Chapter 1

2.6K 81 49
                                    

Chapter One

...and we have taken different roads.

-Skye's POV-

"16, 4th year high school. And of course, single." I took a sip of juice and flashed him a smile. A very, very sweet one. I've been telling this line for almost a week, nakaka-uta na.

"So.. I guess, you can be my girlfriend now?" sabi nya at ngumiti ng maangas. Pakiramdam nya siguro e mauuto nya ako.

Hello kuya? Hindi ako ang ganyang tipo ng babae.

First date-- wait. This isn't even a date. I was just forced by my best friend to meet him up. Tapos tatanungin ako kung pwede na nya akong maging girlfriend?

Talaga bang ganito na ang uso? Magsyota na agad at wala nang ligawan pang magaganap?

Pero okay lang, hindi na nya kelangang manligaw dahil this very moment? Basted na sya!

Hindi ba nila alam na hindi lahat ng bagay eh nadadala sa madalian?

Sayang ang mukha nya, gwapo pa naman. Tsaka feeling ko, pag pinatulan ko 'to, maagang magkakaapo si Mama. Hitsura pa lang... Errr.

"Sorry to say, pero hindi ako nagmamadaling magkasyota." kinuha ko na ang bag ko at tumayo.

See? Polite ko 'no? Ako na nga ang minamadali, ako pa ang nag-sosorry. Ganyan talaga, kung hindi ka magpapakababa, hindi matatapos ang usapan.

"Woah. Okay, okay." he raised his both hands telling me to stop. "If you don't rush things, siguro naman bukas, pwede na kitang maging girlfriend?"

Kawawang nilalang. Talaga bang masyado syang nagmamadaling magka-girlfriend? Sa hitsura naman nya, marami talaga syang mauuto. Pero hindi ako.

Hindi naman sya mamamatay pag wala syang girlfriend diba? At saka, kilala ko ang mga ganitong tipo. Uto-uto lang ang magpapadala.

"Sorry talaga." I slightly bowed at him. Inilapit ko ang labi ko sa may tenga nya at bumulong. "Kung gusto mo ng matinong girlfriend... magpakatino ka rin muna. At kung nagmamadali ka talagang magka-girlfriend, ayun oh. Kanina ka pa nyang pinagnanasahan." tinuro ko 'yung customer sa kabilang table kaya napatingin sya.

"Hi fafa, gusto mo ba ng girlfriend? Ako pwede. Single and very ready to mingle." sabi nung binabaeng tinuro ko. Actually, ang ganda nyang bakla pero nung nagsalita, mas macho pa ata ang boses dito sa ka-meet up ko.

Tinap ko na lang ang balikat niya and gave him a 'goodluck-sa'yo' look. Lumabas na ako sa restau at napag-pasyahang umupo sa may bench ng mall.

I sighed.

"Huhulaan ko... basted na naman ba?" napatunghay ako sa nagsalita.

There she is, finally. Ang best friend ko na mahilig magreto ng kung sino-sino.

Clarice Jimenez. Partner in crime slash seatmate slash unbiological sister. She knows me more than anybody does, even my parents. Wala akong magagawa, lumaki na ako kasama ang dalawang kasambahay. Nauwi lang sina Mama pag may okasyon o kaya ay may aasikasuhin tungkol sa kabuhayan namin. Di ko sila masisisi, para raw 'yon sa kinabukasan ko.

"Yep." I shrugged.

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa'yo." bahagya nyang minasahe ang sentido nya na para bang problemadong problemado. "Hooo. Chineck ko kanina ang listahan ko, apat na ang nireject mo. Apat na ang binasted mo at hindi pa kasama 'yung ngayon. Di ka ba naaawa?"

Listahan, yea. May listahan sya ng lalaking nirereto nya at pinapa-date sa akin. Lecheng 'to, nagmumukha akong inosenteng pokpok eh.

"Hindi? Hindi naman kase sila seryoso. Tsaka ano ka ba naman? Wala namang matino sa mga naka-meet up ko eh." I defended myself. Para kaseng ako pa ang lumalabas na maldita. Hello? Papatol ka ba naman sa kakakilala mo lang? Syempre hindi.

"Here you go again. Nagiging man-hater ka na naman." She rolled her eyes. "Huwag mo kasing igaya ang lahat ng lalaki sa--" I cut her off. Ang hilig nya kasing ungkatin ang mga bagay na di naman kelangang ungkatin.

"Hoy hindi ah. Wala yung kinalaman dito 'no. Tsaka alam ko namang iba't iba ang lalaki. Mali nga lang 'yung napatapat sa akin noon." depensa ko.

Eh tunay naman talaga, hindi naman porket nasaktan ka noon e sisisihin mo na agad lahat ng kalalakihan ngayon. Aba, mali nga naman 'yon. Hindi naman nga kase lahat ay gago.

"Okay, okay." she gave up. "Basta ha, may tatlo pang tira sa listahan. Sabihin mo lang kung kelan ka free."

"Clarice, hindi na. Wala talaga akong type sa mga nakaka-meet up ko tsaka books before boys, remember?" binigyan ko sya ng malapad na ngiti.

"Fine, suko na'ko sayo-- wait. Gotta answer this call." Tumalikod sya sa akin and answered the call. Pero sapat lang para marinig ang mga sinasabi nya sa kausap nya. "Hello?... Yes tita Mira... Opo, kasama ko sya... Ngayon po?... Ah sige po, sasabihin ko... Okay po, bye."

Mira? Nanay ko? Wow, nakauwi na pala si Mama. Bat kasi deadbatt ang phone ko? 'Yan tuloy, di ko man lang sya nakausap.

"Bakit tumawag sa'yo si mama? Bat di mo pinakausap sakin?" agad kong usisa sa kanya. Miss ko na si mama, 4 months na ata kaming di nagkikita. Pati si papa. Hay buhay.

"Sorry naman, binaba agad e. Mukhang busy. Umuwi na raw tayo, ngayon na. May family dinner daw." saad nya habang nilalagay ang phone sa bag.

Have I mentioned a while ago na samin muna pansamantalang tumitira si Clarice? So yea, samin muna sya nakatira kase nirequest nya sa mama nya dahil wala raw akong kasama. Yiie sweet best friend.

"Ikaw magbayad ng taxi ha? Langya ka, yung pina-date mo sakin kanina, ang kuripot! Biruin mo ba namang ako ang nagbayad sa kinain namin kanina?!" reklamo ko.

Talaga! Sa lahat ng naka meet up, sya ang pinaka-bumagsak sa panlasa ko. Unang una, hindi gentleman. Pangalwa, parang natatae at gusto nang magkasyota ora mismo. And lastly, kuripot! Baka pag naging kami nun, pati pang-DOTA sakin pa sya humingi.

"Talaga? Hahaha. Sorry, nasense kaagad nya siguro na babastedin mo sya, yan tuloy ikaw ang nagbayad!" pinunasan nya ang mata nyang nagtutubig sa kakatawa.

"Ang sabihin mo, kuripot talaga sya. Mabuti na lang at dala ko ang wallet ko at mabuti na lang rin, konti lang ang inorder namin." pumara kami ng taxi at sumakay.

"Hayaan mo na." marahan nyang hinampas ang braso ko. "Pero Skye, nakikita mo ba ang nakikita ko?" ngumisi sya.

"Olags, syempre hindi. Mata mo 'yan e, malay ko sa nakikita nyan." katwiran ko. Tunay naman diba?

Siniringan nya ako tapos bumulong. "Tingnan mo si manong driver, mahitsura oh." nginuso nya yung taxi driver. Siguro bata pa 'to.

"Shh, tumigil ka nga. Baka mamaya pati mangyan dyan sa labas, ireto mo na sakin ha? Grabe suko na'ko."

After almost ten minutes, nakarating na rin kami sa amin. May dalawang nakapark na kotse sa labas. If I'm not mistaken, amin yung isa. Pero 'yung isa, hindi ko alam. Siguro bagong bili nina mama.

"Skye, hija." balisang salubong sa amin ni yaya Malou, ang aking pangalwang ina. "Kanina ka pang hinahanap ng Mama mo."

('hija' - read as 'iha')

"Ahh. Sige po, pasok na kami. Halika na, Clarice." hinila ko na si Clarice at nagsimulang maglakad.

Sobrang excited na akong makita at mayakap sina Mama at Papa. Once in a blue moon lang 'to. Wala naman kaseng okasyon, kaya for sure madali lang sila dito sa Pinas. Siguro namiss lang nila ang unica hija nila.

"Skye, saglit." muling nagsalita si yaya kaya napahinto kami ni Clarice sa paglalakad.

Lumingon ako at muling lumapit kay yaya. "Bakit po, 'ya?"

"Andito sya."

___

Skye Torralba at the side -->

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon