Chapter 22- ".SHANE'S REVELATION. O___o"

33 7 2
                                    

>> SHANE'S POV <<

Muling nagflashback na naman sa isip ko yung nangyari kahapon, nung nagpunta ako sa Office ni Papa para bisitahin sana siya.

  ~FLASHBACK~

Pagdating ko sa Office ni Papa nagpunta agad akong cr. At iniwan ko yung phone ko sa table ni Papa. Iniwan ko kasi wala naman si Papa, pati hindi naman siguro magtetext si Owy dahil alam ko tulog pa yun babe tamad ko.

After 5 minutes natapos na ko mag cr, pagbalik ko dun nakita ko andun na si Papa, nakatalikod sakin.

"Hi Pa! Kakadating ko lang po nag cr lang po ako."- bati ko kay Papa at kiniss ko siya sa pisngi. Ganto ako pag aalis o dadating dito pa sweet lang haha! Joke.


"Sino si Owy?"- biglang tanong ni Papa na ikinabigla ko naman. Bigla ako kinabahan, agad kong naalala na yung phone ko nasa ibabaw ng table niya. Kaya kinuha ko agad yun at pinamulsa.


"P-po? A-ano po k-kaibigan ko. Barkada po. B-bakit po?"-kinakabahan at nauutal kong sabi.

Shems! Pinapawisan na ko ng butil butil dito sa sobrang kaba, kahit malakas na ang Aircon, para na kong maiihi. Waaah!

"Hindi mo siya kaibigan lang. SINO SI OWY?!!"- napataas na yung boses ni Papa, kaya naman napaatras ako sa sobrang takot ko.

Huhu! Nakakatakot si Papa, ano sasabihin ko?? What to do! What to do! Please help me Looord! . . . .

"Pa. K-kaibigan ko nga lang po si O-wy.. ."-bigla nya kinuha sa bulsa ko yung phone ko na di ko pala naisuksok ng mabuti sa bulsa ko. May pinindot siya at may pinakita sakin.

"AYAN! BASAHIN MO YUNG TEXT SAYO! KAIBIGAN BA YAN??! NAG A I LOVE YOU SAYO?! BABE PA ANG TAWAG?! KELAN KA PA NATUTONG MAGSINUNGALING SAKIN SHANE HA?!! SAGOT!!"-lalo na kong natakot kay Papa, ngayon nalang ulit siya nagalit sakin ng ganito.


Tumulo na yung luha ko sa sobrang takot. At halo halong emosyon. Sinubukan ko ulit makapag salita.

"P-pa.. S-sorry po. Sorry. ."-sabi ko habang humihikbi. Hindi ako makatingin kay Papa ng diretso, pero siya damang dama ko yung tingin niya sakin na parang konti nalang masasampal na niya ko sa sobrang galit. Pero di ganun si Papa, di niya ko kayang saktan. Baka ngayon palang.

Bumuntong hininga siya. At mukhang pinipigilan yung galit. Pa, sorry.

"Diba sabi ko sayo na bawal ka pa mag boyfriend?! Eh ano 'tong kalandian mo na 'to?! Shane! Ang bata bata mo pa para sa ganyan! Diba sabi ko sayo na studies muna bago boyfriend?! Pero ano? Sinuway mo ko?? Sinusuway mo na ko ngayon?? Di mo lang ako sinuway, nagsinungaling ka pa sakin! Oras na hindi mo hiwalayan yang Owy na yan?! Hindi ka talaga mag aaral na! Itigil mo yang kaartehan mo Shane ha! Itigil mo yan!".

~END OF FLASHBACK~


Ngayon hindi ko na alam yung dapat kong gawin, kailangan ko sundin si Papa. Dahil si Papa may isang salita. Ayoko mahinto sa studies. Mahal na mahal ko si Owy pero kailangan ko gawin yung gusto ni Papa. Sana maintindihan niya ko. Hindi kami legal ni Owy kaya ganun magalit si Papa. Ayaw din niya na mag boyfriend pa ko kasi nga bata pa daw ako, at totoo naman yon. Di ko naman kasalanan na mainlove agad sa ganitong age ko. Gusto ko lang naman maranasan kung ano ba feeling pagmay boyfriend, pero alam ko masyado pang maaga para sa dito at bata pa ako para pumasok sa ganitong relasyon.


Kaya eto magmimeet kami ni Owy sa meeting place namin, sinabi ko sakanya may kailangan kami pag usapan na dalawa at importante iyon.

My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora