Chapter 25

1K 25 13
                                    

Sorry kung natagalan mehehe. Anyway, comment kayo para malaman ko kung anong saloobin nyo tsarots. Gusto nga rin palang ipromote ang bago kong story entitled HER NOT SO CINDERELLA STORY. Thank you guys!

Chapter Twenty Five

'Cause you're my everything.

-Skye's POV-

Hindi pa kami nakakapasok ay napagpasyahan ko nang wag na lang. Hwag na lang talaga. Sayang yung pagkataranta ko. Sayang yung effort. Sayang ang realizations. Ni hindi man lang ako nakapagsuklay at nakapagbihis ng maayos na damit dahil sa pag aalala ko. Yun naman pala, ayos na ayos sya dito. May kakulitan pa nga eh. Hambalusin ko kaya sila ng oxygen tank dito? Kainis.

"Tara na, Clarice. Walang kwenta lang ang pagpunta natin dito." Hinila ko ang kanang braso nya pero ayaw nyang pahila.

Jimenez, what again?!

Marahan nyang sinara ulit yung pinto ng kwarto ni Xander saka ako hinarap. "You know what Skye, selos lang yan. Wag kang padala. Kakulitan lang yung babaeng yun, ikaw ang mahal."

Sumama ang timpla ng mukha ko sa sinabi nya. Eto na naman sya, paiiralin na naman nya yung 'bestfriend instinct' nya daw. "Tigilan mo ako ha. Hindi ako selos, okay? Walang nagseselos. Hindi mo ba nakitang busy sya?"

Inirapan nya ako at saka bumuntong hininga na parang labag sa loob nya, "Tangina Skye ha, wag mo akong dalihan nyan. Wag kang paapekto, okay? At kung hindi ka talaga nagseselos, eh anong drama 'to? May pa atras atras ka pang nalalaman? At anong balak mo, aber? Uuwi ka?! Girl, gising! Andito na tayo oh. Aalis ka pa ba?"

Okay, ito na naman si Atty. Clarice Jimenez, and I swear kapag nagsalita sya, hinding hindi na ako makakasingit o makakatanggi.

"Fine," pagsuko ko. "Panalo ka na!"

Binigyan nya muna ako ng halos ilang segundo para huminga saka nya tuluyang binuksan ang pintuan.

Sumalubong sa amin ang gulat na mukha ni Xander tsaka nung babae. Napatigil sila sa pag uusap. Ngayon ko lang nakita nang malawakan yung kwarto kasi silip lang naman yung ginawa namin kanina. Malaki. Kung tutuusin, mukha syang malaking condo unit na may hospital bed at may kung anong apparatus. Mayaman naman ang pamilya nya, hindi na ako magtataka.

"Ahm, nag-alala kami sa'yo ni Skye. Kumusta ka?" Mabuti na lang at nagsalita si Clarice dahil kung hindi, magkakaron na naman kami ng titigan contest ni Xander.

Mukhang nakaramdam yung babae kaya naman agad syang tumayo mula sa pagkakaupo nya sa dulo ng kama ni Xander at lumipat sa may sofa habang binibigyan kami ng isang ngiti.

"Over fatigue lang," habang sinasabi nya yan, sa akin sya nakatingin dahilan para mag-iwas ako. I'm an awkward person, just so you know. Kahit na nasa 'panliligaw stage' sya sakin, hindi pa rin nun mababago ang katotohanan na ex ko sya.

"Pagaling ka kaagad." Saad ko na sya namang binigyan kaagad ng meaning nitong si Clarice. Tanga lang.

"Guys, I think, kailangan nyo munang mag-usap. We'll give you a moment." Tiningnan ni Clarice yung babae saka nya ito nginitian. Ano bang problema nya sakin? Alam kong nasa iisang barkada kami ni Xander, pero hello naman oh, ako ang bestfriend nya. Ano 'to, favoritism?!

Sabay naman silang lumabas nung babae. Still, hindi ko pa rin alam ang pangalan nya at kung anumang relasyon nya kay Xander. Kung anuman, bahala na. Wala na akong pake.

"Kumusta na ang paki--" Again and again, pinutol nya ang sasabihin ko. Mr. Intruder talaga.

"Sorry, hindi na kita nasundo kanina."

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon