Season 2

1K 30 10
                                    

"Two weeks, Skye. We're leaving in two weeks." Tinanggal ni Mommy ang huling damit na naka-hanger sa closet.

Huminga ako ng malalim at ibinagsak ang sarili ko sa kama. I'm gonna miss California. Hindi naman sa ayaw ko nang umuwi sa Pinas, of course I really want to. Pero iba kasi dito eh. Yung paligid, yung hangin. Marami din akong alaalang nabuo dito. Paniguradong aasarin ako ng mga kabarkada kong naiwan dun dahil ng accent ko. What can I do? Three years is a bit long, nasanay na rin ako sa mga bagay bagay.

Matagal na rin namin 'tong napag-usapan ni Mommy at ilang beses na rin akong humingi ng extension. It's November at dapat noong nakaraang buwan pa kami umuwi. She wouldn't buy my excuses to stay for another month again.

"Hindi mo ba namimiss ang mga kaibigan mo sa Pinas? At ang Papa mo?" Umupo si Mommy sa gilid ng kama ko habang naglalagay ng mga damit sa maleta.

Lalo akong napahinga ng malalim sa tanong ni Mama. Alam kong isa lang 'to sa paraan nya para makauwi kami ng bukal sa loob ko. And she won. Miss ko na sila ng sobra. I don't feel alone here 'coz I really had lots of friends pero syempre, iba pa rin sa Pinas.

Umayos ako ng posisyon at sumandal sa headboard ng kama. "Fine, fine."

Ilang minuto ang nakalipas nang may text message akong natanggap. Wala namang iba kundi galing sa bestfriend ko.

Clarice:
Subukan mong i-resched ulit ang uwi nyo, wala ka nang bestfriend na babalikan. Haha kidding, miss you both. And uhh... size 8.

Natawa na lang ako dahil hanggang ngayon na kahit halos ilang taon na kaming hindi nagkikita, disregarding the video calls that we've had on Skype, our best-friendship never slipped away. Sya pa rin ang unbiological sister ko kahit na madami na akong naging close friends dito sa Cali.

I chose not to reply para naman may pa-miss effect.

I spent the rest of my days peeking through my window, savoring the heavenly scenery I had to leave. I sent my short goodbye to my closest friends already. Ang ilan sa kanila ay mga Filipino na nag-migrate at ang iba naman ay talagang dito nakatira sa Cali.

"Ready?" Pa-misteryosong tanong ni Mama pagkakatok sa pinto ng kwarto ko kahit nakabukas ito.

"Ready." Masigla akong tumango at ngumiti. To be honest, I've been waiting for this to come even if I don't want to leave this place. "...and excited."

Hinaplos ni Mama ang buhok ko saka hinila ang maleta ko palapit sa kanya.

I sighed. Good bye, Cali.

Habang nasa sasakyan kami papunta sa airport, hindi ko mapigilang isipin ang mga gusto kong gawin pag uwi ng Pinas. The very first thing I would do after I enter our very sweet home, pull my barkadas into a tight hug, tell my father how much I missed him. Grabe, ang dami ko na kaagad plano.

"Nagtext na ba sa'yo si Clarice?" Biglang tanong ni Mama habang hawak hawak ang phone nya.

Umiling ako.

"Hindi daw nila tayo masasalubong sa airport. Something came up daw." Binalik ni Mama ang phone nya sa bag nya at sinuri ang mukha ko. Alam kong alam nyang nadisappoint ako. Who would not be? Kanina ko pang pinagpaplanuhan kung paano ko sila sasalubungin ng isang mahigpit na yakap. Gahd, that was two effin' years! Miss ko na sila.

Tumango na lang ako at binaling ang tingin ko sa bintana. Almost fifteen hours ang byahe sa eroplano, medyo mahaba din.

Kinuha ko muna ang phone ko a few minutes before we arrive sa airport.

I activated my facebook account.

After a couple of months staying in Cali, I decided to deactivate my FB account, as well as my twitter. Text at skype lang kami nagkakausap ng mga kaibigan ko sa Pinas pati si Papa. And the funny reason is? -Xander. Avoiding Xander. Moving on for the nth time. Fair lang naman sa kanya 'yon since ako naman ang nagpush sa kanya na kalimutan nya ako so.. dapat ako 'tong magpakita sa kanya kung paano diba. But, surely, tinatawanan ko na lang ang lahat ng iyon ngayon.

"Anak, andito na tayo." Muli akong napatingin sa bintana and... here we are. Lalo tuloy akong naexcite kahit na alam kong wala sila sa airport para sunduin kami.

Dahil sa mabagal ang net, hindi ko na nagawang magbrowse sa newsfeed ko. But it's fine. Uuwi na rin naman ako.

It's four in the morning here in Cali at paniguradong nasa Pinas kami by eight in the evening.

Buti na lang at hindi masyadong mabigat 'tong maleta ko. Actually, wala naman akong masyadong damit na dinala sa Cali.

Parang sasabog ang puso ko sa emosyon habang bumababa ako ng escaltor. Hay, Philippines. You don't have the tiniest idea how much I missed you.

"Miss," biglang may lalaking halos kasing edad ko ang kumulbit sa akin.

Nilingon ko sya at nagulat sa aking nakita.

Isang malaking tarp na may nakalagay na 'Welcome Back, Skye' ang bumungad sa akin pagkatalikod ko. Tiningnan ko si Mama pero nagshrug lang sya at ngumiti. Hindi ba sya nagulat- aish! Alam nya 'to?

Sa likod ng malaking tarpaulin na iyon ay naglabasan isa isa ang pinakamamahal kong kaibigan. Unang una si Clarice. Sinundan nina Clyde, Ethan, Claire, at iba pang mga malalapit na kaibigan. Grabe, balak ba nilang punuin ang airport?

Sa halos ilang taon na nagdaan, ngayon na lang ulit ako naspeechless ng ganito.

Isa isa nila akong binigyan ng mahigpit na yakap habang ako naman, masyadong overwhelmed sa ginawa nila. Kahit kailan talaga, puro sila surpresa.

"Nakakamiss ka din pala 'no?" Asar ni Claire. Yes. Claire, the sweet sister of mine. Hindi ko alam kung paano kami nagkaayos. Basta it all started two years ago nung hindi pa kami nakakaalis sa Pinas. Nagpakumbaba sya and told me how sorry she was.

"Guys, I missed you!" Ngayon lang ako nakapagsalita dahil sa sobrang saya.

Inasar kaagad ako ni Clyde, "Oh my nose! It's bleeding." Agad itong lumikha ng tawanan.

Ito talagang si Clyde, hindi pa rin nagbabago. Sinabi sakin ni Clarice dati sa Skype na medyo hindi daw magkasundo si Clyde at Claire pero may nasesense daw syang iba. That, I have to find out.

Ang daming nagbago sa kanila. Parang ang tagal tagal ng three years. They are all grown ups. Mga dugyot noon, mukhang kagalang galang ngayon.

Nagpunta kami sa isang restau para doon magdinner. Doon na rin kami nagkwentuhan tungkol sa aming mga buhay.

"Guys, di daw makakasunod si Xander. May nangyari daw sa papa ni Jess." Pasigaw na sabi ni Grey habang may binabasa sa phone nya.

Agad namang tinitigan ng masama ng barkada si Grey kaya napakamot ito sa ulo at nag peace sign.

"I have a boyfriend." I said fearlessly and smiled. Mula sa masama nilang pagkakatitig kay Grey, dahan dahan silang pumaling sa akin na di maipaliwanag ang reaksyon. "I'm just clearing things out. Kung ano man ang issue namin ni Xander noon, just please.. leave it behind." Mahinahon kong saad.

My first two months in Cali was torture. Walang araw na hindi ko naiisip noon si Xander. Pahirapan sa pagtulog at pagkain, daig ko pa ang namatayan. Sobra akong nagsisi for leaving him. For hurting him. I thought that my reason for that was so lame. Dapat ipinaglaban ko sya. So, that thought urged me to contact him. I texted him and waited for a response for days, but I got nothing kaya tinawagan ko na sya. Pero wala pa rin.

Hanggang sa isang araw, naglakas loob akong magpaalam kay mommy para umuwi ng Pinas. Just for him.

Pero nakatanggap ako ng text na nakapag pagising sa akin sa katotohanan. From Jess, batchmate ko sa school namin nina Xander. A dancer. And a head-turner.

He's happy now. Stop bothering him.

It was nearly my third month in Cali nang may makita akong isang post sa facebook. Jess Navarro posted a picture na may heart na caption. Nakaupo sya sa bench at nakasandal sa balikat ng isang lalaki habang magkaholding hands. Para akong tanga sa pagdedeny sa sarili ko ng nakita ko. Until I saw Xander liked her post.

But none of those still affect me dahil masasabi kong masaya na talaga ako ngayon. I was out of the picture, to be in another picture.

Suddenly, my phone vibrated.

+639*********:
Look at your right.

Napatingin ako sa kanan at agad napatayo. My feet automatically brought me to him and hugged him tight.

"Arem."

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon