Chapter 22

1.1K 34 23
                                    

Chapter Twenty Two

You're still the one.

-Skye's POV-

Kanina pang nakaalis si Xander, siguro ay nasa apat na minuto na, pero heto pa rin ako, tulala sa harap ng bahay namin.

Magpapadala ba ako? Dapat ko ba syang paniwalaan? Sa tingin ko, hindi magandang idea 'yun dahil hindi imposibleng masaktan na naman nya ako. Kahit na valid pa yung reason nya kung bakit nya ako nasaktan, hindi pa rin imposibleng maulit 'yun e.

I siighed, leaving all the bad thoughts as I open the gate. Five days na lang, babalik na naman si Mama sa ibang bansa. Kami na naman ni Clarice ang tira dito at paniguradong pagtitripan na naman ako nun lalo na pag nalaman nya ang tungkol dito. Kinakabahan tuloy ako sa pwedeng planuhin ng babaeng 'yun.

Nang makapasok na ako sa bahay, para akong naestatwa. Pero syempre, mas nakakagulat pa rin 'yung mga pasabog ni Xander kanina kumpara dito. Kitang kita ko mula sa pintong kinatatayuan ko si Mama..at si Papa. Hindi nila ako napapansin dahil na rin siguro sa seryoso nilang usapan. Magpapa-annul na kaya sila? Hay, hindi ko maiwasang maisip ang ganyang bagay lalo na ngayo't may iba nang pamilya si Papa.

"Ma," pukaw ko sa atensyon nila. Lumapit ako kay Mama kasabay ng pagtayo niya saka kami nagbeso. Napatayo din si Papa nang makita nya ako. "Pa," bati ko saka nya ako niyakap.

Pakiramdam ko tuloy, hindi na kami isang pamilya. Andito na kasi 'yung awkwardness, pagkahiya at 'yung para bang 'others' na ang turingan nyo.

"May sasabihin daw ang Papa mo." lalo akong pinagsikipan ng dibdib sa sinabi ni Mama. Ayoko ng mga ganitong tono. Pakiramdam ko bibigay ako.

Inalok ako ni Mama na umupo sa gitna nila kaya naman sumunod ako. Napaka-bigat sa pakiramdam, ngayon na lang ulit kaming tatlo nagkasama ng buo at ganito pa ang senaryo. Maghihiwalay na nga ata talaga sila ng tuluyan.

Magsasalita sana ako para tanungin kung ano 'yun, pero napakagat na lang ako sa labi nang makita ang mga luha na nag-uunahang pumatak sa mata ng ama ko. "I'm sorry. I'm really really sorry. I loved your mother, pero-"

"Naiintindihan ko po." Napatungo ako pagkasabi nyan. Ayokong makita syang umiiyak dahil hindi malabong magpatakan rin ang mga luha ko.

Muli syang humingi ng tawad sa akin tungkol sa amin ni Xander. Nagawa nya lang daw iyon dahil yun ang sa tingin nyang paraan para mapunan ang pagkukulang kay Claire, ang tuparin ang gusto nyang maging sila ni Xander.

Hindi na ako nagmatigas. Para san pa?

Naikwento na nya rin sa akin ang lahat. Kung paano dumating si Claire sa buhay nya. Halos isang taon ang agwat ng edad namin ni Claire. Nalaman kong namatay pala 'yung tumatayong ama nya, yung pinakasalan ng mama nya, nung bata pa lang sya. Nalaman ko ring 'yung mama ni Claire, na si Tita Emma, ay ang first love ng Papa ko.

Pumunta na ako sa kwarto, nahiga na sa kama ko at nag-isip isip.

"OMG!" Halos mapatalon ako sa gulat sa pagsigaw ni Clarice kasabay ng paghampas sa akin ng unan nya.

Eto na naman sya, nagrereact basta basta at manghahampas pa. Dapat talaga dumidistansya ako dito tuwing may hawak na phone, ako ang napapagbalingan eh.

Ibinato ko sa kanya pabalik 'yung blue na unan, "Dadali ka na naman dyan! Problema mo?"

"Si...si.. Jax, in a relationship na ang status." Kung marami lang langaw dito sa kwarto ko, baka nakalunok na sya ng ilan.

Inirapan ko sya, "Si Jax 'yan, Clarice. Para namang NBSG 'yang lalaking 'yan kung makapag-react ka."

"Let me finish first. He's a relationship.. with Claire!" Muli syang nagtatalon ng nakaupo sa kama habang nakatitig pa rin sa phone nya at pati ako, hindi na rin nagpatinag. Kinuha ko rin ang phone ko sa side table at binuksan ang facebook ko.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon