Chapter 8

1.6K 58 31
                                    

Chapter Eight

Never planned that one day I'd be losing you.

-Skye's POV-

After two weeks, eto na. Pasukan na. Dalawang linggo rin akong nabagot dito sa bahay, ayokong lumabas kasi you know... baka mamaya makasabay ko sya.

Si Clarice? Ayun, dito na ulit sya nakatira. Pero ang masaklap, umalis na si mama ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Nagpaalam naman sya, yun nga lang, gamit ang sticky note na nakadikit sa ref. Nakakatampo kaya 'yun. Iinom lang ako ng tubig tapos bigla na lang akong nagulat sa nakasulat. Biglaan daw.

"Clarice, wala ka na bang ibibilis pa dyan?" kanina ko pa syang kinakatok sa loob ng CR.

Nasanay na akong dito sa CR sa katabi ng guest room maligo. Eh sa feel ko dito eh. Haha.

Nananadya ata 'tong babaeng 'to. Alam naman nyang ayaw kong makasabay ni paglabas ng gate si Xander tapos lalo pang binabagalan.

Kasi diba? Hay fine, oo na! I'm not over him yet. Parte lang ang pagiging cold ko ng defense mechanism ko para hindi ko na maramdaman 'yung sakit. Pero echosera, naging bitter lang ata ako nung ginawa ko'yun.

Kaya paano ako makaka-move on nito kung palagi ko syang nakikita? Sabi ni Clarice, mas mabuti nga daw yung laging nagkikita para manawa ako or magfade 'yung feelings. Eh sa payo naman nya, lalo lang akong nahuhulog at lalo kong naaalala yung memories namin pag nakikita ko sya. Ewan ko ba, abnormal ang puso ko eh.

"Oo, eto na nga. Tinutuyo ko na lang ang buhok ko." pagkasabi naman nya nun ay lumabas na rin sya.

"Nagtutuyo raw ng buhok? Eh bakit bihis ka na?" sumbat ko pagkalabas nya.

Nakasuot na agad sya ng uniform ng school namin. Long sleeves ang puting pang-taas tapos checkered na kulay black and red naman ang palda na above the knee lang. Nakakamiss pala talagang pumasok, buti na lang pasukan na ulit ngayon. Bagot na bagot na akong magkulong dito sa bahay eh.

"Trip ko eh. Sya bilis na, maligo ka na." pinagtulakan naman nya ako papasok ng banyo at agad na rin naman akong pumasok.

Pagkaligo ko, agad akong nagbihis. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Maganda at mabait naman daw ako, ano kayang inayawan sakin ni Xander? Hay, 'wag na ngang isipin ang lalaking 'yun.

Lumabas na ako at kumuha lang ng isang slice ng tinapay na nakahain sa mesa. "Yaya Malou, asan si Clarice?"

"Nauna na hija, nagpahatid sya kay Jun."

Pati si Manong Jun?! Anong sasakyan ko ngayon?

Tingnan mo 'yung babaeng 'yun, pinagtitripan na naman ako. Letsugas. Napatingin ako sa relo, 7:50 na. Bakit ganun?! Bago ako magbihis, 6:30 pa lang. Ang bilis.. shet! Alam ko na. Inadjust na naman siguro ni Clarice yung wall clock sa kwarto namin.

Patay talaga sya sa akin mamaya.

Sinuot ko ang backpack ko at parang ninja na lumabas sa gate namin. Para na rin akong spy sa kilos ko. Ayoko nga kase talaga syang makasabay.

Kaya lang, hindi talaga kami bati ng tadhana...

"Iniiwasan mo ba ako?" napatigil ako sa paglalakad.

Pinlano talaga 'to ni Clarice e. Ugh.

Hinarap ko sya habang hawak hawak ang dalawang strap ng bag ko.

"Hindi ah."

"Sakay na." binuksan nya ang pinto ng passenger's seat.

"Ayoko, mas gusto kong maglakad." tanggi ko.

Always Been YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon