CHAPTER TWENTY FOUR: Lost and Found

608 40 4
                                    


Walang iwanan ha?!

May pa pinky- pinky swear ka pang nalalaman!

Kasasabi mo pa lang iniwan mo na ako!

Ngayon finally wala na si Cindy sa harapan ko, Saka ko nilabas ang lahat ng inis ko at padabog kong dinampot ang mga folders. Hindi ko pa kayang lumabas pag ganitong halos blurred na ang nakikita ko kaya sa direksyon ng CR ako tumungo.

Pero ang sakit naman talaga eh!

Sabi ko na eh!

Woman intuition talaga yun. Bakit naman si Pat, ginamit din ni Mr. Coffee pangselos sa akin, hindi pa ko nabad vibes sa kanya ng ganito. Heto lang talaga si Cindy ang talagang may kurot sa puso ko. Kasi ramdam ko na gusto pang maghabol ni Cindy sa kanya.

Pano kung maagaw nga nya?

From the outside, bagay naman talaga sila. Pareho silang mataas. At yung kagwapuhan ni Mr. Coffee mas bagay talaga sa kanya yung sophisticated na babae. Yung pwede nyang ipagyabang sa public.

Sabi nga ni Cindy, he need a hot woman to close a deal!

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang image nila habang lumalakad palabas ng hotel. Ang higpit ng hawak ni Cindy sa braso ni Mr. Coffee. Bago pa sila nakalabas, nilingon ako ni Cindy at nginisian.

Proud na proud na sya ang nagwagi!

At hindi nakatulong na iniwan ako ni Mr. Coffee! Alam ko distracted sya at mukhang importante yung call nya, pero tama bang iwan nya ko dito? Ni hindi man lang ako nilingon?

Pano ko uuwi?

At dahil wala namang tao dito sa CR, hindi ko na mapigilang hindi humagulgol!



Mga 20 minutes din ako sa banyo bago ako lumabas. Buti na lang may dala akong pangretouch, naayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas. Magpapatawag na lang ako ng taxi ng makadaan sa office para i-endorse yung contract na hawak ko.

Tapos uuwi na ko ng makapagmukmok. Sa bahay ko na itutuloy ang pag-iyak ko.

Nagulat na lang ako na paglabas na paglabas ko sa hallway, isang mahigpit na yakap sumalubong sa akin.

Kundi ko kilala ang pabango nya, malamang sumigaw ako ng rape.

Pero instead, binaon ko ang mukha ko sa braso nya at yumakap din ng mahigpit.

"Kanina pa kita tinatawagan! Patay ang phone mo! Bat ka nawala? San ka ba nagpunta? Pati kay Cris hinanap pa kita!" Tuloy-tuloy na tanong ni Mr. Coffee, hindi pa din bumibitaw sa yakap sa akin.

"You left me."

Three words! Punong-puno ng paghihinanakit.

Yun lang nasabi ko. Gusto ko ulit umiyak pero hindi ko na nagawa.

Nandito na kasi sya.

Masaya ako na binalikan nya ako. Hinanap pa pala.

"I didnt! I went back right away nung narealize ko na hindi pala ikaw yung nasa braso ko."

Ikaw yan eh.

Kaya hindi na ko magtatampo.

Masaya na lang talaga ako na bumalik ka.

Nung naramdaman nya na lumuwag ang pagkayakap ko, bumitaw din sya at tinitigan ang mukha ko.

"Alam mo ba na papunta na kami sa security office ng hotel para tingnan sa CCTV kung san ka nagpunta? Pinag-alala mo ako. Wag na wag mo ng uulitin yun!" Halata sa mukha nito ang relief.

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon