Chapter 33- #MBSBMFGUnfair

22 5 3
                                    






OWY'S POV





Hindi ko na alam nangyayari sakin. Namimiss ko na kasi talaga si Shane. Alam ko naman unfair kay Jubail. Pero kasi hindi ko mapigilan na hindi siya mamiss at itext.

Kahit niloko niya ko..
Kahit iniwan niya ko..





Ayoko naman saktan si Jubail, pero hindi ko na alam gagawin ko. Tch. Puro naman ako katangahan! Minsan nga gusto ko na iuntog yung ulo ko sa pader ng matauhan naman ako. -_-



Pumunta ko dito sa kanila ngayon, para bumawi sana sa kanya. Namimiss ko na din to e. Fvck! Ang landi ko na dalawang babae minahal ko and worst magpinsan pa. Pero anong magagawa ko kung silang dalawa minahal ko? Tch.







"Babyloves! May pasalubong ako sayo, favorite mo.". Sinalubong ko sya ng halik at yakap, pero nagulat ako hindi niya ko niyakap ng pabalik. Okay?





"Oh? Hindi mo ba ko namiss?". Humiwalay sya sa yakap ko tapos ngumiti..ng pilit. May problema ba kami?





"Namiss naman.. akina na yang dala mo,para makapagmiryenda na tayo.". Kinuha niya sa kamay ko yung dala kong ice cream, tapos dumiretso na sya ng kusina.
Ako naman inintay sya at naupo nalang sa sofa.. parang bigla naman may kumirot sa dibdib ko. Ang cold niya..






"Sabi ko sayo double dutch gusto ko e..". Nilapag niya yung ice cream sa table, then naupo na sya sa tabi ko.



Habang kumakain sya , nakatitig lang ako sakanya. Napansin niya yon kaya napatigil sya sa pag kain, umiwas din sya ng tingin.





"Oh bakit ganyan ka makatingin? Malusaw ako..".





Sinuri ko sya, mula ulo hanggang paa. Napansin ko na namamayat lalo ito. Tapos hindi na sya ganon kasigla gaya ng dati..
At hindi nakaligtas sakin yung lungkot sa mata niya.. parang nahihirapan na ewan?





"Namimiss mo ba sya?". Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Fvck! Ano ba yung sinabi ko?

Pati sya nagulat sa tanong ko.. so ibig sabihin totoo?




"Wag mo ko tanungin ng ganyan, kung ayaw mong ibalik ko sayo yung tanong mo.". Biglang napantig yung tenga ko, kumunot ang noo ko.





"Ano bang problema mo? Kanina ka pa ganyan nung pagdating ko ha!". Medyo napataas na yung boses ko.

Naiinis ako sa kinikilos niya! Binaba niya yung hawak niyang ice cream sa table tapos tumayo.






"Wag mo sakin itanong Owy kung anong problema ko. Try mo tanungin yung sarili mo, kung bakit ako ganito.". She said in a cold expression.
Tatalikod na sana sya ng hatakin ko sya sa braso dahilan kung bakit napaharap sya sakin.





"Seryoso ako dito! Kaya kung pwede wag mo ko pilosopohin!". Nagulat ako ng biglang tumulo yung luha niya.. bigla akong nasaktan sa nakita ko..




"So kaya pala palagi kang busy sa phone kapag kasama mo ko kasi si Shane ang katext mo? Kaya pala wala sakin yung atensyon mo, si Shane yung kausap mo.. tama ako diba?? Siya yung katext mo this past few days!". Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ngumiti sya habang tumutulo yung luha niya. Oh fvck! I hate seeing her like this!


<\3







"Ang unfair mo naman Owy.. ang unfair.. Akala ko ba kakalimutan mo na sya? Akala ko ba magsisimula na tayo ng bagong buhay? Yung tayong dalawa lang.. pero ano tong ginagawa mo sakin? Ginagawa ko ba sayo to? Hindi naman diba?.. Sabi mo hindi mo ko sasaktan.. Sabi mo magtutulungan tayo na kalimutan sila.. aasa nalang ba ko? Ganon nalang ba ko sayo? Kasi mas mahal mo sya kesa sakin.. oo Owy alam ko naman yun e.. Wag mo naman sanang ipamukha!" Pinunas nya yung luha niya na patuloy bumabagsak.



"Sana pala sinabi mo sakin agad, para nainform naman ako..". Ngumiti na naman sya, bigla akong nakonsensya sa ngiting yon..




"Alam mo bang isang linggo ko na yun napapansin? Hindi lang ako nagsasalita, mukha na nga akong tanga e. Paano ko nalaman? Nakita ko sa cellphone mo. At naconfirm ko yon kay Shane na nagkakatext kayo. Bakit naman ganon.. nahihirapan na ko Owy.. Akala ko pa naman ikaw yung makakapagpasaya sakin. Hindi pala...". Napailing nalang sya. Bigla ko syang niyakap ng mahigpit.







"No.. sorry! Ssh..tahan na. Hindi ko man lang napansin na nahihirapan ka na.. sorry, imbis na nagtutulungan tayo lalo pa kita sinasaktan at pinapahirapan. Sorry Juba, sorry wag ka na umiyak mahal ko. Sshh..tahan na please?". Lalo naman syang naiyak.




Ayokong nakikita syang nagkakaganto dahil sakin, pero mas ayokong nakikita syang ganito dahil nahihirapan at nasasaktan sya kay Ranz. Nangako ako sakanya, pero nabalewala ko yung pangako na yun. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pati rin naman ako nahihirapn at nasasaktan..






"S-sabihin mo lang sakin kung babalikan mo pa sya. Para naman hindi na ko magmukhang tanga. Para din pati ikaw kalimutan ko na..". Nanlambot ako sa huling sinabi niya, pero lalo ko syang niyakap ng mahigpit.





"No! Ayoko.. ayoko pleasee.. hindi ako papayag na pati ako kakalimutan mo. Ayoko Jubail..".






"Pwes, kung ayaw mo tigilan mo yang kalokohan mo..". Hinampas niya yung dibdib ko. Galit talaga sya..





"Opo, ititigil ko na..pangako. Wag mo lang ako iwan, mahal kita Jubail.. mahal na mahal.". Ngayon ko lang napansin na umiiyak na din pala ko. Mababaw lang luha ko pagdating sa ganito. Humiwalay sya sakin ng yakap at tumitig sa mata ko.





"Siguraduhin mo!". Sinuntok niya ko ng malaks sa braso.




"Ouch! Malakas yun ah!". Nagpout ako. Pinunasan ko yung luha niya.




"Kulang pa yang sakit na yan sa nararamdamn ko dahil sayo!". Hinalikan ko sya para tumahimik na sya. Nubg una hindi sya tumugon, pero sa huli naramdaman ko na yung labi niya.



Itong babaeng hinahalikan ko ngayon..
Hindi ko kayang mawala.
Hindi ko na hahayaan na pati sya mawala sakin..

Itong babaeng to ang dahilan kung bakit tumatawa ako kapag malungkot ako..

Si Jubail Silvestre, yung una palang minahal ko na bago si Shane..
Hindi ko na hahayaan na masaktan at umiyak pa sya. Dahil sakin at dahil kay Ranz..

I will do everything, makalimutan ko lang si Shane para sayo.






Humiwalay kami sa isa't isa at tumingin sa mata.





"I love you Owy Posadas.." napangiti ako..




"I love you more Jubail Silvestre..". Napangiti din sya. At niyakap ako ng mahigpit.
















THE END!



















JOOOOKKEEEEE! ^_______^V






-----------

Vote.. Comment.. Share.. :)

@SuperJubsBell

My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora