Chapter 13

1.3K 41 25
                                    

Chapter Thirteen

You said you'd never lie, that you'd never make me cry, my dear.

-Skye's POV-

Habang tinitingnan ko palayo si Xander, lalo ko syang gustong hilahin pabalik. Ang daming gumugulo sa isip ko.

Gusto ko nang malaman ang rason nya para mapanatag naman ako kahit konti. Ang dami ko nang problema tapos dadagdag pa 'tong curiosity ko.

Pinagmasdan ko lang sya hanggang sa makalabas sya ng gate namin. Nakakainis, I should've let him stay!

"Arghhh!" ginulo ko ang buhok ko at dali-daling pumasok ng bahay.

Agad akong pumasok sa kwarto. Naligo at nagbihis. Susundan ko sya. Gusto ko nang malaman.

I guess may lakad sya, napansin kong bihis sya. That guy, good-looking and hot as always even with the simplest clothes. Lucky Claire.

Sana hindi pa sya nakakaalis, bakit ko ba kasi pinagtulakan agad?

Nag-jeans lang ako at medyo see-through na long sleeves.

Dali-dali na akong lumabas ng bahay pero nadatnan ko si Clarice na kakapasok lang sa gate, "San ka galing?" I asked.

"Nangapit-bahay lang. Haha. What's with the outfit, saan ka pupu-" hindi ko na sya pinatapos.

"Where's Xander?!" dali-dali kong tanong.

"Bakit, may date kayo?! Akala ko ba pupunta syang airport?" Napakamot sya sa ulo habang nag-iisip.

Ano bang airport ang sinasabi nito? Bakit pupunta dun si Xander? Wala naman syang nabanggit sakin ah?

Okay Skye, you're not his girlfriend anymore. Don't assume na sasabihin pa nya kung san ang mga lakad nya.

"What? Anong gagawin nya sa airport? Wala syang nabanggit." May pagka-dismaya kong sabi. Eh sa nadidismaya ako kase di nya sinabi eh. Oo na, ako na ang demanding. Ex na nga't lahat, demanding pa rin.

"Nagreklamo ang di 'daw' affected," pang-aasar nya. Binigyang diin nya talaga ang 'daw'. Tsh. "Eh di yun, sinusundo ang karibal mong bruha."

Okay, I guess it's Claire. Si Claire lang naman ang karibal ko. Lol. Haha, pero di ko sinasabing bruha sya ha. She's nice, physically. And I guess, may mabuti rin naman syang kalooban.

Airport? Pasukan na ah? Astig din yun. Bigla ko na namang namiss sina mama at papa. Kung nakakapunta nga lang sana ako sa kanila para kumustahin.

"Ahh. Sige, papahatid ako kay Manong Jun." pumunta ako sa may garahe pero pinigilan naman ako ni Clarice.

"Saturday ngayon Skye, duh?" she said.

Saturday? What's with Saturday?

Ay sht, day-off nga pala nya. Why the hell is this happening?! Huhu. Kung kailan kailangan saka wala. Hays.

"Fine, mag co-commute na lang ako." Halos thirty minutes lang naman ang byahe. Keri yun.

"Hay. Love nga naman." she teased and pulled my hair.

Love? Anong kinalaman nun? Gusto ko lang namang matahimik na ang kaluluwa kong masyadong curious.

"Love your face. Sige na, bye." nilagay ko na ang phone ko sa sling bag ko at lumabas na ng bahay.

Hassle naman talaga. Bakit kasi hindi ako maalam magdrive. Matanda na rin naman ako eh, 17 na nga ako next week.

Omo! Sa kabusyhan ko, nakalimutan ko nang malapit na ang birthday ko. Uuwi kaya si mama ulit? Eh si Papa kaya? Naaalala pa kaya nya ako? Kahit naman ganun ang narinig ko kagabi, hindi ko naman magawang kamuhian sya kung meron na syang iba. Papa ko pa rin naman sya kahit pagbali-baliktarin ang mundo.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon