Chapter 27

959 24 8
                                    

Chapter Twenty Seven

You're the one that I love and I'm saying goodbye.

-Skye's POV-

Medyo madilim na nang makalabas ako sa building. Kiniskis ko ng dalawang palad ang braso ko sa pag ihip ng hangin habang naglalakad ako sa may tapat ng gym.

It's between us and his dreams. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Pero, nakapag-desisyon na ako.

"Kanina pa kitang hinihintay." Halos kilabutan ako nang marinig ko ang boses nya. That damn voice stiffened me for a while.

I glanced to my right and there was Xander. Naka-casual na sya at mukhang bagong ligo. Masyado nga siguro akong nagtagal sa usapan namin ni Mrs. Aquino. Hindi ko tuloy napanood ang kalahati ng last quarter.

"Panalo kayo?" I answered, ignoring what he said then gave him a smile.

Tumango sya, "I missed the last shot nang makita kong wala ka sa upuan mo."

Hindi ko maiwasang hindi ma-guilty sa sinabi nya. I've been longing to watch him play, pero pinalampas ko lang.

"Sorry and... congratulations, alam ko namang mananalo kayo." Saad ko, para kahit paano ay gumaan ang loob nya.

Tuwing pagkakatapos ng laban nya, maraming nagpapapicture. Mabuti na rin ito, at least hindi ko nakita ang mga babaeng umaaligid sa kanya.

He patted my head slightly, "Gutom ka na ba?"

"Xander, pwede ba tayong mag-usap?" I asked, ignoring his question.

Sa oras na ito, literal na nangangatog ang mga tuhod ko at nanlalamig na ang mga kamay ko. How can I be so fool?

"We're talking now, Skye." Napawi ang kasiyahan sa boses nya at napaltan iyon ng isang mas seryoso. He looked scared.

"Seryoso, Xander. Kailangan nating mag-usap." Tumungo ako at kinagat ang labi habang pinipigilan ang pagpatak ng luha.

Inangat nya ang baba ko at hinawi ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko. "Shhh." Itinapat nya ang daliri nya sa labi ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. "Can I own you? Even just for this moment?"

Sa sinabi nyang iyon, lalo akong napaluha. I don't want to lose him. Ayoko. Pero may mga bagay talaga na hindi pwede kahit anong pilit ang gawin natin. He has his dreams, and I have mine, too. I need to be distant because I might ruin all those dreams that he'd been longing to reach. Kung kami naman siguro talaga, hahanap ng paraan ang tadhana. Someday, but not at this moment.

Bahagya akong tumango sa kanya. Hindi na sumagi sa isip ko ang maaari nyang isipin ngayon habang nakikita nya akong lumuluha. Hinila nya ako palapit sa kanya hanggang sa maramdaman kong nakahilig na ang mukha ko sa dibdib nya. Mas lalo akong napaiyak.

How could I hurt the guy that I wanted to marry? How could I push him away?

Tahimik nya lang na hinahaplos ang buhok ko habang tuloy pa din ang pag-iyak ko ng tahimik. Alam kong alam nyang umiiyak ako. Sa mga oras na ganito, alam nyang ayaw kong may nakakakitang umiyak sa akin. Hindi ko alam pero ganoon ako. Kaya sa tuwing nakikita nya akong umiiyak, he says nothing to make me stop, instead he'll just pull me into a hug until I compose myself back to normal.

"Xander..." Nanginginig ako habang binabanggit ang kanyang pangalan. Pakiramdam ko ay may kung anong nakabara sa aking lalamunan.

Ramdam ko ang paghinga nya ng malalim. A deep and painful sigh.

"Pinahirapan ba kita?" I could imagine him making a grimace right now. Kinagat ko ang labi ko at hinayaan syang tumuloy sa pagsasalita. "I never thought this would be hard for you, akala ko... akala ko pwede pa." He said in a low voice, and I figured that he was talking about us having a second chance.

Alam kong iniisip nya na hindi ko na sya gusto ngayon. Na hindi ko na sya mahal di tulad noon. Hindi ko sya pipigilan sa iniisip nya, tutal para rin naman ito sa kanya. Para ito sa amin.

Lungkot. Sakit. Pagkakonsensya. Lahat na ata ay narararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Xander..." Mahina ang boses ko pero sapat lang para marinig nya.

Nabalot kami ng matagal na katahimikan. Walang gustong magsalita sa amin. Can I end this thing without the both of us getting hurt?

"I don't think I can move on." Bahagya akong napatingala sa kanya. "I guess we need to stop being friends for a long while."

Sa huling pagkakataon, huminga uli ako ng malalim, pinahid ang aking mga luha at tumango sa sinabi nya.

Tumayo ako at marahan syang tinalikuran. We need to stop being friends for a long while.

I started walking... away. Hindi ako muling lumingon, at hindi nya rin ako hinabol.

I guess this is the end of our love story. Of my hopes of having a second, magical chance. Maybe. Hindi ko rin alam.

At this moment, I just shattered him. And my own heart, too.

Ngumiti uli ako ng mapait, hinihiling na sana ay huwag pagsisihan ang lahat ng ginawa ko.

Maybe one day, we can exchange smiles and hi's at the same old coffee shop. Maybe, just maybe.

---End of Season One---

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon