CHAPTER THREE: The Meeting

916 48 15
                                    

Dont tell me sya si Richard? Ang anak ni boss na papalit sa kanya!

OHHHEEEMMMGEEEEEH!

Kakayanin kaya ng puso ko ang araw-araw na makita ang dimples nya? Parang gusto ko magtago sa likod ni Frank, makilala kaya nya ako? Ikaw naman God, biro ko lang yung kanina na wish kong ganito nya ako makita!

Natigilan lang ang pagmumuni-muni ko ng tumayo na sa harap namin ang mag-ama.

"Its so nice see you all especially today." Bungad ni Boss sa amin. Sinalubong ng maluluwang ngiti si Boss.

"Apart from our regular monthly meeting there are three important announcements I am happy to share with you all."

Electric ang reaction ng mga tao sa conference room. Marami ng nakakaalam sa pagreretire ni Sir Albert, kinindatan ako nito habang tinatanguan lahat ng naglingunan sa kanya. Si Frank naman nilingon ako sabay bulong, "Congrats!" Tinapik ko sya sa hita para humarap uli kina Boss. Nagulat pa ako sa stiff look ng mamang hindi mo aakalaing may dimples sa sobrang seryoso ng mukha. Grabe sya! Sya ba talaga to o kamukha lang?

"First things first," imik ni Boss at muling nanahimik ang mga nasa conference room. "Let me introduce you all to my son, Richard. He will be training to take over my position soon. Hopefully this old bloke can retire and ride into the sunset." Biro ni Boss.

"Kalabaw lang ang tumatanda, kumpadre!" Hirit ni Sir Albert na sya namang in-agree-han ng lahat.

"Im just happy we can enjoy retirement together Albert." Tatango-tangong sagot ni Boss.

At ng sinimulan ng isa-isang ipakilala ni Boss ang department heads kay Richard, nanlamig na nga po ang kamay ko. Juice colored! Sya talaga to eh! Yung dimples nagparamdam na habang nakangiting kinakamayan ang lahat ng pinapakilala ni Boss.

Ayos din naman ang sitting arragement eh no? Pasuspense! Ako talaga ang last na ipapakilala.

Ng pinakilala na si Frank kay Richard, very slightly kumunot ang noo nito. Pero professional namang nakipagkamay kay Frank. Baka guni-guni ko lang. Pero bago umupo si Frank, "sungit naman." Ang binulong nito sa tenga ko. Bakit ba yung mga tao parang ginagawang bingi si Mr. Coffee?

"Jasmine.." Tawag ni boss sa akin. "This is my son Richard. Jasmine was our Advertising Head. Shes the one behind all the marketing taglines that impresses you a lot." Bahagyang nawala ang ngiti nito nang kamayan ako. Di ko naman alam isasagot ko dahil nagkakilala na kami sa coffee shop. Pero dahil dumeadma sya, na parang nakalimutan na ata nya yung kanina, "nice to meet you," na lang ang inimik ko habang kinakamayan sya.

Kung hindi man nya napansin ang mamasa-masa kong kamay, sigurado nakita nito ang pamumula ng pisngi ko. Haaaay naku! Hayun, seryoso pa rin ang mukha pero tumaas ng very very light ang dalawang kilay.

"Richard, go take the seat next to Patricia," utos ni Boss sa anak nya habang bumalik ito sa harapan.

"Lets get this over and done with." Pagpapatuloy ni Boss pagkatapos bigyan ng malaking ngiti si sir Albert. "Our company has been very grateful for having him as our marketing executive. I have worked with him since my first job and I owe this man the success of this company. Naalala ko pa..."

"Oh no! Here goes the litany. Feel free to let your mind wander,"  sabat ni sir Albert. May mahihinang tawa sa loob ng room.

Sa tagal ko ng nakasama sa trabaho itong dalawang ito, alam ko na, ayaw lang maging sentimental ni sir Albert sa harap ng mga department heads.

"Naalala ko pa..." Giit ni Boss, medyo malakas na ang boses nito. "When I first ask him to come and join me to start this company. That was 10 years ago. Pare, thank you for trusting me your pre-retirement decade." Habang sinesenyasan si sir Albert na pumunta sa harap.

Nagpalakpakan ang mga tao sa conference room. Siempre pati na ako. Habang pasimple kong sinulyapan si Mr. Coffee, nasa bandang likod ito katabi ng secretary ni Boss. Nakatitig ito sa akin kaya bigla kong binalik ang tingin ko kay sir Albert. Naku Jasmine! Umayos ka nga!

"It was my pleasure to have worked with the best. And, yes, thats all of you. I guess this is the part where I introduce my successor. All I can say is she deserves this. And with young blood coming in to take over, I have faith that this company will achieve more milestones in the future." Sabay tapik sa likod ni Boss.

"Ladies and gentlemen, Jasmine, your new Marketing Executive."

Mas bahagyang lumakas ang palakpakan dahil na rin kay Frank. Kung makapalakpak parang nakakita ng artista. Tumayo ako at tumungo na sa harap, wag ka madadapa Jasmine! Please lang!

"I would not have accepted this promotion had I not been trained by my mentor, my work dad, and OLD friend," diniinan ko talaga yung old kasi madalas kong kantyawan si sir Albert na matanda na ito.

"Kalabaw lang..." Simula ni sir Albert, "TUMATANDA!" At sabay-sabay ng tinuloy ng lahat ng nasa kwarto. Tagline kasi yan ni sir Albert. Yan nagtawanan na nga po ang lahat sa kalokohan ni sir Albert!

"All I can say is, you will not regret the day you decided to entrust this position to me." Oh diba? Ang taray! Boom! Confetti na lang ang kulang.

Nawala sa isip ko saglit na nasa loob ng room si Mr. Coffee habang thank you ako ng thank you sa lahat ng nagcongratulate sa akin. Ng masulyapan ko sya, isa ito sa mga pumapalakpak pa rin at bahagya akong nginitian. Nabaling lang ang attention ko sa realidad, ng kamayan ako ni Boss at yakapin ni sir Albert.

Nang matapos ang palakpakan, bumalik na kami ni sir Albert sa mga upuan namin. Agaw eksena pa si Frank ng kamayan ako nito. Natatawa na lang ako dahil naman yung totoo, basang-basa ang kamay ko. Buti nga sayo! Pabibo ka eh noh? Natatawa kong naisip. Si Frank naman, like the gentleman as he is, parang walang napansin. Kumindat lang ito ng pilyo bago ako sinabayang umupo.


Bago matapos ang meeting, tumayo si boss para sa kanyang final words, "I am very pleased with all your collective efforts kaya puro pataas ang growth ng company. I am more pleased that the company is doing well and now I am more confident that we can achieve all our goals with the help of my son. I hope you all gave the same support that you have given me to help Richard on his training."

Lahat naman ay nagconfirm sa support na hiniling ni boss. Nang finally natitigan ko na si Mr. Coffee, nakatingin pala ito sa akin ng may panunuri sa mukha. Bumaling lang ito ng tingin sa department head ng operations ng kausapin sya. Tumayo na ako at niligpit ang mga papeles na ginamit ko sa report ko. Dinampot ang phone at nagsend ng text sa supplier ng banners. "All systems go." Text ko.

"Pssst! Sino ka text mo? Pinapagselos mo ata ako eh." Bulong ni Frank sa akin.

"Supplier tange!" Sagot kong hindi tumitingin sa kanya.

"Tara ng maglunch!" Kulit nito.

"Ay ang kulit! Sinabi na ngang hindi pwede eh."

"Gutom ka na eh." Hirit nito.

"Medyo nga. Haha!" Narinig siguro ni Boss kaya ito bumaling sa akin at sinabi, "si Richard hindi pa rin nagla-lunch. Sabay na kayo."

Napatingin ako kay Mr. Coffee, tatanggi sana ako pero kaagad itong sumagot, "Sure. Tara!"

Sa gulat ko sa sagot nya, napasunod na lang ako sa kanya, hindi magganda-ugaga sa mga bitbit kong gamit palabas ng conference room. Ramdam kong nakatitig si Frank sa likod ko pero hindi na ako nakalingon pa sa kanya para magsorry at hindi sya invited sa lunch date namin ni Mr. Coffee. Date talaga, teh?

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon