Chapter 11

1.4K 40 28
                                    

Chapter Eleven

And I thought this love would never end.

-Skye's POV-

"I'm a bit jealous."

Napatawa ako at napailing, "Saka ka pa talaga may pinagselosan nung wala na tayo ha?" diretsahan kong sabi.

Kanina pa kaming nasa harap ng bahay namin pero hindi pa rin kami lumalabas. Looks like we're gonna have a serious talk, huh?

Masyadong prangka ang mga tao sa paligid, minsan nga mas gusto ko pang kimkimin na lang nila ang nararamdaman nila kesa naman ganito.

May girlfriend na sya yet nakakapagsalita pa sya ng ganito? Isn't this called betrayal? Pati ako mapapahamak sa ginagawa nya.

"That's why I'm telling you this," nakangiti lang sya habang nagsasalita. "I'm afraid you'll fall from other guys lalo na't wala akong karapatan para ipagdamot ka."

Nanahimik kami ng ilang segundo. Hindi ko sya maintindihan. Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari.

Ano bang ibig nyang sabihin?

Hinarap ko sya at tiningnan sa mata, "Bakit ka ba ganito, Xander? Ano bang gusto mong iparating? Ano pa bang gusto mo? Wag ka namang selfish! Gusto na kitang kalimutan, alam mo ba 'yun? Pero hindi ko magawa kasi you keep on telling me these shts! At baka nakakalimutan mo, iniwan mo ako at may girlfriend ka na!"

Punong puno na talaga ako kaya nasabi ko sa kanya ang mga salitang 'yan. He's really unfair and selfish. Hindi na nya ako binigyan ng chance para maka-move on.

"Oh baka naman kaya mo nasasabi ang mga 'to para maibalik ang tiwala ko sa'yo? Sorry to say, hindi na ako madaling magtiwala. Hindi na ako ang Skye na madaling magtiwala at mauto." dagdag ko pa.

Trust? He's asking for my trust? Trust his face!

"It's not about the 'trust' thing," he denied. "It's about us."

Aba! Sa pagkakaalam ko matagal nang walang 'us', at sya ang sumira nun.

"Us?! Walang 'us'!" I shouted.

For Pete's sake, hindi ko na alam ang gagawin sa lalaking 'to.

Hindi ako gamit na iiwan sa baggage counter at pwedeng balikan na lang kahit anong oras nya gustuhin.

Tao ako, nasasaktan din.

"I know you're really mad at me," napatungo sya pero binawi nya rin ito at tumingin sa akin. "Pero kelan mo ba ako mapapatawad?"

Kelan nga ba? Hindi ko talaga alam eh. The pain never left me everytime I see him, everytime I hear his name, same as the anger. Lagi 'yang nakabuntot.

"Mapapatawad kita, mapapagod rin ako sa paglipas ng panahon at alam kong makakalimutan rin kita pati na rin ang lahat sakit na dinulot mo sa akin," I smiled at him, a weak one. "Pero hindi sa ngayon Xander. Not now or the coming days to come. Siguro naman ayos na sa'yo kung pagbibigyan mo ako ng ilang buwan?"

"Don't give up, Skye. Don't forget me." I heard his voice cracked.

Why is he being like this? Ayoko ng ganito ha! Baka mamaya magbreak yung dalawa dahil ko. Magiging sulutera pa ako pag nagkataon.

"May girlfriend ka na, don't dissapoint her. Give her the love you failed to give me." masakit man sa loob, pero 'yan ang tama at dapat gawin.

"She's just my girlfriend, nothing more," naka-half smile lang sya habang sinasabi nya 'yan. "But please Skye, 'wag mo akong susukuan. 'Wag muna."

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon