Chapter 18

1.1K 33 12
                                    

Chapter Eighteen

I'll never get over you.

-Skye's POV-

Tardiness slip.

'Yan lang naman ang nadatnan ko pagkadating ko sa school. Tinanghali ako ng gising eh. Si Clarice naman, ready na nung magising ako kaya pinauna ko na sya. Mahimbing daw ang tulog ko kaya hindi nya ako ginising. Tch kaasar naman. Pangalwa na 'to. Pag nakatatlo akong tardiness slip, bibigyan na ako ng letter.

Habang umaakyat ako sa stairs, parang kinakabahan ako. Well, lagi naman e. Lagi akong hindi kampante. Kaklase ko sya, kapitbahay pa, idagdag pa 'yung mga nangyari kagabi. Ewan ko ba sa lalaking 'yun kung ano ang gustong palabasin. Di ko sya maintindihan kung pinapaasa nya lang ba ako o ano. Pero kung... kung hindi pagpapaasa ang lahat ng yun, anong ibig sabihin nun? Why is he acting that way e alam naman nyang may girlfriend sya. Konsiderasyon na lang sakin at sa feelings ko 'no!

Iiwan nya ako tapos biglang babalik at magpapakita ng sweet efforts at magbibitaw ng sweet words kung kelan malapit na sana akong maka-move on. Nakakagago lang e 'no?

"Hi, Ms. Torralba." Medyo na-shock ako kasi nasa bukana na pala ako ng classroom namin. Ang tagal ko rin palang nag-isip isip.

"Ahh.. ehh... hehe." Lumapit na lang ako kay Ms. Aquino para ibigay ang tardiness slip ko. Hay, buti naman at hindi sya terror.

Hinarap ko na ang klase para maupo na sa upua--- wait. Uh-oh, new seating arrangement? Ano bang petsa na? Tsh, July na nga pala.

Inisa-isa kong tingnan ang mga bakanteng upuan. Tatlong chairs na lang ang available at nasa likod yun lahat. Ughh, ang labo pa naman ng mata ko.

HIndi ko maiwasang hindi mapatingin kay Xander. Nasa unahan sya. Halatang ayaw akong makatabi e 'no? Eh anong pakulo 'yung kagabi? Hay, wag na nga lang isipin 'yun. Parte lang 'yun ng pagpapantasya ko. Tinupad nya lang 'yung dream birthday celebration ko para siguro makabawi. At 'yung three eight one nya-- wala na akong pakialam dun, di ko rin naman alam ang meaning nun e.

At dahil medyo late na ring umalis si Clarice sa bahay, nasa likod din sya kaya dun sa may malapit sa kanya ako pumunta.

Nasa gitna ng paglelecture ang teacher nang may mag-excuse sa akin. Grabe naman, late na nga ako, tapos may mag-eexcuse pa. Tch, ano nang natutunan ko nito?

Nagmadali akong lumabas para hindi sayang ang oras. May written exam kasi bukas sa subject na'to, eh paano ako? Hindi naman pwedeng blangko ang papel ko, nanganganib na nga daw ang grades ko kumpara last school year sabi ng ilang teachers eh.

"Ikaw si Skye diba?" may babaeng nakasalamin ang sumalubong sa akin pagkasarado ko ng pinto.

Ah! Tanda ko na, sya ata ang bagong moderator ng school paper namin.

"Opo, Ma'am," sabi ko habang tumatango-tango.

"You are in charge of the school's upcoming sports competition. Bahala ka nang humingi ng interview sa coach or sa team captain ng basketball. Next week na 'yon and you need to have them interviewed before and after the competition," paliwanag nya saka tinaas ng konti ang salamin nya. "Ako na ang bahalang mag-distribute ng assigned task sa ibang members."

Tumango na lang ako at muling ngumiti sa kanya. First day of being seventeen, and there comes my responsibilities. Aish.

Pumasok ako sa loob ng room nang nanlulumo. Ayoko kasi ng mga interview na 'yan, minsan kasi nang s-snob lang mga napapatapat sa akin, napapahiya lang tuloy ako. Bago ako makarating sa kinauupuan ko, napatingin ako sa direksyon ni Xander pero pagtingin ko, nakatingin na rin sya sa akin tapos biglang umiwas. Siguro nagtataka 'yun kung bakit ako inexcuse. Oh well papel, tama na ang kaka-'Xander', nalalason lang ang kukote ko pag iniisp ang lalaking 'yun e.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon