Chapter 21

1.1K 35 29
                                    

Chapter Twenty One

You're gonna feel the love that's beautiful and new.

-Skye's POV-

"Shh. I love you too, Skye."

Automatic kong nabitawan ang bag na kanina ko pang pinipilit isakbat. Unti unti kong isinaisip ang mga salitang sinabi nya. Those words...

It felt so good to hear. But I know, it was wrong. He's committed and yet, he could say those magical words to me?

At teka nga.. Bakit may 'too'? Did I say I love him? Gahd, this conceited man never changed.

"Tumigil ka nga, Xander! Hindi ako nakikipag-biruan sa'yo," buong pwersa kong inalis ang pagkakahawak nya sa akin at pinulot ang bag ko sa sahig.

Pagkainis. 'Yan ang nararamdaman ko ngayon. Imbes na matuwa ako dahil 'yan ang mga naririnig ko sa kanya, lalo nya lang akong binibigyan ng dahilan para kagalitan sya. Pinapagulo nya lang ang sitwasyon, ni hindi nya man lang naisip na maaari akong masaktan at umasa sa mga sinasabi nya.

"Skye, makinig ka muna," sabi nya sa isang nakakaawang tono at hinawakan ang kaliwang kamay ko na para bang nagmamkaawa. Kulang na lang siguro ay lumuhod sya para pakinggan ko sya.

Di ko maiwasang mapatingin sa kamay nya--namin. Para bang.. nakakamiss. Yung mga alaala at pinagsamahan, bumabalik. Pero hindi. Hindi ako dapat magpadala dahil lang sa nararamdaman ko. Marami akong dapat isa-alang alang.

Masarap sa pakiramdam.. pero alam kong hindi ito tama. Mabilis kong hinila pabalik ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon nya, unti-unti syang napatungo. Nasaktan ko ba sya? Siguro nga.

Para pambawi sa ginawa ko, hinampas ko ng mahina at pabiro ang braso nya, "Tigilan mo na nga 'yang kalokohan mo. Sige na, uuwi na ako," I said in a friendly tone. Ayokong isipin nya na sineseryoso ko masyado ang sinabi nya sa akin. Gusto kong isipin nya na hindi na ako affected.

Hahakbang na sana ako palayo sa kanya pero nagulat, napatigil at napatahimik ako sa pagsigaw nya, "I'm f.uckin' serious here, Skye! Stop pushing me away," punong puno ng emosyon nyang sabi.

Napakurap ako ng dalawang beses habang nakatingin sa kanya. Ngayon ko lang sya nakitang ganito. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan at matakot sa pinakita nyang 'yon.

Oo, nagkakaaway kami noon pero hindi sya nagsasalita ng ganito kaseryoso. Bahagya tuloy akong natakot sa kanya.

"Bakit.. Bakit ka ba kasi nagsasalita ng ganyan? Pinapalayo na nga ako ng--" pinutol na naman nya ang sasabihin ko. Naging habbit na nya 'yun tuwing magkakausap kami. Palagi na lang syang sumisingit.

"Wala na kami," seryoso pa rin nyang sabi. Pakiramdam ko'y nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi nya.

Hindi ko tuloy kung dapat ba akong magdiwang o ano. Gulong gulo na ako. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar, hindi ko na rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Kelan? Paano? Sinong nakipaghiwalay? At anong rason? Yan ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko. Pero hanggang isip na lang naman 'yan, hindi 'yan kayang ibuka ng bibig ko. Ayoko namang masabihan ng pakialamera.

Napasinghap sya saka nagsalita, "The day before your birthday, that's the day when realization hit me to stand for something. For someone. Hindi ko naman gustong saktan sya, pero ayaw ko na ding patagalin pa dahil alam ko namang simula pa lang, wala na." Saad nya na para bang nabasa nya lahat ng tanong sa isip ko.

Sa mga sinabi nya, wala akong naintindihan. Tanging kung kelan lang sila naghiwalay, 'yun lang ang naintindihan ko. Yung pahuli nyang sinabi? It just puzzled my mind.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon