JUBAIL'S POV
Nandito kami ni Owy ngayon SHUniversity. Since college na kami at malapit na ang pasukan. Sabay kaming magpapa enroll. Ang course namin dalawa ay HRM. Mahilig kami magluto at kumain na dalawa kaya, we decided na ito nalang ang kunin naman na course. Nakapasa naman kami non sa entrance exam. Pangarap kasi namin ni Uway na magtayo someday ng Hotel/ Restuarant or bakery shop mga ganon ba. Naiimagine ko na nga kapag nagkatuluyan kami in the future.
Pero bago yun kailangan munga namin mag move on, mag aral, magsikap haha!"Oh ayan! Tapos na tayo mag enroll Uway. Finally!". Mukhang hindi niya ko nadinig, kasi hindi sya sumagot. Busy sa pagtetext?
"Owy?!". Hindi niya pa din ako pinapansin. Mukhang seryosong seryoso to sa katext niya ah? Sino kaya yon?
Lumapit ako ng onti para tingnan kung sino ba yung pinagkakaabalahan niya. Nang malapit ko ng masilip. May nabasa akong name at bigla niya itong itinago sa likod niya.
Bigla akong nanlambot..
"Ahm, ano ulit yung sabi mo? Hindi ko kasi nadinig e.".
Paano mo madidinig, busy ka sa pakikipagtext sa kanya. <\3
Kaya pala, kaya pala busy sya sa pagtetext at hindi ako pinapansin,kasi si Shane yung katext niya..
Yun yung nakita ko sa phone niya. Hindi ako pwedeng magkamali, kasi isang Shane lang naman yung kilala niya.Yung ex niya.. yung pinsan ko.. yung mahal niya.. <\3
"Uy! Okay ka lang ba? Bat parang namumutla ka??". iniwas ko yung tingin ko sakanya.
"A-ah. Ha? Hindi ah, sabi ko gusto ko na umuwi. Tara na?".
"Akala ko ba manonood pa tayo ng sine? Bakit uuwi na tayo?". Ngumiti ako ng pilit.
Eh kasi sigurado naman buong panonood ng movie, wala sa movie at sakin yung atensyon niya. Kundi dun sa katext niya..
Lalong bumigat yung pakiramdam ko sa naisip ko.
"Next time nalang, nawala na ko sa mood. Masama pakiramdam ko..". Pagdadahilan ko.
Sa totoo lang, kaninang umaga pa sya text ng text. So it means, simula kaninang umaga magkatext na sila? Eh tanghali na ngayon. Ano bang pinag uusapan nila??
Kinagat ko yung lower lip ko para hindi tumuloy yung luha ko. Pleasw not now.
"Ah o sige. Mukha ngang hindi ka okay. Tara hatid na kita, para makapagpahinga ka.". Tumango nalang ako, tapos nagtawag na sya ng taxi.
Simula school hanggang makarating kami samin text pa din sya ng text. Ni hindi niya ko kinakausap buong byahe. Pagmapapalingon ako sa cellphone niya, bigla niya nililipat sa games. Halatang may tinatago..
"Oh pano? Una na ko ah? May gagawin pa pala ko. Magpahinga ka nalang dyan.". Tumango ako, bago siya umalis hinalikan na muna niya ako sa noo.
Nang makatalikod sya sakin bigla niya kinuha ulit yung cellphone niya sa bulsa. Magtetext na siguro ulit sila.
Biglang tumulo na yung luha ko habang pinapanood syang naglalakad palayo..
Ano ba talagang pinag uusapan nila? Magbabalikan na ba sila ulit? Iiwan na ba niya ko, tapos babalik sya kay Shane? Narealize ba niyang mas mahal at mas masaya sya kay Shane kesa sakin? Haay..nakaka stress. AKala ko makakapagrelax ako ngayong araw, hindi pala. Madadagdagan pa pala yung problema at iniisip ko.
Sana lang mali lahat ng hinala ko..
-
After a week..
JUBAIL'S POV
Ganon pa din yung mga nangyari. Lalo lang nadadagdagan yung problema ko. Paano ba naman si Owy lagi pa din nya hawak yung phone niya at may katext. Si Shane na naman ba? Minsan gusto ko na syang tanungin, kaso baka mag away lang kami. Ugh! Ayoko ng mag isip! Pagod na pagod na yung utak ko!
"Jubail, iniisip mo na naman ba sya?".
"Huh? Sino?". Tanong ko kay Shane. Oo si Shane bumisita dito, nabobored na daw kasi siya sa bahay nila.
"Si Ranz.. bakit may iba pa ba?". Bigla naman ako kinabahan.
"Huh? Wala ano.. oo iniisip ko pa din sya e. Actually namimiss ko na sya..". Pagsisinungaling ko.
Biglang nagvibrate yung cellphone niya. Tapos sumilip ako ng konti at parang name ni Owy yon.. :(
Nakangiti sya habang nagtetext. Hindi ko na kaya, kailangan ko na makasigurado kung nagkakatext pa nga sila ni Owy..
Pinilit kong maging masigla.
"U-uy! Nakangiti ah.. s-sino ba yang katext m-mo?". Nagulat naman sya sa tanong ko. Siguro naman sasabihin niya sakin diba?
"Huh? Eto? Si ano.. si Owy..". Bigla syang ngumiti, ako naman nanlambot..
Sabi ko na tama ako e.. gusto kong maiyak.
"Ah.. k-kailan pa kayo magkatext n-ni Owy?". Pinilit ko ngumiti.
"Ahm, siguro one week na kami magkatext ngayon.". Sabi niya, then tumingin na ulit sa phone niya.
Lalo naman bumigat yung pakiramdam ko sa nalaman ko. Tama nga, kapag ang babae kinutuban madalas totoo..
"K-kamusta naman kayo? Anong pi-pinag uusapan niyo?". Lulubusin ko na yung tanong. Kahit ayoko malaman yung sagot. Pero kailangan.
"Ayun, okay naman. Namimiss na daw niya ko. Haay couz'.. namimiss ko na din sya.".
Ouch..
"Tapos sabi pa niya gusto daw niya ko makita. Kinikilig ako pinsan!". Ramdam ko yung luha ko tutulo na. Kinagat ko yung lower lip ko.
"Ah hehe. M-makikipagkita ka?". Lalo pang lumawak yung ngiti niya.
"Baka couz', gusto ko na din kasi siya makita e.". May lungkot sa mga mata niya kita ko yun!
Kriiiiinngggg...
Dinampot niya yung phone niya at tumayo.
"Oy pinsan una na ko ha? Si papa tumatawag e, next time nalang bye!". Tumango nalang ako.
Pagka alis niya nag uunahan tumulo yung luha ko..
Gaguhan ba tayo Owy? Kung yan gusto mo. Pagbibigyan kita..
Damn!
-------
Ongoing na itong sotry. Haha! K. Thank you for reading. I love you!
@SuperJubsBell
YOU ARE READING
My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?
Random-PROLOGUE- "I love her, kahit bestfriend ko pa siya, kahit girlfriend man siya ng kaibigan ko.. I will do everything, maging akin ka lang.. YOU'RE MINE!" - Owy Posadas "Mahal ko siya, kahit boyfriend pa siya ng pinsan ko.. kahit bestfriend ko siya...