CHAPTER TWELVE: Fever

775 45 12
                                    

AUTHORS NOTE: Before I start this chapter, gusto ko muna kayong batiin ng HAPPY CHRISTMAS EVE! Hope you all celebrate this night with your family and love ones. Bukas pasko na!

Enjoy reading! 😘

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~





Balisang-balisa ako maghapon. Hindi ko alam kung paano ko nairaos ang araw na ito. Ilang beses ko sinubukang tawagan ang landline ni Frank pero hindi nito kinukuha ang tawag ko. Dumadaan ako sa office nya pero pag hindi ito busy at may kausap, wala naman ito sa office nya.

Hindi ako sanay.

Dati isang ring pa lang sa tawag ko, nasagot na nya. Dati pagdumadaan ako sa office nya, kahit may kausap ito, sya pa mismo tumatawag sa akin.

Ayoko sanang mawala si Frank sa buhay ko. Kasabayan ko sya dumating dito at sa limang taon, sya parati ang kasama ko. Ngayon, iniiwasan na nya ako.

Hindi rin marahil nakatulong na hindi ko nakita buong araw si Mr. Coffee. Narinig ko lang sa chikahan sa pantry na may lakad silang mag-ama. May important meeting daw sila. Maghapong wala.

Six pm, nililigpit ko na ang mga gamit ko ng pumasok sa loob ng office ko si Sheryl at Malou.

"Ma'am, magmamalling kami ni Sheryl ngayon. Gusto mo sumama?" Tanong ni Malou sa akin.

"Masama pakiramdam ko guys. Kayo na lang. Uuwi na nga rin ako ng maaga eh." Sagot ko.

"Ma'am friday night ngayon. Maraming nakasale!" Giit ni Sheryl sa akin.

"Kayo na lang. Masama talaga pakiramdam ko." Totoo naman. Para akong lalagnatin na ewan. "Enjoy your weekend!" Sabi ko habang palabas ng office ko.

Nang makarating sa bahay, sigurado na akong nilalagnat ako. Hindi na ako umabot sa kwarto, sa sofa na lang ako namaluktot at nagtry umidlip saglit. Lamig na lamig ang pakiramdam ko pero ramdam ko na mainit ang buo kong katawan. Buti na lang may naiwan akong kumot sa sofa nung isang araw, sya ng binalot ko sa katawan ko bago ko pinikit ang mga mata ko.

The sound of my phone ringing woke me up in a jolt. Its Mr. Coffee.

"Hello," bungad ko.

"Hi! Kumusta? Kadarating ko lang sa office. Matutuwa ka sa good news ko sayo." Kwento nito.

"Anong good news?" Tanong ko.

"May bago tayong malaking client! Heto pa lang sure na ang 15% increase sa sales natin."

"Wow." Sabi ko, pinipilit na hindi pahalata na nag-aapoy na ako sa lagnat.

"Are you alright?" Tanong nito.

"Okay lang ako." Matamlay kong sagot. Pinipilit wag ipahalatang masama pakiramdam ko.

"Galit ka pa ba sa akin?" Tanong nito.

"Hindi na." Sagot ko.

"Whats wrong?" Tanong nya. Nasa boses na nya ang pag-aalala.

"Im fine."

"Dont lie."

"Masama lang pakiramdam ko. May sinat ata ako." Sagot ko.

Katahimikan lang narinig ko sa kabilang linya.

"Hello?" Pagsisiguro ko na may kausap pa ako.

"Tell me whats your condo unit number. Papunta na ako dyan!" Narinig ko na binuhay nya ang kotse nya.

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon