IRISH'S POV
Pinatawag kaming lahat ni Oliver sa isang coffee shop, except Mabell lang pala. Bale ang nandito lang ako, Rupert, Shane, Jubail, Owy at Ranz. Ewan ba namin dito kay Oliver kung bakit kami pinatawag, tapos wala naman si Mabell. Nako! May binabalak ito.
Syempre katabi ko si Rupert. Pabilog kasi yung table so ganito set up namin.
Ako-Rupert-Shane-Ranz-Owy-Jubail-Oliver
"Pinatawag ko kayong lahat, dahil may dala kong magandang anunsyo!". Nagpoker face kaming lahat kay Oliver. Si Owy naman binatukan yung kuya niya.
*boink*
"Kuya! Umayos ka nga. Tch.". Sinamaan siya ng tingin ni Oliver.
"Ikaw ha! Mas matanda ako sayo kaya galangin mo ko!". Pinapanood lang namin mag away yung magkapatid. Pag si Owy magsasalita sa kanya kami titingin. Pag si Oliver naman, sakanya na kami titingin.
"Paano kita gagalanginkung puro ka kalokohan?". Nagtitigan sila ng masama sa isa't isa. Magkapatid nga sila. -_-
"Mag aaway lang ba kayo dito? Kung oo, aalis na kami.". Poker face na sabi ni Ranz. Sungit ni singkit. Iba talaga pag single. Tsk.tsk!
"Sungit mo bro! Palibhasa walang lovelife.". Sabi ni Oliver namg nakangisi.
*cough cough*
Napatingin kami kay Owy, umiwas naman siya ng tingin samin. Pati nga pala siya walang lovelife hahaha! Boom sapul!
"Tch. Game na nga seryoso na.".
"Bro ikaw lang hindi seryoso.". Singit ni Rupert .
Natawa naman kami. Medyo close na din sila kay Rupert. Ang galing nga e, nakakatuwa.
"Oo na bro. Manahimik ka na game na.". Napansin kong tahimik si Shane at Jubail, pero naiintindihan ko naman kung bakit. Awkward kaya!
"Since malapit na yung birthday ng pinakamamahal kong babae.". Panimula ni Ver.
"Kuya sino? Diba marami kang babae??". Nakangising sabi ni Owy. This time napa poker face ulit kami. Hello! Baka gusto niya munang patapusin yung kuya niya?
"Isa pa masasapak na kita!". Mukhang natakot naman siya sa kuya niya, kaya tumahimik na siya. Buti naman! Ankulit ng dalawa na 'to. Swear!
"Yun nga malapit na birthday ni Mabell. Gusto ko sana siya isurprise, at kailangan ko kayo don.". Tahimik lang kaming nakikinig sa kanya. Napatingin naman ako sa katabi ko, nang hawakan niya yung kamay ko. Kinikilig ako anubey!
"Gusto ko sana that day, kalimutan muna yung mga problema. Alam niyo naman siguro kung ano ibig kong sabihin.". Napatango naman kami.
"Sa mga mag e ex dyan. Pwede bang makisama muna kayo sa plano ko? Wala munang awkward. Alam ko mahirap yung sinasabi ko. Isang gabi lang naman yun e. Gusto ko sana, isang masayang barkada muna tayo. Hindi lang basta celebration sa birthday ni Mabell yon. Para na din makapagbonding tayong lahat. And I hope magkaayos na ang lahat after that day.".
"Sige sakin okay lang. E ano bang plano mo brad?". Tanong ni Ranz. Sure siya? Okay lang sakanya. Huh! If I know mahihirapan siya. Kilala na kita Ranz Kyle. Okay pala ha? Neknek mo!
"Ganito..". Diniscuss niya samin mabuti yung plano niya. Lahat kami kailangan tulungan siya siya. For me okay sakin yung surprise. Ang swerte lang ni Mabell sa kanya! Iba 'tong lalaki na 'to. Feeling ko talaga, sila na ni Mabell ang magkakatuluyan in the future.
-
OLIVER'S POV
Sinabi ko sa kanila lahat yung plano ko. Actually, para sa kanila din yung plano na 'to. Kasabwat ko si Mabell dito, gusto ko sana makapag usap sila or magkaayos. Para wala nang tensyon sa isa't isa. Lalo na sila Ranz at Jubail, Shane at Owy. Si Irish at Rupert ayos naman e. Pero basta malalaman niyo yung plano na 'to soon.
"Sige Oliver okay samin. Kelan at saan ba?". Tanong ni Jubail sakin.
"Itetext ko nalang kayo kung kelan at saan. Basta yung plano wag niyo sasabihin kay Mabell ha.".
"Okay bro/Sige.". Sabay sabay nilang sagot. Tumango naman ako at ngumiti.
Nakakatuwa lang na nakikisama sila. Di nila alam sila ang ginagawan namin ng plano haha. I don't know kung tama ba 'to. Pero dahil gwapo ako magiging maayos din ang lahat. I know after this, pasasalamatan pa nila ko especially Owy, Shane, Ranz at Jubail.
Always remember..
I'm Oliver Lance Posadas and I can do, what I want!
*wink*
.-------------
Vote and Comment. Gwapo ni Oliver wahahaha lol!
@SuperJubsBell
YOU ARE READING
My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?
Random-PROLOGUE- "I love her, kahit bestfriend ko pa siya, kahit girlfriend man siya ng kaibigan ko.. I will do everything, maging akin ka lang.. YOU'RE MINE!" - Owy Posadas "Mahal ko siya, kahit boyfriend pa siya ng pinsan ko.. kahit bestfriend ko siya...