CHAPTER THIRTEEN: Chef Next Door

819 52 10
                                    

AUTHORS NOTE:   Merry Christmas guys! Mapuno sana ng regalo ang ilalim ng christms tree nyo at pagmamahal ang puso nyo.

Enjoy reading!



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~








DAY FIVE: SATURDAY

Halos 10am na ko nagising. Medyo disoriented pa ako kasi nagising ako sa ingay sa kusina ko. Akala ko pinasok na ako ng magnanakaw, hanggang maaalala ko na kasama ko nga pala dito sa bahay si Mr. Coffee. Mabuti na pakiramdam ko, kaya nagmadali akong pumunta sa banyo para maghilamos ng konti at amoy pawis na ako. Nagtoothbrush na rin. Bago ako lumabas ng kwarto, nakashorts na akong khaki at white shirt. Nakaponytail na rin ang mahaba kong buhok.

"Good morning," bungad ko kahit hindi ko pa alam kung saang parte ng condo ko naroon si Mr. Coffee.

"Good morning!" Narinig kong sagot nya. Tama nasa kusina pa rin ito. Naka-untuck na ang shirt nito at nakapaa ring nagluluto ng scramble egg.

"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong nito.

"Medyo ok na." Sabi ko. Pero parang hindi pa rin ito naniniwala at hinipo na naman noo at leeg ko.

"May sinat ka pa. You look good on those but i prefer you wear something else. Nasan na yung sweat shirt mo kanina?" Tanong neto.

"Nasa kwarto." Hindi na ko nakahirit pa kasi pumasok na ito sa kwarto ko. Paglabas dala na ang sweat shirt ko at tinulungan akong isuot ito.

"Wag ka muna magcoffee ngayon ha? Magmilo ka na lang muna para lumakas pakiramdam mo. Ano gusto mo kainin? Goto o scrambled egg with toast?"

"Egg please." Magiliw kong sagot.

Hinainan nya ako ng breakfast at sabay kaming kumain.

"Gusto mo umuwi muna? Hindi ka pa nagpapalit eh."

"Mabaho na ba ko?" Tanong nya, pero nakangiti.

"Hindi ah. Bango mo nga eh." Sagot ko bago ko narealize na trap pala yun.

"Aha! Inaamoy mo ko noh?" Biro nito. Hello good morning daw sabi ng pisngi kong pulang pula na naman.

"Thats much better, bumabalik na kulay mo sa mukha!" Nagmake face na lang ako sa kanya habang alam ko na lalong pumupula ang pisngi ko. Giliw na giliw naman nya akong tinititigan.

"I was thinking of going home for awhile para makapagpalit. Tapos dadaan ako ng grocery tapos balik na ulit ako dito." Lahad nya.

"Naku wag na! Nakakaabala na ata ako." Sagot ko. "Okay na ko promise!"

"Anong gusto mong lunch?" Tanong neto, i-ignore daw ba ang sinabi ko.

"Wag na. May salad naman ako dyan," Pilit ko.

"Anong gusto mong lunch?" Tanong nito ulet. Nakangiti ito, labas ang dimples. Sus! Alam talaga netong magpafall!

"Sinigang na baboy." Sagot ko sabay yuko kasi alam ko mapula na naman pisngi ko. Pinisil nya ang ilong ko bago sinimulang iligpit ang pinagkainan namin. Inabot ulit nya ang dalawang pills bago nagsimulang maghugas ng pinggan.

"Baka masanay ako nyan ha?" Biro ko.

"Yung ipagluluto kita, oo masanay ka na. Pero yung hugas ng pinggan hindi. Pag magaling ka na, ikaw na dito uy! Hahaha!" Ang sarap ng tawa nya oh!

Mya mya pa nagpaalam na ito. Binalik nya ko sa kwarto at binuksan ang tv, inabot pa sa akin ang remote. Humalik saglit sa pisngi ko at tuluyan ng umalis.

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon