Chapter 26- "TANGA"

31 6 0
                                    


   >>OWY'S POV<<

Pag gising ko lumabas agad ako ng kwarto para dumiretso sana sa kitchen. Kaso nakita ko si Jubail sa sofa, natutulog? Dito lang siya natulog sa sofa? Babaeng 'to tsk!

Nilapitan ko siya at tinitigan.

"Bakit dito ka natulog babaita ka? Anlamok dito eh!"

Hinaplos ko yung mukha niya.

"Hmm, namiss kita. Kahit hindi tayo gaanong okay pumunta ka pa dito at inalagaan ako. Salamat."

Napangiti ako at hinalikan ko siya sa noo. Bago ako dumiretso sa kitchen inayos ko muna yung kumot niya at hinalikan ko ulit siya sa noo.

Pumunta na ko ng kitchen, ipagluluto ko siya ng breakfast para pambawi ko naman sakanya.

After 25 minutes, natapos na ko magluto at maghain, sakto naman at gising na siya. Nakaamoy haha!


"Goodmorning. Lika na dito, nagluto ako ng breakfast. Dito ka na kumain."-sabi ko ng nakangiti. Bumangon naman siya at nilapitan ako.

Hinawakan niya ko sa noo at leeg ng nakakunot ang noo. "Hoy! Loko ka ha magaling ka na ba at nagmamagaling ka na magluto diyan?!"- nginitian ko siya.

"Magaling na po ako Ms. Sunget kulet. Magaling yung nurse ko eh."-nag wink ako sakanya. Napangiti naman siya.


"Sigurado ka ha? Okay ka na. Eh yung puso mo? Okay ba?."


Biglang napawi yung mga ngiti ko sa labi dahil sa tanong niya. Umiling naman ako.


"Ito?." Tinuro ko yung puso ko. "Never na ata magiging okay 'to. Gago kasi yung may ari na 'to! Tanga tanga!"


Ngumiti siya. "Masyadong nega yung may ari ng puso na yan! Ikaw pa ba? Kaya mo yan magiging okay ka din. Kaen muna tayo, tapos mamaya mag uusap tayo ha?" Tumango ako at naupo na kami't kumain.


-


Nandito kami sa pinto ng bahay namin nakaupo kami parehas. Dito pa talaga  natripan umupo ano? Maganda kasi makakalanghap ng hangin, sa likod pala 'to ng bahay namin.

"Kumusta ka na? Ngayon lang ulit tayo nagkasama ha?" Pagbubukas ko ng topic.

"Eto okay lang, humihinga pa. Kems! Haha. Pano tayo magkakasama eh iniiwasan mo nga ako, pati si Shane lagi kasama mo." Paliwanag niya. Hinawakan ko yung baba niya at pinatingin sakin.

(a/n: 'kems' parang 'joke'. Ganern!)


"Sorry.. Nasaktan kasi ako nung binalikan mo siya. Kaya umiwas ako sayo. Ang galing ano? Lagi ako iniiwan ng mga mahal ko. Ha.ha." Fake kong tawa. Bigla naman niya ko niyakap ng mahigpit, tumulo naman yung luha ko.


"Sorry. Di ko sinasadya, di naman ito yung issue ngayon. Kundi yung sa inyo ni Shane. Owy, kapag gusto mo ng makakausap o malalabasan ng sama ng loob andito lang ako. Sa ngayon iiyak mo muna yan lahat. Para gumaan naman yung nararamdaman mo. Alam ko masakit pa din para sayo yung nangyari sa inyo. Pero kasi kailangan mo tanggapin yan. Oo, may alam ako sa pagtatago niya sayo ng totoong age niya. Di ko sinabi sayo kasi ayoko makialam."

"Nung una palang sinabihan ko na naman siya, na sabihin sayo agad. Kaso hindi niya ko pinakinggan. Sorry di ko sinabi sayo. Ayoko lang madamay sa kasinungalingan ng pinsan ko. Ako na nagso sorry sa ginawa niya." Paliwanag niya, nakinig lang ako sa sinasabi niya, naramdaman ko umiiyak na din siya.

"Alam mo, okay lang naman sakin kung hindi niya sinabi sakin yung totoong age niya. Tatanggapin ko pa naman din siya kasi nga mahal ko siya. Kaso hindi niya ko pinaglaban sa Papa niya." Pinunasan ko yung luha ko. At iniintay niya yung kasunod na sasabihin ko.


"Nakakatawa lang isipin na makikipagkita siya sakin, tapos makikipaghiwalay na pala siya nun ng hindi man lang ako nainform."


"Ano yun basta basta nalang niya ko iiwan? Alam mo yung feeling na iniwan ka niya mag isa sa gitna ng daan. Di mo alam kung nawawala ba siya o iniwan ka lang talaga niya. Pero iniwan niya ko eh. Hindi pwede 'to! Kailangan ko siya makausap, di niya ko pwedeng iwan pupuntahan kn siya!"

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at akmang  tatayo na ko nang hawakan niya yung kamay ko.

"Wag ka ngang tanga Owy! Iniwan ka na nung tao, ipag sisiksikan mo pa yung sarili mo sakanya? Pabayaan mo nalang siya, wag ka ng magpakatanga dun please?" Tinitigan ko siya sa sinabi niya.


"Bakit Jubail? Ikaw din naman nagpapakatanga kay Ranz ha? Diba tama ako? Kaya hayaan mo din ako magpakatanga kay Shane!" Bigla niya ko hinila at niyakap ako ng mahigpit.


"Owy.. . Tama na pleasee? Ayokong nagkakaganyan ka, pagnasasaktan ka, mas nasasaktan ako. Pabayaan mo na si Shane, andito naman ako eh. Hindi kita iniwan at hindi kita iiwan. Tama na ha?"

"Jubail.. Paano si Ranz? Diba kayo ulet?" Humiwalay siya sa pagkakayakap, hinawakan niya yung mukha ko at tinitigan ako.


"Bigyan mo lang ako ng konting panahon. Iiwan ko siya para sayo.. . Para sayo Owy.. . ."

-  -  -  -  - >

A/N: HAPPY 1K!! Yiipee umabot din ng 1k after 100years. Kems! HAHA. Thank you readers! Pasupport pa din nito. Love you guyth! :-*

Leave your Comment. Vote @ Share. :-)

@SuperJubsBell<3

My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora