Chapter 27- "After a Weeks."

37 7 2
                                    

>> JUBAIL POV <<

Nagbukas ako ng twitter at nahagip ng mata ko ang isang tweet ng aking boyfriend.

@RanzKyle-
"Kung FIRST PRIORITY ka talaga niya. Hindi siya mawawalan ng time sayo."

Bigla akong kinabahan pagkabasa ng tweet niya. Tinamaan ako dun ha! Alam na kaya niya? Pero! Di niya pwede malaman yun. Waaah! ~


Yung tweet niya? Sino bang pinapatamaan niya doon? Bakit feeling ko ako? Kasi these past few days nawawalan na ko ng time sa kanya. Hindi na kami halos araw araw na magkasama, dahil minsan si Owy kasama ko. Haay! Ang hirap. :-(

Hanggang ngayon nag iisip pa din ako ng pwedeng dahilan kung paano ko iiwan si Ranz. Desidido na talaga ko sa gagawin ko. Alam ko ansama ko kasi iiwan ko siya. Simula ng maging kami ulit, nagbago talaga siya. Kung dati halos araw araw kami nag aaway, ngayon? Once a week nalang at hindi pa tumatagal yon. Dati halos mawalan na siya ng time sakin, pero ngayon? Halos gusto niya araw araw na kami magkasama. Naaappreciate ko naman yung pagbabago na ginawa niya. Kung siya nagbago? Ako din nagbago.

Ang kaso maganda yung kinakalabasan ng pagbabago niya. Yung akin? Hindi.
Ewan ko ba. Hindi na ko yung tulad ng dati na sobrang sweet sakanya.


Kapag nag aaway kami hindi na ako yung gumagawa ng paraan para maging okay kami. Pero dati naman madalas ako gumagawa nun. Parang tinabangan na ko. Siguro napagod at nagsawa na din ako, kaya hindi niya ko masisisi kung bakit naging ganto na ko.


Si Ranz alam na yung nangyari kina Owy at Shane. Hanep yung boyfriend ko na yun! Parang siya ang boyfriend ni Shane eh! Mas galit pa kesa kay Owy! Pero sabagay di ko siya masisisi, pati sakanya nagsinungaling si Shane eh. Ang hinayupak na yon! Nung isang araw tinotorture ako! Baka daw pati ako niloloko ko lang siya na 17 ako. Hello! Hindi naman ako katulad ng pinsan ko. Di ko kayang magsinungaling sa mga taong nakapaligid saakin.

Mahirap manloko. Hindi ako ganun! Well parang manloloko na din ako kasi sa about samin ni Owy. Niloloko ko si Ranz. Pero basta! Di niya ko masisisi kung bakit ko minahal si Owy. Siya naman may kasalanan nun. Hindi ako, nagmahal lang ako sa kaibigan niya.

Naghahanda ako ng miryenda namin ni Ranz ng dumating na siya.

"Hi bata! Ano 'yang ginagawa mo?". Niyakap niya ko mula sa likuran ko at kiniss ako sa pisngi. Aaminin ko kinikilig pa din ako. >,<

"Nagluto ako ng fries pati pasta. Alam kong favorite mo eh.".


"Sweet talaga ng baby ko. Bumili ako ng pizza! Puro favorite ko pala yan eh. Ayos haha! Lika na baby kain na tayo.".


Tinulungan niya ko dalin yung foods sa living room, tapos pinaupo na niya ko sa tabi niya. Kumain at nagkwentuhan.

"Di mo ba ko namiss bata?". Tanong niya habang sinusubuan ako ng fries.

"Namiss syempre.".


"Masyado ka kasi may pinagkakaabalahan eh.". Sabi niya na parang batang nagtatampo.

"A-ah eh. Di naman baby. Lagi kasi tayo magkasama, mainam na din yung minsan wala ako sa tabi mo para masana'y ka.". Kumunot naman yung noo niya at napatigil sa pagkain.


"What do you mean? Sinasanay mo ba ko na wala ka sa tabi ko? Why? Aalis ka ba?". Bigla naman ako kinabahan sa sinabi niya. Aish! Ba't ba kasi double meaning yung sinabi ko. Tch.


"H-huh? Hindi ah. San naman ako pupunta.". Sabi ko sabay inom ng juice.


"Malay ko naman iwan mo pala ko. Baka naman ayaw mo lang ako kasama kasi sawa ka na sakin?". Bigla naman ako nakaramdam ng inis sa sinabi niya.


"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Non sense!". Nawalan na ko ng gana kumain kaya tumayo ako at papunta sanang kitchen.


"Kelan pa naging non sense yung tanong ko? At san ka pupunta? Nagtatanong lang naman ako init agad ng ulo mo. Tss! Wala na ko gana. Uwi na ko.". Tumayo na siya at tuluyan ng umalis.

Galit na. Tsk!
-

>> SHANE'S POV <<

Ilang weeks na nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Owy. I miss him badly.


Halos araw araw lang ako nasa kwarto, di lumalabas ng bahay. Minsan nakakatanggap ako ng text galing sakanya, gusto niya mag usap kami. Para san pa? Magagalit lang siya sakin. Monthsary namin ngayon at nakatanggap na naman ako ng message galing sakanya.


From: Owy.

Babe. Happy Monthsary, ay ex monthsary pala haha! Namimiss na kita. Ako ba namimiss mo? Unti unti ko nalang tinatanggap na wala na talaga tayo. Pero ansakit pa din eh. Sana makapag usap tayo. Sobrang mahal kita. I miss you Shane.

-end


Naiyak ako pagkabasa ko ng message niya. Hindi ba siya galit sa akin? Sa mga ginawa ko sakanya?

Namimiss ko na din ikaw babe. Sorry sa mga ginawa ko. Pati si Ranz galit na galit sakin. Di ko naman sila masisisi. Ako yung may kasalanan. Nag sinungaling ako. Lalo na sa lalaking sobrang mahal ko.

-  -  -  -  -  -  -.
Sorry late update. Oh yung mga silent readers d'yan. Kaway! LOL.

COMMENT and VOTE. Please and thanks. :-)

@SuperJubsBell.

My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon