CHAPTER TWENTY SEVEN: Farewell Cindy

645 49 5
                                    

DAY TEN: THURSDAY

Nasa baba na ako ng lobby ng condo namin ng dumating si Mr. Coffee. Nakangiti ito sa akin pero halata sa mukha nito na nagbablush sya.

Gusto ko tumawa ng malakas. Ako pa lang ata nagpablush sa kanya ng ganyan. Very confident kasi ito pero pag ako kasama parang batang makulit.

Pagpasok ko ng kotse nya, inabot nito ang kape sa akin. Hindi pa din naaalis ang blush sa mukha nya.

"Good morning!" Magiliw kong bati sa kanya.

"G-good morning!" At nagtago na nga po sya sa coffee nya.

"Okay ka lang ba?"

Tango lang sagot nya sa akin. Hindi pa din ako nililingon pero parang lalong pumula ang pisngi.

"Nagbablush ka ba?" Sabi ko ng nakangiti.

"Hindi ah!"

"Nagbablush ka eh!"

"Tara na nga." At binuhay na nya yung makina ng kotse nya. Hindi pa din ako tinitingnan nito.

"Bakit ka ba kasi nagbablush?" Ang cute nya kasi kaya panay push ko.

"Jasmine naman kasi..." Parang naiiyak pa nitong sabi.

"Ano nga kasi?"

"Sorry na yung kahapon."

"Yung kahapon? Wala na yun."

"Hindi ko makalimutan eh."

Ako naman nagblush. Grabe sya!

This time around ako na humawak sa kamay nya nang sumakay kami ng elevator. Kiniss ko pa ang pisngi nya malapit sa dimples bago nagbukas ang pinto ng elevator.

"Have a nice day!"

Ngiti lang sinagot nya sa akin bago kami naghiwalay.

Pagpasok ko ng office ko, nakasunod na si Sheryl at Malou sa akin.

"Hi, ma'am! Good morning!" Ang luwang ng ngiti ng dalawa sa akin.

"Good morning! Aga nyo ah!" Tanong ko habang binababa ko ang bag ko. Naupo ako sa gilid ng lamesa ko at parang mga estudyante sa klase naupo ang dalawa sa silya katapat ng lamesa ko.

"Ma'am, wala ka bang ikukwento sa amin?" Tanong ng ni Malou.

"Meron ba?" Tanong ko.

Nagtinginan pa ang dalawa. Parang nagdududa sa friendship namin dahil sa seryoso kong mukha. Nakapoker face kasi ako tapos I crossed my arms pa.

Napahagalpak na lang tuloy ako ng tawa.

"Kayo talagang dalawa!"

"Si ma'am oh! Kwento ka na." Pangungulit ni Sheryll.

"Oo na. Nililigawan ako ni sir Richard."

Nanlaki na nga po ang mga mata nila!

"At oo, nanliligaw pa lang sya. Medyo naexcite lang ng very very light kahapon sa lobby!"

"Si ma'am talaga. Eh parang kayo na kasi tingnan mo, kinukwento mo pa lang nagbablush ka na eh." Puna ni Malou.

"Well, hindi ko naman sinabi na patatagalin ko panliligaw nya diba?" Kinindatan ko na lang ang dalawa.

MR. COFFEE AND I  (completed) CURRENTLY EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon