Chapter 20

1.1K 36 22
                                    

Chapter 20

So.. this is me, swallowing my pride.

-Skye's POV-

May kutob akong sya iyon, pero hindi ako umasa at hindi ko rin akalain na sya nga talaga, "Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong tanong sa kanya.

Naglakad sya papalapit sa akin at binuksan ang locker na kanina ko pang tinititigan, "May kukunin ako sa locker ko." Sambit nya sabay kuha ng isang puting tuwalya sa loob ng locker nya.

So.. kanya nga itong locker na ito? Alam kong hindi ako dapat nag-aassume pero, bakit? Bakit initials ko ang nakalagay sa labasa ng pintuan ng locker nya? At.. kelan pa sya bumalik sa pagiging varsity ng basketball?

Ang daming tanong agad ang gumugulo sa isip ko ngayon. Gusto kong malaman kung bakit... pero natatakot ako.

"Sigurado ka bang... sa'yo talaga 'yang locker na 'yan?" Paninigurado ko sa kanya. May parte sa akin na gustong.. sana nga sya ang may-ari. Hindi ko alam kung bakit. Naguguluhan na rin ako sa sarili ko.

"Oo," sabi nya saka isinara ang pintuan ng locker.

Muli akong napatingin sa intials na nakasulat doon.

SPT

Imposible. Imposibleng ako 'yun. Napailing ako habang inaalis ang mga bagay na pumapasok sa isipan ko. Tatanungin ko na sana si Xander kung nasaan ang coach at team captain pero nabigla ako dahil nakatingin na rin pala sya sa akin.

Ito na naman, naiilang na naman ako.

"You want to know?" Tanong nya sa akin sabay lipat ng tingin sa locker nya. Alam kong tungkol sa initials na nakasulat ang tinutukoy nya kaya napailing ako ng marahan pero napatawa lang sya sa reksyon ko. Okay, what again? "STP. It haunts you, right?"

"Ha?" Nagtataka kong tanong.

"Kilala mo 'yan, kilalang kilala." Sabi nya pero hanggang ngayon, sa locker nya pa rin ako nakatingin. Nag-iisip ako ng taong pwedeng magkaroon ng SPT na initials eh. Pero kahit anong pag-iisip ang gawin ko.. Skye Perez Torralba lang ang pumapasok sa isip ko. "She's staring at my locker right now."

Naka tatlong segundo bago mag-sink in sa akin ang mga sinabi nya. Lilingon pa sana ako para tingnan kung may iba pang babae dito, pero, napaisip ako.. Kung may babae man dito, malamang janitress.. at ang interviewer which is me.

Nagpatay malisya na lang ako at tinago ang emosyon na kanina ko pang kinikimkim, "Siguro 'yan iyong luma mong locker, ano? Hindi ko pa nakikita 'yung dati mong locker eh." Nagpabaling-baling ang ulo ko dahil hindi ko alam kung saan ako titingin. "Tanggalin mo na 'yan, baka makantyawan ka pa ng mga kaibigan mo. At isa pa.. hindi na naman tayo."

Napalunok ako ng bahagya saka ngumiti ng kaunti sa kanya. I'm getting nervous. I don't know why...Pero parang may happiness akong nadama. Ay ewan! Siguro masyado lang akong na-amazed sa ganda ng mga lockers. Hay. Tama 'yan, Skye. Na-amazed ka lang at wala nang hihigit pa.

Siguro, kung may makakabasa lang ng utak ko, aakalain nilang baliw ako. Siguro nga, malapit na.

"Paano kung ayaw ko?" Lalo pa syang naglakad papalapit sa akin dahilan para mapaatras ako. Para syang may binabalak na masama at di kanais-nais sa mga tingin na ibinibigay nya. "At isa pa, why would I remove those? Eh kanina ko lang 'yan nilagay." Saad nya at ngumisi ng nakakaloko.

Ayan na naman sya. Hindi mo alam kung seryoso o nagloloko. Kaya lagi akong lito eh. Hindi ko mabasa ang ma kinikilos nya.

"Nababaliw ka na," tinulak ko sya palayo sa akin at dumistansya. "Kelangan ko yung... yung coach at team captain nyo. Nasaan sila?" Pilit kong iniba ang topic. Besides, 'yun naman talaga ang pinunta ko dito at hindi sya. Ni hindi ko nga alam na kasali na pala ulit sya sa varsity. Sabagay, paano ko ba malalaman? Matagal na nga kaming hiwalay diba.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon