RANZ'S POV
Pagbukas namin ng pinto ng cottage, nagukat kami kasi ang dilim sa loob. Diba dapat maliwanag? Asan na yung mga sinasabing tao ni Oliver? Tch.
Ang ganda ng cottage na 'to, parang room na ewan. Pagpasok namin sa loob ni Jubail nagulat kami nang biglang sumara yung pinto. Parehas kaming napatakbo papuntang pinto. Kaya lang huli na. Fuck! Nalock na kami! Sira ba yung pinto na 'to o sinadya lang na ilock talaga?Nagkatinginan kaming dalawa ni Jubail. Kahit hindi namin nakikita yung mukha ng isa't isa.
"Paktay.. nalock tayo.".
Sabay naming sabi, kaya natawa nalang kami.
Nakakatuwa lang na hindi kami gaanong naiilang sa isa't isa. Siguro nung una oo, pero ngayon hindi na. Sana ganito nalang kami palagi.
"Aish/Tch.".
Sabay ulit naming sabi. Natawa ulit kami at sabay na namang napakamot sa ulo. Cute talaga niya.
"Teka! Andilim naman, asan na ba yung switch ng ilaw?"
Kinapa-kapa niya yung wall.
"Ayun!".
Napatingin ako sa gawi niya, saktong pagtingin ko naman sa kanya tsaka bumukas yung ilaw. Bumungad naman sakin yung mukha niyang nakangiti. Naramdam kong lumakas yung kabog ng dibdib ko. Damn! It's so gay!
"Huy! Natulala ka?!".
Nabalik ako sa sarili ko nang hampasin niya ko.
"Ay sorry. Haha! Tara na maupo muna tayo, hintayin natin yung kakausapin natin. Baka medyo nauna lang tayo.".
Hinawakan ko siya sa braso, pagtingin namin sa likod namin. Nagulat kami pareho.
Okay. Ano 'to?
Sa gitna may table and two chairs, may mga roses pa. Sinong may pakana?
Napatingin ako kay Jubail nang lumapit siya sa table, at may kinuhang papel?
"Ano yan?".
Nakakunot noo kong tanong. Nagkibit balikat lang siya. Lumapit kami sa kanya at tiningnan namin yung nasa loob nung papel.
Okay. It's a letter, galing kanino?
Ranz and Jubail,
Sorry dude's kung sinet-up namin kayo. This is Mabell's idea. Eto yung wish niya sakin. Ang magkaayos kayong dalawa. Kaya sana pagbigyan niyo kami. You two?! Get a closure and enjoy your dinner date. I hope everything will be fine. Goodluck and peace mga dude! Mamaya niyo na ko pasalamatan. Makakapag intay naman ako e. Pero sige na nga, welcome in advance haha!
-The one and only "Handsome Oliver".
Napailing nalang ako pagkabasa ko nung letter. Imbis na mainis ako, natuwa pa ko kasi masosolo ko si Jubail. Napatingin naman ako sa kasama ko na, napakamot ng ulo.
"Bwiset si Oliver! Na set up tayo!".
Sa sobrang tuwa ko nagpacute ako sa kanya. Nakita ko naman namula siya.
YOU ARE READING
My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?
Random-PROLOGUE- "I love her, kahit bestfriend ko pa siya, kahit girlfriend man siya ng kaibigan ko.. I will do everything, maging akin ka lang.. YOU'RE MINE!" - Owy Posadas "Mahal ko siya, kahit boyfriend pa siya ng pinsan ko.. kahit bestfriend ko siya...