual nitong kwento. ANO DAW??? Same sentence talaga yung ice cream at flings?

"Isa sa mga dahilan ko kung bakit ako umuwi dito sa Philippines kasi namimiss ko na parents ko. Saka parang wala ng pupuntahan buhay ko dun. I mean I do have a kick ass job, but there comes a point in a mans life when his job does not define who he is." O, sya may point ka na.

"Besides nakakasawa na yung work, night life every single day! Im done with loud disco bars, im done cooking for myself or eating out."

"Like a true blooded bachelor yourself!" Halata ba sa tono ko ang pagseselos sa madami nyang nakafling? Hindi talaga ako makamove on eh.

"Dati yun, Jasmine! Hindi na ako ganun ngayon." Sabi nya na parang nabasa ata nya yung iniisip ko.

"Ilang araw ka pa lang dito sa Pinas. You can never tell."

"Hindi ah. Kahapon lang ako nagreport sa office pero may mahigit one month na ko dito. Ang laking adjustment, I mean I dont live with my parents pa rin naman pero yung maaga na ako natutulog, yung I get to visit my Mom anytime I want. Malaking adjustment pero Im ready na for this." Lahad nya.

Tatango-tango lang ako kasi hanggang ngayon na-stuck na ko dun sa marami syang fling sa New York. So sa pakikipagfling, tuloy pa rin dito sa Pinas kasi hindi nya nabanggit sa mga adjustments nya? Wag ka na kasing umasa Jasmine!

"Masarap pala to have your family this close. Dati sa skype ko lang nakikita si Mom. Ngayon pagkinulit ko sya na gusto ko matikman yung luto nya, mamya lang kinakain ko na."

"Iyan din nga madalas kong mamiss sa parents ko. Alam mo ba sa edad kong ito, hanggang ngayon umiiyak pa rin ako pag tapos na bakasyon ng parents ko?" Pag amin ko sa kanya.

Bat nga ba ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya? Yung mga bagay na hindi ko naman nasasabi sa iba, kagaya ni Frank, hindi ko pa naikwento sa kaya ito pero kay Mr. Coffee ako pa talaga nagvolunteer.

"Sabi ng mga friends ko sa New York mamimiss ko rin ang liberty ng buhay ko dun. Hindi daw ako tatagal ng one week dito. Pero look, mahigit one month na ko dito at napapayag na ako ni Dad na magtrain sa business nya."

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon