Chapter 9

1.6K 54 26
                                    

Chapter Nine

And after all this time, I'm still into you.

-Skye's POV-

"99.99% ng tao, gusto ng happy ending." Clarice blurted habang nagsusulat ako ng notes.

Kanina pa kaming nasa library pero eto sya, kanina pa ring dada ng dada tungkol sa kanyang love facts. Palagi nya na lang binalik ang mga bagay na hindi na dapat balikan. Katulad nung amin ni Xander, palagi nya akong inaasar dun sa Ex kong 'yun.

Imbis na tulungan nya akong mag-move on, lalo pa nyang pinapalala ang sitwasyon eh. Kelangan daw maisagawa nya ang mission nya. Operation: Reunite SkyDer. Alam ko namang may sapak sya kaya hinayaan ko na lang.

"So anong ibig mong iparating dyan sa 99.99% mong 'yan?" ibinaba ko ang ballpen ko sa lamesa at tumingin sa kanya.

"Ikaw lang ang ayaw ng happy ending para sa inyo ni Xander." prangka nyang sabi.

Happy ending? Haha. Magkakaroon ba ako ng happy ending kung sa maling tao ako napatapat? At isa pa, matagal na kaming tapos. Matagal na kaming may ending. At hindi happy ending ang tawag dun.

"Happy ending samin ni Xander? Haha," napatawa ako ng bahagya at umiling. "Matagal nang tapos. Matagal nang may ending ang love story namin, Clarice." isinara ko na ang notebook ko at tumayo kaya tumayo na rin sya.

Sabay kaming naglakad palabas ng library. Hay, babalik na naman sa room. Makikita ko na naman si Xander. Sa totoo lang, lalo akong naiilang sa kanya eh.

Iba kasi syang kumilos. Parang... ugh basta!

"Alam mo 'yung tinatawag na part two? Yun. Magkakaron ng part two 'yang love story nyo, Skye. Isn't that exciting?" pumapalakpak pa sya habang nakatingin sa taas. Parang ang dami nyang pinaplano, natatakot ako.

Nauna na syang maglakad pabalik sa classroom at naiwan na lang ako dung nagtataka. Kinakabahan ako sa Operation: Reunite SkyDer nya eh. Tsk.

Kung walang bagong girlfriend si Xander, baka kahit fifty percent, maisakatuparan nya ang mission impossible nya. Pero hindi eh.

Bakit ko ba ipagsisiksikan pa ang sarili ko sa taong alam kong sa iba na masaya?

Binagalan ko na lang ang lakad ko sa corridor, for sure late namang magsisimula si Ma'am, eh ayaw ko namang tumambay sa room 'no. Kung ano-ano lang ang maririnig ko dun.

Sa paglalakad ko, may kamay na biglang umakbay sa akin. "Babe, andito ka lang pala eh."

Unti-unti akong napatingin kung sino 'yon. Tsk tsk. Sya na naman. Kung anu-ano na naman ang pumapasok na kalokohan sa isip ng lalaking 'to.

"Ano na naman---"

Napatigil ako nang makita kong umiiyak yung babae sa harap namin. As in yung iyak talaga na may sound, kulang na lang tumulo ang sipon nya.

Natameme ako sa sunod-sunod nyang hikbi.. yung para bang pinapanood mo lang syang umiyak pero naiiyak ka na rin. Teka nga muna, bakit ba sya umiiyak? Kawawa naman ang babaeng 'to.

*pak*

Nanlaki ang mga mata ko at napasapo na lang ako sa pisngi kong sinampal nung babae. It was my first time.

What the? Ano bang ginawa ko sa kanya?

Magsasalita pa lang sana ako pero naunahan na ako ni Clyde. Hinawakan nya sa dalawang balikat yung babae, "Mia, I'm sorry. You know I did not mean to hurt you. Minahal naman talaga kita, pero sorry. Nawala na talaga 'yung nararamdaman ko sa'yo eh."

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon