Chapter 10

1.5K 54 41
                                    

Chapter Ten

So hard to let the feelings die.

-Skye's POV-

"Alright mga pasaway, maaari na kayong umalis." Pinindot nung taga-bantay sa detention ang bell.

Pasaway talaga ang tawag ha? Grabe naman.

Dali-dali na akong tumayo at lumabas ng detention room. Sabi nung substitute teacher, one hour. Pero labasan na ngayon. Kanina pa nga atang nakauwi ang mga estudyante. Nako. Irereklamo ko na talaga yun sa principal.

"Sa akin ka na sumabay pag-uwi." Sabi ni Xander na nasa likod ko pala.

Peste. Sinabi nang mag-momove on na ako. Pero lagi syang nakabuntot. Lagi syang nasa tabi ko. Para lang akong nagwawalis ng bukas ang electric fan. Nababalewala lang lahat.

Alam nyo yun? Twenty percent na lang ata at makaka-move on na ako sa kanya pero hayan, biglang bumalik at may mga pasabog pang dinala! Halimbawa na lang na magiging kapitbahay namin sya. Hay, torture talaga.

"Hindi, okay lang." tanggi ko at binilisan pa lalo ang lakad.

"Yan ka na naman. Di ka na nagbago." sinabayan nya naman ako sa paglalakad at napakamot sa ulo.

Tumigil naman ako at hinarap sya, "Hindi naman talaga ako nagbago eh."

Napabuntong hininga muna sya bago magsalita, "Madilim na Skye, 'wag nang matigas ang ulo."

"Oo na." Suko na ako. Lately, palagi na syang nananalo. Baligtad nga eh. Nung kami pa, kadalasan ako ang nasusunod tas nung nawala tsaka sya may ganang maging ganito.

Pagpasok namin sa room, yung bag na lang naming dalawa ang natira. How sweet. Pati mga bag namin talagang nagpaiwan pa. Di man lang dinala ni Clarice yung akin.

Habang kinukuha ko ang bag ko ay biglang nagvibrate ang phone ko sa bulsa ko.

Fr My Hero:

Hi Skye, nakakamiss ka pati ang bitterness mo. :P

-

Okay na sana, isinama na naman nya ang bitterness ko. Kaasar talaga 'tong si Ethan. Ayos na kaya kami! Pumapayag na nga akong sumabay sa kanya parati eh.

To My Hero:

Sus. Bakit ba hindi kita nakikita nitong mga nakaraang araw?

-

From My Hero:

Naka-confine ako eh.

-

Napa- oh my gosh na lang ako. Kawawa naman sya.

Tinanong ko sya kung saang ospital at kung anong sakit nya at sinabi naman nya kaagad. Pambihira, nagawa pang magtext eh nasa ospital na nga.

Na-dengue daw. Kawawa talaga.

Dapat ko syang puntahan. Palagi syang andyan para sa akin kaya dapat lang na ako naman ang dumamay sa kanya.

"Mamaya ka na kiligin sa katext mo, tara na!" sabat ng magaling kong Ex.

"Hindi na ako sasabay, may pupuntahan ako," inayos ko na ang dalawang librong nakapatong sa desk ko at nilagay ito sa bag ko. "Mauna ka na."

"Saan ka pupunta? Madilim na." lumapit sya sa kinaroroonan ko.

"Bibisitahin ko si Ethan." isinuot ko na sa right shoulder ko ang backpack ko, magaan lang naman.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon