-C-

210 10 6
                                    

Hindi ako magkanda-ugaga sa pagsusuot ng sandals ko habang ang buhok ko naman ay basang basa na halos tumutulo pa. Unang trabaho ko ito at mukhang male-late pa ata ako.

Hindi ko naman kasi akalaing ganito ako ka-late magigising. Naninibago pa siguro ako sa oras. Ala-una ng hapon ang simula ng trabaho ko at ten minutes na lang ang natitira plus travel time pa, late na talaga ako.

"Pa, Tita. Alis na po ako." Saad ko pagkababa ko ng hagdan at dali-daling lumabas na ng bahay. Kinuha ko ang susi sa bulsa ng bag ko at nagdrive na patungo sa Locus.

Arem:
Where are you? Kain tayo, sunduin kita dyan? I miss you. :(

Halos mapapreno ako nang mabasa ang text ni Arem. Hindi pa nga pala nya alam na natanggap ako sa trabaho. He doesn't even know na nag-aapply ako para sa trabahong ito. Hindi sa itinatago ko ito sa kanya, hindi lang talaga kami nag uusap tungkol sa mga ganitong bagay. Hindi na lang ako nagreply sa kanya at isa pa ay wala rin naman akong load.

Ipinark ko ang sasakyan ko sa harap ng hindi kalakihan ngunit magarang building. Labas pa lang, elegante na. Napatingin ako sa paa kong hirap nang lumakad. Bakit ba may takong ang naisuot ko? Uugatin ata ako sa hirap magdrive.

2nd floor daw ang magiging working area ko kaya agad na akong nagtungo sa elevator.

Hindi sinasadyang mapalakas ang pagbukas ko ng smoked glass door kaya lahat ng atensyon ng mga empleyado sa loob ay napapunta sa akin. Nahihiya akong ngumuti habang minamasdan ang mga gulat nilang mukha. Hindi ba sila informed na may bagong magtatrabaho?

May babaeng lumapit sa akin na siguro ay matanda sa akin ng limang taon, nasa 25 na siguro sya. "Hi, you must be Skye?" Ngumiti sya sa akin at marahan naman akong tumango.

Singkit ang mga mata nya at may pagka-koreana ang kutis. Siguro model sya dito. "I'm Yanna, ako ang in-charge sa editing. Don't call me Ma'am or Miss, Ate Yanna may do. Para tunog bagets lang." Tumatango tango lang ako at ngumiti. Sana lang lahat ng empleyado ay kagaya nya rin.

Ipinakilala nya rin sa akin ang ibang mga empleyado, hindi naman ganoon karami kasi hindi naman talaga kailangan ng isang photography studio company ng sandamakmak na mga empleyado. "'Yong naka-pula, sya si Ms. G. In charge sa photoshoot. 'Yong katabi nya naman ay si Sir Vince, head ng finance."

Isa-isa silang kumaway sa akin habang ipinapakilala ni Ate Yanna. Bahagya naman akong nag-bow para batiin ang bawat isa sa kanila. Mukha naman silang mababait at approachable.

Itinuro na sa akin ni Ate Yanna ang magiging desk ko na nasa unahan at halos katapat ng pintuan. Nakaka-intimidate namang magtrabaho dito dahil ang kaliwa ko isa pang glass door na mukhang opisina ng pinaka-head namin. Inilagay ko ang shoulder bag ko sa desk.

Halos karamihan ng empleyado ay nasa 20-25 years old, tapos yung mga head ay nasa 30s at si Ate Yanna na ang pinaka-bata sa mga yun. Bigla akong kinalabit ng babaeng katabi ko ang desk habang pinupunasan ang mukha, bagong pulbo ata. "Okay lang ba ang hitsura ko?"

Ngumiti ako at tumango. Siya pala si Issa. Buti na lang may name plate ang mga empleyado dito, kung hindi baka mahirapan akong magsaulo ng pangalan.

Umupo na ako sa simpleng swivel chair ko at umikot ng isang beses. Gosh, kung ganito lang sana kadaling matanggap sa trabaho in the future.

Umawang ang pintuan at kasabay noon ay ang pagsinghap ng dalawa kong katabi. Si Issa na nasa kanan at si Cess na nasa tabi ni Issa.

"Ayan na si sir Lopez!" Tumayo si Cess at pinispis ang palda. Agad naman akong nakaramdam ng kaba sa narinig ko kay Cess. Kabang halos bigyan ako ng malamig na pawis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon