Chapter 4

1.6K 60 37
                                    

Chapter Four

I'm not the one you needed.

-Skye's POV-

"Can I take your order, Ma'am?" may lumapit sa aking waitress.

"Ah. Hindi, mamaya na lang. May hinihintay pa kasi ako eh." sagot ko sa kanya.

Halos thirty minutes na akong naghihintay para dun sa Ethan na yun. Ay ewan! Kahit kelan talaga wala ng matino sa naka meet up ko. Ngimay na ngimay na ang pwet ko dito! Tagal ko na rin kayang naka-upo.

Mas okay pa sakin ang kuripot e, wag lang talaga ang late. Ayokong pinaghihintay akong mag isa. Duh? Halos lahat ng nasa restau na ito ay couples! Ako lang ang nganga ditong kanina pang naghihintay.

"Miss may kilala ka bang Skye?" may lumapit sa aking lalaki. Nasa 5'8 ang taas.

Skye daw? Ako yun ah? Siguro sya yung makakadate ko.

Dahil late sya, pagtitripan ko sya hehehe. "Hmm. Wala eh. Bakit?"

"Sya kasi yung makakadate ko. Nalate ako ng dating eh. Siguro umalis na sya. Sige, salamat na lang." tumalikod na sya.

Confirmed! Sya nga yung makakameet up ko! Himala naman at hindi nya man lang ako sinearch sa FB.

"Wait!" napalingon sya sa akin. "Samahan mo muna ako." tuloy ko pa.

"Ha?" bumalik sya sa kinaroroonan ko.

"Y-yung date ko kasi, hindi na ata dadating." palusot ko. Hehe.

"Ah ganun ba? Sige. Tutal, nilayasan na rin naman ata ako ng date ko." sagot naman nya.

Aba! Nilayasan daw? Hoy fyi! Andito ako sa harap mo.

"Haha. Hayaan mo na sila. Malay mo, sila ang magkasama ngayon."

"You're funny." sabi nya sabay tawa.

Maya maya pa ay dumating ulit yung waitress para kuhanin ang order namin! Oh ha? May date na ako haha.

Konti lang ang inorder ko kasi hindi naman talaga ako pala-kain. Lasagna lang, solve na ako.

"Ang konti mo palang kumain. Swerte ng magiging boyfriend mo. Tipid." napatawa ako sa sinabi nya.

"If that's a compliment, well then, thanks."

Lumabas na kami ng restau at naglakad lakad. Ayos syang kasama. Sa lahat, sya ang pinakamatino.

"Bakit mo naisipang makipag date dun sa Skye?" tanong ko.

"Si mama lang naman ang mapilit. Lagi na lang akong pinagtulakang mag-girlfriend."

"Ahh." akala ko trip nya lang. Hmm mukha nga syang good boy.

"Boyfriend mo ba ang hinihintay mo kanina?"

"Hindi ah, wala akong boyfriend." he's funny too haha!

"NBSB?" tanong nya uli.

"No. Nagka-boyfriend na ako." maikling sagot ko.

"So... why did you break up?" Ayos na sana, chismoso nga lang sya. Joke lang. Alam ko namang gusto nya lang makipagkaibigan.

"Umayaw sya. Ewan ko kung bakit." nag shrug ako habang sinisipa ang mga batong nadadaanan ko.

"Sorry to hear that."

"Okay lang, di ko naman sya mapipigilan kung mawala na talaga ang feelings nya." napatawa na lang ako.

"I guess mahal mo pa rin sya." sagot nya.

What the?! Bakit ba lahat na lang sa paligid ko, sinasabing mahal ko pa sya? Isn't it clear to them? I MOVED ON!

"I don't know why you guys kept on telling me na hindi pa ako nakakapag-move on."

"Yan ang tinatawag na... tulak ng bibig, kabig ng dibdib."

"Ewan ko sa'yo. Haha." inirapan ko sya ng pabiro.

"Teka nga, ano ba munang pangalan mo?"

"I'm Skye. Skye Torralba." ngumiti ako at halata namang gulat na gulat sya. "Sa susunod kasi, wag kang pa-late late para wag kang mapagtripan. Osya, sige na. Bye Ethan." I waved him goodbye.

Tinalikuran ko na sya at nagsimula ng maglakad.

Medyo madilim na. Hmm. San kaya ako pupunta?

Ayokong umuwi. Ngayon ang blessing ng bahay nina Xander kaya may handaan ngayong gabi at pustahan pag umuwi ako, papupuntahin lang ang ako ni Tita Kris dun.

Wait, di ako umiiwas ha! Ayoko lang talaga ng mga ganun. You know, laging awkward ang mga tao sa paligid. Di nila matanggap na naka move on na ako. Bakit ba?! Si Xander lang ba ang may karapatang mag move on at sumaya?

Pano naman ako? Lagi na lang ba ako yung iwan? Ako yung api?

Pero no choice, pagod na rin ako.

Pumunta na lang ako sa may labas ng mall kung saan dun dumadaan ang mga taxi. Wala ang driver namin e, day off.

Naupo muna ako sa sidewalk habang naghihintay ng masasakyan.

Dapat pala nagpahatid na lang ako kay Ethan. Haha joke lang, sobra na ako. Pinagtripan ko na nga yung tao, magpapahatid pa ako.

"Sakay na." may isang kotse ang tumigil sa harap ko, nakababa ang bintana at nakakita ako ng isang demonyo.

Nakakatakot na demonyo.

Kidding! I saw my EX inside that car. Wow ha! Destiny? HAHA.

"Salamat na lang pero may hinihintay ako."

Okay Skye, nice move. Now, what?!

"Pinapasundo ka ni mama, may handaan sa bahay." Sabi nya at bumaba sa kotse nya.

Tss akala nya naman madadala ako sa pakiusap? Hindi na ako ang dating Skye na kilala nya.

"Mauna ka na." may pagka mataray kong sabi.

"I'll send you home." Hinila nya ang kamay ko.

"Wag na."

"Get inside the car, now!" He said with authority.

Inutusan nya ako? Wow naman. Kung sinabi ko ba sa kanya noon na wag nya akong iwan, gagawin nya ba? Malamang hindi! Tapos ngayon..? Wow lang talaga.

"Excuse me, may problema ba dito?" napatingin ako sa kung sinong humawak sa kabila kong kamay. "Skye, is there something wrong? Kanina pa kitang hinahanap."

Hinila ko ang pagkakahawak ni Xander sa kamay ko.

Masakit bang mareject, Xander? Masakit diba?

"Sabi ko naman sa'yo, may naghihintay sakin." Nginitian ko sya. "Wag kang mag-alala, he's a good guy. Di nya ako pababayaan." di tulad ng ginawa mo.

Kung hindi mo sana ako sinukuan noon, kamay mo ang pipiliin kong hawakan ngayon.

"Let's go Ethan." tinalikuran na namin si Xander at naglakad.

Medyo nakahinga naman ang ng maluwag.

Pumunta kami sa parking lot ng mall kung nasan ang sasakyan nya.

"You can cry. My shoulders are here for you."

"No, Ethan. I won't cry for that stupid reason again."

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon